Chapter 05
"Okay lang, Adie."
"Sorry talaga, Madz. Gusto naman talaga kitang ligawan kaso kinausap na ako ni Blake. Ayoko namang may mangyari sa 'kin kung suwayin ko 'yong sinabi niya. Kung sila Eros lang naman 'yon kaya ko silang tapatan sa panliligaw sa 'yo pero—" Hindi ko na siya pinatapos pa sa pagsasalita. "Okay nga lang 'yon, Adie."
Hindi niya na raw ako liligawan kasi kinausap siya ni Blake.
Hayst, talaga 'tong si Blake! Asawa ko lang naman siya sa papel hindi sa totoo! Nakakainis siya!
"Sige, bye na, Adie. I hope maging mag-friends pa rin tayo." nakangiting sabi ko.
"Oo naman. Bye, Madz."
Nginitian ko na lamang siya at naglakad na ako paalis.
"Bes!" tawag sa 'kin ni Nina.
"Bakit?" tanong ko.
"Kainis ka! Bakit mo ako binabaan ng phone kahapon?" taas-kilay nitong tanong.
"'Di ba, sabi ko, busy ako."
"Pupunta ako—"
"Bakit ka pa ba magpapaalam sa 'kin kung sa'n ka pupunta? Pumunta ka kung sa'n mo gusto!" mataray na sabi ko sa kanya.
"Pero, Bes—"
"Kung yayayain mo akong gumala, wala ako sa mood, Bes. Sorry. Bye na." matamlay na saad ko saka naglakad paalis.
"Hey, Bestmen!" bati ni Andrew nang makita ako. "Sama ka sa 'min ni Cara. Birthday ng friend namin. May pa-party sila!"
"Party? Ayoko. Alam mo namang hindi ako umiiinom, Bestmen."
"P'wede namang hindi ka uminom, eh! Maki-party ka lang!"
"Sige na nga."
"Yes, buti sasama ka!"
***
"Blake, kakain na tayo!" sigaw ko kay Blake sa kwarto niya.
Hayst, first time ko siyang tawagin para kumain!
"Blake, ano ba? Bingi ka na ba? Oo nga pala, bakit hindi ka pumasok kanina? Mag-explain ka nga sa 'kin!" sigaw ko pa.
Teka, parang iba na 'yong mga pinagsasabi ko, huh? May pa-explain pa akong nalalaman!
"'Wag na pala! Hindi mo na kailangang magpaliwanag pa sa 'kin! Buhay mo naman 'yan, wala akong paki dyan!" bawi ko sa sinabi ko. "Ano ba, Blake? Hindi ka ba talaga sasagot? Papasok na ako sa k'warto mo!" inis na sigaw ko sabay pasok sa loob nang k'warto niya. "Blake, ano'ng nangyari sa 'yo?! Bakit may mga pasa ka?! Nakipag-away ka ba?!"
Wait, parang ang OA naman yata nang reaksyon ko? Ano'ng magagawa ko eh, 'yon ang lumabas sa bibig ko...
"Ang cute mo naman mag-alala." ngingiti-ngiting bulalas nito. "Pinuntahan ko kasi 'yong magnanakaw kanina sa police station kaya hindi ako nakapasok ngayon. Galit na galit siya nang makita ako kaya sinapak niya ako. Kaya niya naman pala 'yon ginawa para makatakbo at makatakas. Hinabol ko siya kaya 'yon, nagsuntukan kami." malumanay na paliwanag niya. "Nag-explain na ako. Any questions?" aniya na para bang handang-handa siya sa mga itatanong ko. Nginitian niya pa ako nang nakakaloko.
Ngumiti talaga siya sa 'kin?! Omegesh! Ang g'wapo niya, mga bes!
"Hindi mo na naman kailangan pang mag-explain sa 'kin. Buhay mo naman 'yan. Kumain na nga tayo, nagugutom na ako." mataray na tugon ko. Tinalikuran ko siya saka mabilis na lumabas sa k'warto niya.
Bakit ba ako napapangiti? Kinikilig ba ako?
Naramdaman ko namang sumunod si Blake sa 'kin.
"Okay, let's eat. Ayokong magutom 'yong wife ko." mahinang wika niya.
A-ano raw?! Wife talaga?! Omegesh, kinilig ako ro'n!
