UMAGA NA NANG MAGISING SI SONDRA. Sinapo niya ang nananakit na ulo at kumurap-kurap. She sighed in relief at the recognition of her own bedroom. Oo nga pala at nakauwi na siya mula sa Paris. Magulo na ang kanyang kinahihigaan, nagkalat sa kama ang ilang unan at ang gusot na kumot.
Patagilid siyang humiga at niyakap ang isang unan.
Hindi man lang niya ako pinuntahan o ginising para kamustahin ang trip ko. Millian used to do that before...
Napapikit siya.
Of course, he won't do that. You gave him the attitude once you saw him in the airport, Sondra!
Dumilat siya at sumimangot.
Why not? Iniiwasan ko na ngang makita siya, 'di ba? Pero ano? Lalapit-lapit siya sa akin!
Gigil na binato niya sa kung saan ang yakap na unan at tumihaya. Tumitig siya sa kisame. It was cream-colored and blank. Very different from the pink walls of her bedroom.
I don't know how they found out that I booked an earlier flight. Is Dad monitoring me? Baka naman tumawag siya sa hotel ko sa Paris.
She sighed.
Maybe, that's it.
Nasapo niya ang dibdib.
Nasaan na kaya si Millian? Hmph. He's probably with his Yrina now.
Umupo si Sondra at natulala saglit bago nilisan ang kama. Hinawi niya ang kurtina at halos masilaw siya sa sinag ng araw. Nang maka-adjust ang mga mata, tantya niya sa sikat ng araw sa labas ay magta-tanghalian na. She rubbed her left eye and yawned. Pumunta siya ng banyo para ayusin ang sarili.
Nakasuot na si Sondra ng dolphin shorts na pink at fit na puting t-shirt na may naka-print na pink font na Bad Girl sa bandang dibdib nang masalubong si Yaya Fely. She was holding her cellphone in one hand as she smiled sweetly at the woman.
"Good morning," bati niya rito.
Sondra always felt warm when she sees Yaya Fely. Parang lola na kasi ang turing niya sa katulong na mula pagkabata ay kaagapay na ng kanyang namayapang ina sa pag-aalaga sa kanya. And when her mother died, ito pa rin ang nag-alaga sa kanya na may tulong na rin ni Maximillian.
"Good morning, Sonny," bati na nito sa nakasanayang tawag sa kanya.
"Am I late for lunch?" hinto niya sa harap nito.
"Tamang-tama lang, hija at paluto na ang kakainin ninyo."
She cocked her head to the side. Ninyo? Dad never had lunch with me... Well... it's the first time in years...
Nakaramdam siya ng kaba. Siguro kaya naisipan ng amang sabayan siya mag-lunch ay para kwestiyunin ang napaaga niyang pag-uwi. Pero madalas naman siyang umuuwi ng taliwas sa schedule na pinapaalam niya sa mga ito. Ugali kasi ng amang si Maximillian ang pagsunduin sa kanya, kaya nga pabago-bago siya ng sched, para makaiwas sa lalaki.
"Sige po, I'll go there now. Thank you, Nanay Fely," paalam niya rito at dumiretso na sa dining room.
Natigilan si Sondra sa doorway nang matanaw kung sino ang nasa kabisera ng dining table-- si Maximillian.
He toned down his attire from the usual suit and tie. Nakasuot ito ng polo shirt na itim, bukas ang mga butones at simpleng walking shorts. Sure, he aged, he was years older than her, but it was hard to deny the truth that he aged handsomely. He was manlier with his thick, dark blonde hair, squared jaws, piercing greyish-blue eyes and slight hints of stubble on the sides of his face and chin and jaws. May binabasa ito sa cellphone nang mag-angat ng tingin sa kanya. He caught her eyes then, his sight wandered down on her body.
BINABASA MO ANG
Rough
General FictionSondra Hawthorne grew up hating Maximillian Gold, the man who broke her heart years ago. When the two find themselves working closely as Maximillian gears up for a business merger, Sondra realizes the motivations behind his actions were more complic...
Wattpad Original
Mayroong 21 pang mga libreng parte