Chapter 16
"Madeline, ano pa'ng kulang?" tanong ni Blake sabay check sa mga pinamili naming ingredients.
"Hmm... kulang pa ng milk at butter, Blake." sagot ko.
"Wait, ako na ang maghahanap ng butter at milk do'n sa kabilang side."
"Cara, samahan mo si Blake." utos ko kay Cara.
"Sige ba, Bes! Maiwan ko na muna kayo! Let's go, Fafa Blake?" tugon ni Cara sabay ngiti kay Blake.
Naglakad na sila papunta sa kabilang side ng supermarket.
"Bes, umamin ka nga sa 'kin," seryosong sabi ni Nina.
"Ano ba 'yon?" kunot-noong tanong ko.
"Kayo na ba ni Fafa Blake?"
"Hindi pa, Bes. Hindi ko pa siya sinasagot." sagot ko nang hindi manlang siya nililingon.
"Ano?! Wow huh, ang ganda mo yata, Bes?! Pinaghihintay mo si Fafa Blake?!"
"I know right, maganda naman talaga ako." confident na sabi ko sabay flip hair at lakad paalis.
"Tsk! Kung ako sa 'yo, Bes, sasagutin ko na kaagad si Fafa Blake!" sigaw nito saka ako hinabol.
Tinignan ko si Nina. "Bes naman, ayoko na ulit masaktan."
"Teka, Bes, si Eros ba 'yon?!"
"Saan?!" Mabilis kong inikot 'yong mga mata ko sa paligid.
"'Yon, oh! May kasamang babae!" bulong nito sabay nguso sa direksyon nila Eros. "Hala ka, Bes! 'Di ba, hindi pa siya nagba-backout sa panliligaw sa 'yo?!"
"Oo?" lutang na sagot ko.
"Tapos, may iba na siya?! Hindi niya manlang nilinaw kung ano'ng nangyari sa inyo?!"
"Hayaan mo na 'yon. Wala na naman akong pakialam do'n dahil may Blake na ako ngayon."
Napangiti si Nina. "Si Bes, in love na naman ulit!"
"Shhh, 'wag kang maingay! Ayokong makita nila tayo! Tara, umalis na tayo, Bes! Bilis!" mabilis na sabi ko saka hinila si Nina paalis.
Mabilis kaming tumakbo paalis. Nang medyo nakalayo na kami ni Nina, bigla naman akong natapilok at muntik nang madapa.
Buti na lang may lalaking humawak sa braso ko.
"Are you alright, Miss?" tanong ng lalaki sa 'kin.
"O-okay lang po ako! Salamat nga po pala at sorry." medyo nahihiyang sabi ko.
Pagkatingin ko sa lalaki, nagulat at nanlaki 'yong mga mata ko.
Sandali siyang napatitig sa 'kin. "M-Madeline?!"
"K-Kane?!"
"Madeline! Okay ka lang ba?! Hindi ka kasi nag-iingat, eh!" natatarantang bulyaw sa 'kin ni Nina. "Salamat po—Kane?!" sigaw pa nito nang makita si Kane.
"Hello, Nina." bati ni Kane kay Nina.
"Bakit nandito 'yang si Kane, Bes?!" bulong ni Nina.
"Ewan ko! Sa lahat ng lugar dito pa kami magkikita!" inis na bulong ko pabalik.
"Long time no see, Madz... ikaw na ba 'yan?" masayang tanong ni Kane.
"Sa tingin mo?" bulong ko.
"What?"
"W-wala!"
Kainis! Bakit ba sa dinami-rami ng taong makikita ko ngayon, si Kane pa?! Tsk!
"Oh, my gosh! Kane... ikaw ba 'yan?!" bungad ni Cara nang makalapit siya sa 'min.
"Yes. Hello, Cara." nakangiting tugon ni Kane kay Cara.
"Bakit nandito 'yan?!" bulong ni Cara sa 'min ni Nina.
"Ewan ko!" sagot ni Nina.
"A-ano'ng ginagawa mo rito, Kane?" tanong ko.
"Bumili lang ako nang inutos ni Mama sa 'kin." sagot nito sabay ngiti.
"Ahh! Ikumusta mo na lang ako kay Tita. Sige, mauuna na kami! Let's go, mga Bes!"
Aalis na sana kaming tatlo nang muling magsalita si Kane. "Wait, can I talk to you, Madz?"
"Wala ka bang kasama?" taas-kilay na tanong ni Cara.
"Wala ka bang girlfriends?" sabat naman ni Nina.
"No, I'm single." nakangiti pa ring sagot ni Kane.
Psh! So, mayabang ka na niyan na single ka?!
"Madeline,"
Napatingin kaming lahat kay Blake na naglalakad papalapit sa 'min.
"Nahanap ko na 'yong mga kailangan mo. So, let's go? I'm hungry." Napatingin siya kay Kane. "Who is he?"
"He's Kane Fernandez, my f-friend..." sagot ko.
"Her ex..." bulong ni Cara.
"Shhh!" saway ko saka tinignan si Cara nang masama.
"And he's?" tanong ni Kane na nakatingin kay Blake.
"I'm Blake Mendez." cold na pakilala ni Blake.
"Ah... eh... sige, Kane! Mauuna na kami! B-bye!"
Hinila ko si Blake paalis. Sumunod naman sila Cara sa 'min.

KAMU SEDANG MEMBACA
Unexpected Attitude Of My Fake Husband
Fiksi Remaja(Will be Under Revision) Si Princess Madeline Bello ay secretly married sa famous, basketball captain, at g'wapong si Blake Mendez. Ikinasal sila dahil sa business ng kanilang family at mag-best friend din ang kanilang mga ina. Isang b'wan din silan...