Wattpad Original
Mayroong 11 pang mga libreng parte

Chapter Twelve

29.4K 429 44
                                    

IT WAS ALREADY SONDRA'S BIRTHDAY. Katabi niya ang mga kaibigan sa kama. Habang nakahiga roon, may puting mga face mask sila mukha. Hinihintay din nilang matuyo ang nail polish sa mga kuko nila kaya halos wala silang kagalaw-galaw.

"Sonny," basag ni Fritzie sa katahimikan nung feeling nito tuyo na ang mask at okay nang dumaldal, "last night pala, when you left with Tita Jessi, Maximillian was looking for you."

Her heart thumped. "Bakit daw?"

"Well, you promised him some cupcakes daw the other night pa," patuloy nito.

"That glutton," she muttered.

Oo nga pala, nagsabi siya na ipagbe-bake ito ng happy cupcakes. She knows a thing or two about baking. Mula pagkabata kasi nahilig na siya sa cupcakes, at ngayon-ngayon lang naisipang pag-aralan ang baking. Hindi niya natupad ang pangako noon kay Maximillian. Nung dumating kasi si Renante, siyempre, inasikaso niya muna ito. Tapos kagabi naman, magkahalo ang dahilan-- nakalimutan niya ang pinangako, naging busy siya kasama sila Stacey at naiinis na rin siya kay Maximillian dahil inimbitahan nito si Pepper.

"It's so weird, he'll visit your room that late for just some cupcakes," nguso ni Fritzie.

"He likes midnight snacks," mahinang bulong na lang ni Sondra para manahimik na ang kaibigan. Naiinis pa rin kasi siya sa lalaki at ayaw nang pag-usapan pa ito.

Lumipas ang buong araw na abala ang lahat sa paghahanda para sa birthday party ni Sondra. Matapos magpaganda, pinaiwanan na siyang mag-isa sa sariling kwarto para walang magkaroon ng ideya raw sa magiging hitsura niya mamaya sa party. Pumasok sa silid niya ang mga mag-aayos sa kanya. Nanlaki ang mga mata ni Sondra kasi limang tao ang mag-aassist sa kanya. Dalawa ang hairstylist, dalawa ang make-up artist at ang isa ay aalalayan siya sa susuotin na gown at sapatos.

Inuna ng mga ito ang pagme-make-up sa kanya. Lunod siya sa pagpuri ng mga ito sa ganda ng hugis ng mukha niya at sa kinis na rin ng balat. Tapos unat at bagsak pa raw ang buhok niya. Bagay daw siya maging commercial model ng shampoo. Hindi niya nga raw pinahirapan ang mga ito na pagandahin siya dahil nasa lahi na raw niya ang pagiging maganda. Lalo na at anak siya ng isang former beauty queen.

Nang mabanggit ng mga ito ang nanay niya, medyo nalungkot si Sondra. Her mother had been too emotional last night. Tapos ngayon, hindi pa niya nakikita ang ina. Medyo nainis siya sa sarili dahil pagkagising, mga kaibigan ang inuna niyang kamustahin. Hindi niya man lang pinansin ang walang paalam na pagkawala ni Jessica nung nag-almusal sila.

Nang matapos ang make-up, buhok naman niya ang inayos. Nanghinayang ang mga stylist sa sobrang ganda ng pagkakaunat ng kanyang buhok kaya hinayaan na lang nila iyon na ganoon na lang. What they did is attach some gold-colored hair extensions. Para tuloy siyang diwata sa ganda ng pagkakahalo ng kulay ng extensions sa kanyang natural na hair color.

And finally, her gown.

Her eyes widened when her gown was unveiled. Pinasok kasi iyon sa kwarto na nakasuot pa sa mannequin at natatakluban ng puting tela. Nang matanggal ang takip, tumambad ang isang gown na may pale-yellow na chiffon-like na tela. Off-shoulder ito na may napakahabang bagsak na chiffon sleeves. It had a corset strewn with silver lace and stitched gold-silver flowers. Shiny diamond studs were encrusted in the intricate corset design. The lace framed the shape of the gown's sweetheart neck line.

Natutop ni Sondra ang bibig. Hindi siya makapaniwala na ganoon kaganda ang pinagawa ni Maximillian na gown para sa kanya. Kahit gusto niyang suotin sana ang niregalo ng ina na kwintas, hindi magma-match iyon sa kulay ng gown. Kaya tinanggap na lang ni Sondra ang nakahandang kwintas para sa kanyang susuotin na isang gintong choker necklace.

RoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon