Wynwyn's POV
Krooo...
Krooo...
Krooo...
Krooo...
Kroo—
Napabuga na lang ako ng hangin. Inaasahan ko na talaga na mangyayari ito. Kanina pa ako nakaupo sa left wing ng bleachers at pinapanood lang ang teammates ko maglaro at mag-practice ng volleyball. Wala na ngang nangyari sa araw ko kahapon kundi pagod dahil sa Roda na 'yun tas' ganito naman ngayon.
Ang sakit kaya ng katawan ko ngayon! Hindi na nga sana ako pupunta pa rito pero pinilit ko lang ang sarili ko tas' ganito pa mangyayari? Ano pa bang aasahan ko?
Nauubusan na nga ako ng pag-asa na meron sana kahit isa man lang sa kanila ang kusang loob na lumapit sa akin at malugod akong yayain na makipaglaro sa kanila. Pero, wala, eh. Binabalewala lang nila ako na para bang hindi ako belong sa kanila.
Hindi tulad kahapon, sinuot ko na agad ang rubber shoes ko papunta rito at sumabay na ako kay ate paalis ng bahay. Ayoko na kasing ma-late baka mas malala pa ang ipagawa sa akin ngayon ni Roda. Ang kaso, hindi ko alam kung bakit nung alas-tres eksakto na kanina ay wala pa rin sila.
Puro paalala pa nga sila sa GC kagabi na agahan ang dating at walang ma-le-late kundi mas malalang parusa ang matatanggap. Pero ang mga magagaling ay nagsidatingan ng kalahating oras bago mag-alas-kwatro. Binasa ko pa nga ulit ang announcement sa GC at tama naman na alas-tres ang meet up. Tatanungin ko pa sana sila nung napansin kong sunud-sunod na silang dumarating kung bakit sila mga late. Kaso, napanghinaan ako ng loob nang mapagtanto kung bakit sa bawat pagdating nila ay mga tumatawa sila at sa akin mga nakatingin. Mukhang sinadya nila na mangyari iyon.
Tingin ko, ginantihan ako ni Roda in that way. Napahiya kasi siya kahapon. Sino ba kasi nagsabi na sundin niya ang parusa nung dalawa? Eh, members niya lang ang mga 'yun. Por que ba mga gwapo at sikat dapat na niyang sundin? Ooops! Hindi ko pa pala nakikita 'yung Ryan. Curious tuloy ako kung anong itsura niya. Pero dahil sikat siya, baka nga. Nakakalakas talaga kasi ng sex appeal ng isang tao kapag player kahit hindi ka talaga as in or literal na gwapo o maganda.
Ipinagpatuloy ko pa ang panonood ko sa kanila. Si Roda ang pinakahuling dumating sa aming lahat. Akala ko nga lalapitan niya ako, pero nagtaka ako ng hindi man lang niya ako tinapunan ng tingin. Siguro dahil alam naman niya na nakaganti na nga siya. Agad niya kasing tinuruan ang dalawang babae sa isang sulok. Pwede din ba ako?
Nabuhayan ako ng loob nang may isang babae ang lumapit sa akin. Tatlo lang silang babae at naglalaro sila sa isang gilid. Ngumiti siya ng makalapit.
"Ah, hi! Mag-isa ka lang dito?"
Gusto ko sanang sabihin kung may iba pa ba siyang nakikita bukod sa akin, kaso pinili kong huwag na lang. Baka masayang ko lang ang pagkakataon na ito na may lumapit sa akin.
"Ah, oo, eh." Tangi kong nasabi.
"Ganun ba?" Medyo lumungkot ang boses niya, tsaka muling sumilay ang kaniyang ngiti, "Do you want to join with us? Kulang kasi kami ng isa, eh." Tinuro niya ang dalawang kasama at kumaway naman sila sa akin. Napakaway na rin ako tsaka sila tumawa. "They're just happy and excited." Biglang sambit niya. Napatingin ulit ako dun sa dalawa niyang kasama. "Let's go!" Nabigla ako nang bigla niya akong hatakin.
"Ah, h-hindi na!" Tanggi ko habang papalapit na sa pwesto nila.
Nilingon niya ako habang naglalakad, "Why? I'm sure you want it." Idadahilan ko pa lang sana na biglang sumama ang pakiramdam ko kaso... "And you'll like it." Tsaka siya ngumiti.
BINABASA MO ANG
Lintik na LIGA
Novela JuvenilBakasyon na! Meaning... No Teachers, Classes, Lessons, Quizzes, Assignments, Exams, Projects, Thesis, and Funds! Syempre, walang sawang Puyatan, Galaan, Puyatan, Galaan, Puyatan, Galaan, at LIGA ito! Pero paano kung ang masayang bakasyon na inaakal...