Kabanata 4: Eba't Adan

31 5 0
                                    

Wynwyn's POV

HINDI nga ako nagkamali ng rinig sa sinabi ni ate Bian bago ako makatulog, at ito na nga, narito kaming tatlo sa may kusina kumakain ng tanghalian.

"Aba'y dahan-dahan lang sa pagkain, anak! Tatlo lang tayo dito, hindi ka mauubusan." Saway sa akin ni mama habang tumatawa.

"Kaya nga, Wyn. Buti na lang may dala kayong sobrang pagkain dahil baka kulangin at maubusan mo kami." Gatong naman ni ate.

Napanguso na lang ako habang iniikot-ikot ko ang binti ng manok na sinipsip ko. Nang-aasar kasi sila, kahit hindi nila diretsang sabihin na matakaw ako 'yun ang pinupunto nila. Pamilya ko 'yan eh, pero hindi naman talaga, sadyang paborito ko lang yung mga niluto nilang ulam.

"Wyn, 'yung nguso mo. Nasa hapag-kainan tayo."

"Nang-aasar na naman po kasi kayo, ee."

"Naku! Nagtampo na agad ang kapatid ko." Sabay pisil niya sa kaliwa kong pisngi.

"Araaayyy!" Sigaw ko. Hinampas ko naman agad ang braso niya dahilan para bitawan niya ako. Hinawakan ko naman agad ang pisngi ko na pinisil niya dahil masakit at doon ko lang na realized na ang pinangpisil niyang kamay sa aking pisngi ay ang pinanghawak niya sa manok na adobo. "Kadiri ka ate!"

Bumunghalit naman ng tawa sina mama at ate. Ang lagkit tuloy sa pakiramdam dahil dun. Tiningnan ko naman sila ng masama dahil ako na naman ang sentro ng pambu-bully nila. Sa tagal namin hindi nagkasama ni ate akala ko hindi niya na ako aasarin but I'm wrong. Ate ko pa rin siya.

"Kumain na nga lang tayo." Suhestiyon ni mama habang natatawa.

"Mama naman, ee!" Suway ko.

"O bakit?" Tanong niya habang nagpipigil ng tawa.

"Nanunuway ka pero tumatawa ka! Psh."

"O sige, hindi na, kumain na tayo."

"Sus, naghanap lang ng kakampi." Parinig ni ate bago sumubo ng pagkain.

Tiningnan ko naman siya ulit ng masama kahit busy na siya kumain. Pasalamat siya dahil katapat ko siya at hindi katabi, baka kanina ko pa siya pinaghahampas.

Nagpatuloy na lang kami kumain ng maayos at hindi na nag-asaran katulad kanina. Pero katulad na lang palagi, kahit anong bilis kong kumain, ako pa rin ang nahuhuli sa lamesa. Kaya ayun! Pinagtatawanan na naman ako nina ate dahil ako raw maghuhugas ng lahat ng hugasin mula sa mga ginamit nila sa pagluluto hanggang sa pinagkainan.

"Ang takaw-takaw mong kumain pero ang payat-payat mo naman." Rinig kong sinabi ni ate Bian.

Lintik na LIGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon