Chapter 10

207 2 0
                                    

Chapter 10

Omegesh! Masasabi ko na bang first date namin ni Blake kahapon, mga bes? Hmm... p'wede!

Natigilan ako sa pagkain dito sa canteen nang makita ko 'yong mga bes kong papalapit sa 'kin.

Patay! Mukhang mahaba-haba 'yong ipapaliwanag ko kay Cara!

"So, kailangan mo nang magpaliwanag sa 'kin, Princess Madeline Bello-Mendez!" sigaw ni Cara.

"Bes! 'Wag mo namang isigaw 'yong full name ko! Oo, magpapaliwanag na ako!"

***

Blake's Point Of View

"Dude, nakita niyo ba si Madeline?" tanong ko sa mga kaibigan ko.

"Oo, dude. Nasa canteen yata siya kasama 'yong mga kaibigan niya."

"Thanks, dude."

Naglakad na ako papunta sa canteen ng school. Pagdating ko ro'n, nakita ko kaagad sila Madeline. Mukhang seryoso yata 'yong pinag-uusapan nilang tatlo.

"OMG! Si Fafa Blake!"

"Oh, my gosh!"

"Fafa Blake!" sigaw ng iba sa canteen.

Napalingon si Madeline sa direksyon ko kaya nginitian ko siya. Nginitian niya rin naman ako pabalik.

Bigla na lang umiba 'yong aura ng mukha niya nang may biglang yumakap sa 'kin.

"Oh, my gosh! Niyakap niya si Fafa Blake! Sino siya?!" sigaw ng mga babae sa canteen.

"Fafa Blake, n-nilakasan ko na 'yong loob ko para sabihin sa 'yong gustong-gusto kita!" kinakabahang sabi ng babaeng yumakap sa 'kin.

"I'm sorry, may gusto na akong iba at siya lang ang gugustuhin ko." malumanay na tugon ko sa kanya.

Tinanggal ko na 'yong kamay niya na nakayakap sa 'kin. Nilingon ko si Madeline na naglalakad na palabas sa kabilang pintuan ng canteen kaya hinabol ko siya.

"Madeline!" tawag ko sa kanya.

Mas lalo niya pang binilisan 'yong paglalakad.

"Madeline! Stop!" sigaw ko.

Agad naman itong huminto kaya mabilis ko siyang nilapitan.

"Let me explain, please?!"

"Hindi na kailangan. Wala ka namang dapat i-explain sa 'kin." cold na sabi niya.

"Mali 'yong iniisip mo! Isa lang 'yon sa mga fangirls ko! Nagulat din ako sa bigla niyang pagyakap sa 'kin!"

"Sinisigawan mo ba ako?!" taas-kilay na sigaw ni Madz.

"Of course not! Nagpapaliwanag lang ako! Nagulat din naman ako sa ginawa—" She cut me off. "Hindi mo na nga kailangan pang mag-explain sa 'kin, 'di ba?! Fangirl mo nga lang pala 'yon! Wow lang, huh! Nasarapan ka yata sa yakap niya, eh?! Halata ko, tsk!" galit na sigaw nito sabay walkout.

Naiwan akong tulala dahil sa mga sinabi ni Madeline.

Bakit naman siya gano'n kung magalit? Hindi kaya... nagseselos siya?

B-but why? Does she... like me too?

***

Madeline's Point Of View

Nakakagigil! Sino kaya 'yong babaeng yumakap kay Blake kanina?!

Hayst, oo na. Fangirl niya lang naman 'yon. Ang ikinaiinis ko lang, bakit hindi kaagad inalis ni Blake 'yong pagkakayakap sa kanya ng babae?!

"Aray ko naman! Bakit mo ako tinulak?!" gulat na sigaw ko nang may biglang tumulak sa 'kin out of nowhere.

Tinignan ko kung sinong tumulak sa 'kin. Naka-mask siya. Ewan ko kung babae ba 'to o lalaki?

Napasandal ako sa poste. Grabe kasi 'yong tulak niya sa 'kin! Ang lakas! Wala naman akong ginagawa sa kanya, naghihintay lang ako ng taxi rito!

"Ano ba'ng problema mo at nanunulak ka?!" taas-kilay kong tanong sa kanya.

"Layuan mo siya!" sigaw niya sa 'kin.

"Sino'ng lalayuan?! Hindi nga kita kilala dyan!"

"Layuan mo si Jace! Ang harot mong babae ka! 'Pag hindi mo siya nilayuan, may mangyayari sa 'yo! Swear! 'Wag mo akong subukan! You don't know me!" galit na banta niya sa 'kin.

"Huh? Talaga namang hindi kita kilala, eh? Naka-mask ka kaya, tsk." bored kong tugon.

Inirapan niya ako saka mabilis siyang umalis gamit 'yong motor niya.

At sino naman kaya 'yon? Aba, tinakot ako huh! Pero, natakot ako slight.

Baka super fan ni Jace?

Unexpected Attitude Of My Fake Husbandحيث تعيش القصص. اكتشف الآن