Wynwyn's POV
SOBRANG saya ko! Yahooooo! Finally, pinayagan na ako ng mama ko na magbakasyon sa ate ko. Grabe! Ang tagal kong hinintay na mangyari ito. Ilang beses kong hiniling ito tuwing kaarawan ko, Pasko, at Bagong Taon, paulit-ulit! Parang sirang-plaka. Isama na rin natin sa listahan ko ang Chinese New Year, hehehe, trip ko lang kahit hindi ako Hapon. Pero tingnan niyo naman ako ngayon, bihis na bihis dahil worth it ang paghiling ko kahit paulit-ulit 'yun kasi, eto na nga! Luluwas kami ng Rizal dahil doon ako ngayong taon magbabakasyon. Sa ate ko, my idol.
"Ang laki ng ngiti natin anak ah?" Natatawang sabi ni mama.
Tiningnan ko naman agad siya kasi kahit abala siya magmaneho ng aming sinasakyan napansin niya pa rin iyon. Ganun ba ako ka-obvious?
"Excited lang po talaga ako ma, kasi makikita ko na si ate." Nakangiti kong sinabi.
Ngumiti siya matapos kong sabihin iyon ngunit hindi na siya nagsalita pa. Siguro kahit hindi na niya sabihin pa, yung ngiti pa lang niya alam mo na agad ang sagot. Sobrang miss na miss na rin niya siguro si ate. Limang taon na rin kasi ang lumipas matapos grumaduate ni ate ng kolehiyo ay umalis siya sa amin at lumuwas sa Maynila para makapagtrabaho. At tulad ng sinabi ko kanina, nasa bayan ng Cainta sa Rizal na siya ngayon nag-i-stay. Not sure kung doon na niya balak manirahan but one thing I'm really sure of is I'm not ready na magkaroon na siya ng sariling pamilya. Ako lang ang baby girl niya!
Sa limang taon na iyon, hindi pa siya nakakauwi sa probinsya kahit sa mga espesyal na okasyon. Kaya kahit nakakatampo iyon, pilit ko iyong inaalis sa pakiramdam dahil ayaw kong magtampo sa kaniya. Naiintindihan ko naman dahil may mga pagkakataon na tumatawag naman siya at nangangamusta pero nung umpisa lang iyon kasi mula nitong nakaraang taon, hindi na siya nakakatawag o kahit message man lang.
"Lumungkot ka ata, anak? May problema ba?" Nag-aalalang tinig ni mama.
"Ah, hindi po! May naisip lang, hehehe." Palusot ko.
"Ganun ba? Teka, hindi ka pa ba inaantok? Pasado alas-onse na ng gabi. Mahaba-haba pa ang biyahe natin."
Salamat at kumagat si mama sa palusot ko. Ayoko rin naman kasi ang pakiramdam na ganito. Ayokong magtampo at makaramdam ng lungkot sa ate ko kaya hangga't kaya kong isantabi, isinasantabi ko at ayokong bigyan ng pansin. Kasi natatakot akong lumala iyon at lumayo ang loob ko sa ate ko, which is ayoko talagang mangyari.
"Hindi pa naman ako inaantok ma. Tsaka gusto ko rin po makita ang mga madadaanan natin, para maging pamilyar sa akin."
At iyon ang talent ko. Hahaha! Sabi kasi sakin ng mga baliw kong barkada na puro pinsan at kamag-anak ko rin naman na magaling daw ako makabisado ng mga daan o lugar. Ee, mga baliw nga kaya kunwari naniniwala ako, pero hindi ko naman talaga talent iyon. Wala nga akong talent ee. Kahit kumanta o sumayaw, gumuhit o magpinta, yeeaahh... lalim ng gumuhit at magpinta. Hahaha! Pero hindi pa rin naman ako pinagkaitan ng biyaya kasi kahit wala akong ka-talent-talent, may utak naman akong pinagmamalaki. Nila. Kasi kahit totoo naman, hindi ko kaya na ipamukha sa lahat na matalino ako, hinahayaan ko na lang sila. Gusto nila 'yun, eh. Kaya mabilis ako makabisado ng daan kasi utak lang naman ang ginagamit dun. Sadyang baliw lang talaga ang mga pinsan ko.
BINABASA MO ANG
Lintik na LIGA
Teen FictionBakasyon na! Meaning... No Teachers, Classes, Lessons, Quizzes, Assignments, Exams, Projects, Thesis, and Funds! Syempre, walang sawang Puyatan, Galaan, Puyatan, Galaan, Puyatan, Galaan, at LIGA ito! Pero paano kung ang masayang bakasyon na inaakal...