Kabanata 8: Announcement Day

20 1 0
                                    

Wynwyn's POV

HAPON na at nandito ako sa sala nanonood ng telebisyon habang hinihintay si Adam na lumabas. Nakaalis na rin si ate kanina papunta sa kaniyang trabaho. Ngayon na kasi ipo-post 'yung teams at ang mga miyembro nito na magkakalaban para sa LIGA.

Excited, oo. Kaso mas lamang pa rin ang kaba ko. Hindi ko kasi alam kung sino-sino ba ang makakasama ko. Hindi ko rin alam kung sino ang magiging leader ko. Kung ako kasi ang papipiliin, gusto ko sana makasama sina Bethel. Sino pa ba ang kilala ko maliban sa kanila? Nataon pa na hindi maglalaro ngayong taon si ate. Sayang talaga...

"Baklaaaaaa..." Tawag ni Adam sa labas na may tono pa.

"Sandali!"

Tumayo na ako at pinatay na ang telebisyon. Tumingin pa ako sa salamin sa gilid ng pintuan sa huling pagkakataon bago ko pinatay ang ilaw at ni-lock ang pintuan. Tanging ang wallet at phone ko lang ang dinala ko. Inilagay ko na rin ang susi sa loob ng wallet ko.

"Umalis na si ate?" Tukoy niya kay ate Bian. Natawa tuloy ako sa tanong niya.

"Nakiki-ate, ah?" Inirapan niya lang ako at nauna ng bumaba. Tatawa-tawa tuloy akong sumunod sa kaniya.

Lalo pa akong natawa sa pang-de-dedma niya sa akin. Wala pa man kami sa tapat ng bahay nila Bethel ay malakas na niya itong tinawag. Sinaway tuloy siya ng isa naming kapit-bahay. Masyado kasing tahimik kaya umalingawngaw ang boses niya. Mabuti at hindi masyadong malakas ang pagtawa ko.

"Solo ang bahay!" Asar niya nang lumabas na rin si Bethel.

'Gaya ko ay ni-lock niya rin ang pintuan ng kanilang bahay.

"Wala diyan sila Tita Esther at Tito Nelson?" Tukoy ko sa magulang niya.

"Nakiki-Tita't Tito, ah?" Prangka ni Adam.

Ilang beses ko na silang na-meet dahil nitong mga nagdaang gabi, sa kanila ako kumakain ng hapunan. Nakiusap kasi si ate sa kanila kung pwede. Katulad nga ng sabi ko nun, kaya ko naman magluto ng mga instant foods, pero hindi pwedeng paulit-ulit na ganun ang kainin ko. Wala akong sustansyang makukuha kung laging ganun ang kakainin ko every night. Kaya natuwa talaga ako ng i-welcome nila ako. Hindi na ako mag-aalala para sa kakainin ko.

Of course, kasama rin si Adam. May mga gabi rin kasi na doon din pala siya kumakain. Wala nga pala siyang kasalo kumain sa hapunan. Bigla tuloy akong nalungkot para sa kaniya. Pang-gabi kasi ang pasok ni Tita Alma, pangalan ng mama niya.

Nakilala ko na rin ang ate ni Bethel na matalik na kaibigan ni ate na si Grace. Sa ilang gabi ko palang na nakilala siya, parang sobrang malabong mangyari ang kinuwento nila sa aking dalawa tungkol sa kaniya. Tahimik lang siya at mahinhin. Kapag kinakausap niya ako, maayos at napakalinis niyang magsalita. Malayong-malayo sa ugali ng kapatid niya. Hindi ko sinasabi na ugaling kalye si Bethel. Siya kasi, maingay, malakas ang boses, walang itinatago sa sarili, pero ang ate niya, tahimik, mahinhin, hindi makabasag pinggan, hindi showy. Kaya paano sila nagbabangayan? Maiintindihan ko pa si Bethel pero sa ate niya? Hindi kaya dahil sa opposite character nila kaya sila hindi nagkakasundo?

"Wala sila. Maaga silang umalis papuntang Baguio." Sagot niya sa tanong ko kanina.

"Baguio!? Bakit iniwan ka?" Natatawang tanong ni Adam.

"'Wag kang mang-asar diyan. Seminar pinunta nila dun, hindi gala." Tinatamad niyang depensa.

"Ay... Boring. Seminar pala, eh."

Lintik na LIGATahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon