Kabanata 2: Stop Over

41 5 0
                                    

Wynwyn's POV

HINDI rin nagtagal nakarating din kami sa isang hotel restaurant na sa unang tingin ay halatang mamahalin ang mga pagkain na hindi afford ng mga average na katulad namin. Pero nakakapagtaka dahil dito kami pumasok ni mama. Hindi kaya nakalimutan lang ni mama kung saan dapat kami kakain? Ang ganda sa loob at wow! May malaking chandelier pa sa gitna at bawat table ay may mga candles. Hindi ko na talaga kaya itong nakikita ko, masyadong masakit sa mata. Hindi kami bagay rito.

"M-mama, anong ginagawa natin dito?" Bulong ko sa kaniya habang naglalakad papunta sa kung saan man. Basta sinalubong lang kami ng isang waiter tas ni-lead niya na kami.

"Ano bang ginagawa sa restaurant, anak?" Bulong din niya sa akin.

Napangiwi naman ako dahil tinotopak na naman si mama. Isang tanong ba naman ang isagot sa tanong ko? Feeling ko tuloy ang tanga ko sa tanong na iyon. At may resto pa palang bukas ng ganitong oras? O tamang sabihin na maaga nagbukas? Time check, 1:28 pa lang ng umaga.

"A-alam ko po ma, pero bakit dito? Mukhang mamahalin at baka hindi kayanin ng pera natin. Sa iba na lang po tayo, pwede naman sa isang fastfood." Paliwanag ko.

"Here's your table ma'am." Biglang salita ng waiter.

"Thank you." Mahinang sabi ni mama.

Umupo siya kaya napilitan na lang din ako umupo. Bale, nasa pinakagitna kami at nakatapat sa pinakamalaking chandelier dito sa loob.

"Here's our menu ma'am." Binigyan naman kami ni kuyang waiter ng tig-isang menu.

Tinanggap naman namin at nagsimula na si mama mamili. Ako? Nakatingin lang sa ginagawa niya. Ewan ko, ayokong buksan yung menu kasi baka hilahin ko na lang agad si mama palabas sa sobrang mahal ng presyo. Pero ayoko naman gumawa ng eskandalo tsaka mapapagalitan lang ako ni mama.

"Bakit hindi ka pa mamili anak?"

Nagising naman agad ako sa pagkakatulala ng tinawag ako ni mama. Nakatingin na pala siya sa akin ng hindi ko namamalayan kahit sa kaniya ako nakatingin.

"Mama, baka mahal kasi dito." Bulong ko ulit kahit medyo magkalayo kami.

Nasa magkabilaang dulo kasi kami ng table at baka marinig nitong si kuyang waiter. Palabasin agad kami.

"Don't worry, anak. Mamili ka na ng kakainin mo para makapunta na agad tayo sa ate mo. Diba 'yun naman ang gusto mo?"

Kahit 'yun ang gusto ko, hindi maalis sa pakiramdam ko na parang nagiging bitter sa pandinig ko ang mga sinasabi niya. Gusto ko man linawin kay mama pero hindi na kasi siya nagsalita kanina nung nasa kotse pa kami. Baka ayaw niya rin pag-usapan.

Lintik na LIGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon