"OKAY, GIRLS, I AM ALREADY HERE!" maarteng may pagkendeng pa sa paglakad ni Stacey papasok sa silid ni Kylie.
Masigla pa ito nang matigilan dahil nakitang umiiyak si Sondra. Nagmamadaling nakigulo na sa kamang iyon ang kaibigan. Stacey cupped her hands on her face. Pinihit nito paharap ang mukha niyang basang-basa ng mga luha.
"What's wrong?" nag-aalala nitong tanong at tumaas ang isa nitong kamay para punasan ang basa niyang pisngi.
Dama ni Sondra ang panginginig ng sariling mga labi. Buti na lang at nakaya niyang kontrolin ang sariling emosyon kaninang kasalo niya sa pagkain ng almusal ang ama at si Maximillian.
Naalala ni Sondra ang scenario kanina. Ilang minuto pa lang siyang nakakaupo mula nung tanungin niya ang mga ito kung kailan sa tingin nila siya magiging handa para ipakasal kay Renante. Matagal siyang naghintay ng sagot pero tumahimik lang ang dalawang lalaki. Pinagpatuloy ni Maximillian ang pagkain na parang walang narinig. Ang kanyang ama naman ay nagbasa lang ulit ng diyaryo at inubos ang kape nito bago sila iniwanan.
Hindi na talaga niya ito nakakasabay sa pagkain.
Nung sila na lang ni Maximillian ang natira sa hapag, hindi siya nito pinapansin. Mukhang walang balak ang mga ito na kunin man lang ang side niya o approval tungkol sa balak nila para sa kanya.
Napakasakit dahil... sila na nga lang ang malalapit sa kanya, tapos sila pa ang sumisikil sa kalayaan niyang piliin kung ano ang magpapasaya sa kanya.
Kaya naman pagkakain, mabilis na nag-gayak si Sondra. Tinawagan niya ang mga kaibigan na kitain siya sa bahay ni Kylie na mas malapit sa kanyang tinitirahan. Sondra arrived in Kylie's white and mint-green-colored room. Naroon na si Fritzie na mausisa kaya kahit wala pa si Stacey ay napilit siya nitong ikwento ang mga nangyari.
Pagkakwento, pareho sila ni Kylie na naiyak sa inis. They kept on muttering how unfair her father and Maximillian were. Fritzie remained calm and rational. Tahimik lang na inalo sila ng mga ito. Si Kylie ang unang naka-recover, pero bakas ang lungkot sa pananamlay nito.
"Sonny, speak to me, will you?" worry finally strained Stacey's voice.
Natatakot na napatitig siya sa mga mata ng kaibigan. Naalala niya na in-love ito kay Renante. How would her friend feel if she finds out about this? Napaatras siya, pasuksok sa nakayakap sa kanyang likuran na si Fritzie.
Hinagod nito ang kanyang likod. Si Kylie naman ay nag-aalalang pinapanood lang sila habang hawak ang isa niyang kamay nang mahigpit. Dama niya sa maingat na pagpiga ng kaibigan pamasahe sa kanyang kamay na sinusubukan nitong pakalmahin siya.
"Nalaman kasi niya na--" paliwanag ni Fritzie habang inaayos ng isa nitong kamay ang nagulo niyang buhok, "--she's going to be engaged to be married soon."
"Huh?" kunot-noo ni Stacey dito bago binalik ang tingin sa kanya. "At kanino naman?"
Fritzie lowered her head and let out a sigh. Tulad niya, natakot ito sa magiging reaksyon ni Stacey. But Stacey was sharp. Mula high school ay matalik na silang magkakaibigan, kaya bawat kahulugan na yata ng kaunting kilos nila o gesture ay nage-gets na agad ng bawat isa.
Napalunok ito at inisa-isa ang mukha ng mga kasama roon. Ngunit walang nagkaroon ng lakas ng loob na sagutin ang tanong nito.
"Si Renante ba?" basag nito sa katahimikan.
Umiiyak na tumango-tango siya. Bumaba lang ang kamay ni Stacey mula sa kanyang mga pisngi at ginagap ang malaya niyang kamay. Her friend's hands massaged her hand, lowering her gaze. Nag-iisip-isip na ito habang kinakalma ang sarili mula sa mga nalaman.
BINABASA MO ANG
Rough
BeletrieSondra Hawthorne grew up hating Maximillian Gold, the man who broke her heart years ago. When the two find themselves working closely as Maximillian gears up for a business merger, Sondra realizes the motivations behind his actions were more complic...
Wattpad Original
Mayroong 16 pang mga libreng parte