Natigil ako sa pagbaba ng hagdan. Napangiti ako nang bahagya. Nauna na siya sa pagbaba. Tumigil siya sa gitnang bahagi ng hagdan saka ako nilingon. Nginitian niya ako na para bang tuwang-tuwa siya.
Ang g'wapo niya! Lalo na kapag ngumingiti siya!
"Fafa B-Blake... M-Madz?! Oh, my gosh!" gulat na sigaw ni Nina na nasa ibaba ng hagdan.
Teka, bakit nandito si Nina?! Paano niya nalaman ang bahay namin ni Blake?!
Napatingin naman ako kay Blake na nakatingin din sa 'kin. Halata sa mukha niya 'yong gulat.
Ano'ng gagawin ko?!
***
"'Wag kang maingay, Nina, huh?! Mamamatay ako sa mga fans niya 'pag nalaman nila 'to!" medyo nagpa-panic na sabi ko.
I'm dead! Madaldal pa naman si Nina!
"Oo! Promise, quiet lang ako, Bes! Pero, gusto kong malaman, kasal talaga kayo?" interesadong tanong nito.
"Yes, she's my wife." sagot ni Blake.
"Arranged marriage lang naman kami, Bes! Business lang nila Mom." sabat ko.
"Still, asawa ko pa rin siya." singit ni Blake sabay ngiti.
"Promise me, 'wag kang maingay tungkol dito, huh?!"
"Oo nga, promise! Bes, ang s'werte mo! Asawa mo ang fafa namin! Sana ako na lang!" masayang sabi ni Nina na kinikilig pa.
"Oo na. S'werte na ako." bored kong tugon.
"Fafa Blake, p'wede makipag-selfie sa 'yo?"
"Sure."
Nag-selfie-selfie naman sila.
"Okay na kayo? P'wedeng kumain na tayo?" nakasimangot kong tanong.
"Okay, kain na tayo!" masiglang sigaw ni Nina.
***
Paano kaya nalaman ni Nina 'tong bahay namin ni Blake? Kami-kami lang naman ang nakakaalam ng bahay na 'to, eh.
Aha! Baka sinabi ni Mom? Talaga si Mom! Ma-chat nga si Nina.
Me
Sinabi ni Mom kaya ka nakapunta sa bahay namin ni Blake 'no, Bes?Bes Nina
Yes! S'yempre, si Tita pa ba? Hindi ako matatanggihan no'n!Bes Nina
Ikaw naman kasi! Nagpapaalam ako sa 'yo pero lagi mo akong pinuputol! 'Yan tuloy, nalaman ko 'yong secret mo. Pero Bes, napaka ano mo rin, 'no?Reply
Napaka ano?Bes Nina
Isang b'wan kang naglihim sa 'min ni Cara! Nakakatampo ka!Reply
S'yempre, ayokong mainggit kayo. Joke!Bes Nina
Nako! Ngayon pa nga lang na nilalapitan ka ng mga fafa ingit na ingit sa 'yo si Cara at 'yong ibang babae sa school natin! Paano pa kaya 'pag nalaman nilang asawa mo 'yong isa?Reply
Kaya ikaw, 'wag kang maingay!Oo nga! Ngayon pa nga lang na nilalapitan ako nila Blake grabe na sila makapagsalita at makatingin. Paano pa kaya 'pag nalaman nila 'yong totoo? I'm dead!
Bes Nina
Swear, promise! Tulog na ako, Bes. Good night!Reply
Good night!May nag-add sa 'kin sa Facebook! Sino kaya 'to?
Omegesh, si Blake! Wow, huh. Buti naman at naisipan niya na akong i-add. Tsk, magiging friends ko na rin siya sa Facebook.
Mero'n pang isa, si Jace! Omegesh! In-add ako ng mga fafa!
Ini-stalk ko 'yong mga account nila. Tsk, ang daming comments ng mga fangirls nila.
I don't care! Tulog na nga ako.
![](https://img.wattpad.com/cover/159007407-288-k89692.jpg)
ESTÁS LEYENDO
Unexpected Attitude Of My Fake Husband
Novela Juvenil(Will be Under Revision) Si Princess Madeline Bello ay secretly married sa famous, basketball captain, at g'wapong si Blake Mendez. Ikinasal sila dahil sa business ng kanilang family at mag-best friend din ang kanilang mga ina. Isang b'wan din silan...