"PAANONG HINDI MATUTULOY?"
He coolly placed the cigarette back between his lips and puffed some smoke. Pumagitan sa kanila ang puting usok niyon bago inalis ng lalaki ang sigarilyo sa mga labi nito. Disinterest was evident in his face.
"It smells smoky in here, isn't it, Sonny? You better get out now," upo nito.
Nanadya nga yata ang lalaki na manigarilyo para maitaboy siya agad.
"Maayos kitang tinatanong dahil buhay at future ko ang involved dito, Millian! It's about me so if you don't care, well, I care!" palo niya sa desk nito bago tinukod doon ang dalawang mga kamay. "Bakit niyo naisipang i-engage ako kay Renante?"
Nasa mga labi na naman nito ang sigarilyo. She knew he would puff some smoke again. Kaya naman inunahan na niya ang lalaki at sumulong siya para hablutin iyon mula sa bibig nito. The man was sharp. He caught her wrist, giving her body the motion of being pulled back to him. Masakit ang naging pagkakasubsob niya sa mesa nito, pero naitukod din ang isang kamay sa bandang dibdib niya para hindi tuluyang dumausdos doon ang kanyang mukha.
His other hand gripped on her chin to lift up her gaze.
Their eyes met as Maximillian drew his face close to her.
So close...
"Look, Sonny, why don't we talk about this at home?"
At home? Pupunta ulit sa mansyon mamaya ang lalaki?
"Huwag na," angil niya rito sa mababang tono. "Baka busy ka mamaya. Hindi ba kayo magkikita ng Yrina mo?"
Lalong nagdilim ang anyo nito. "I always make time for you, Sonny."
Her heart thumped. She was scared and affected. Hindi niya gusto ang ganitong klase ng damdaming nilikha ng mga sinabi ng lalaki. Alam ni Sondra na parehong katotohanan iyon at kasinungalingan. When Maximillian makes time for her, it was always to discipline her or to scold her. Most of the other times that he was in a good mood, he would rather be somewhere else, not with her.
His fingers pressured against the bone of her wrist, making her let go of the cigarette stick that she took by using his own lips.
"Ah!" daing niya nang bitawan siya ng lalaki.
Sumandal ito sa swivel chair at saglit na inihilig ang ulo habang nakatitig sa kanya.
I'll talk to Renante then, she thought. Inalalayan ni Sondra ang sarili para makatayo nang maayos at maalis ang sarili mula sa pagkakadapa sa desk ng lalaki. Puno ng hinanakit ang kanyang mga mata habang nakatitig dito.
Bahagyang gumusot ang mukha nito dahil ninanamnam ang hinihithit na sigarilyo bago iyon tinanggal mula sa sariling bibig. Smoke escaped from his lips. He looked as cool as the bad boys wearing leather jackets in movies. He gave her a glance.
"Sa mansyon na tayo mag-usap," umiwas ito ng tingin para ilagay ang sigarilyo sa ashtray. "Get your fine ass out of here."
This man never let her get her way. Gusto niyang sumbatan ito, muling magwala pero may natitira pa siyang kahihiyan para sa sarili kaya tumalikod siya at buo ang dignidad na iniwanan ito. Bakit nga ba nangangati siyang i-bring up sa lalaki ang nakaraan kapag sinisigawan niya ito? What could that possibly do to help her to be treated much better by Maximillian? To stop him from being so controlling? To stop him from being too obvious with the fact that he has no feelings for her?
Hindi pa ba sapat dito ang mga nangyari noon para ipamukha sa kanyang wala itong feelings sa kanya? Why did he need to rub that to her face everyday? That his care was only limited to treating her like a child... his little sister... or yes, a child. Kasi nasasaktan lang siya. Kahit anong pilit niyang hindi ipakita iyon sa lalaki o magtapang-tapangan, sa loob-loob ay parang nabibiyak ang puso niya at talo pa rin siya.
BINABASA MO ANG
Rough
General FictionSondra Hawthorne grew up hating Maximillian Gold, the man who broke her heart years ago. When the two find themselves working closely as Maximillian gears up for a business merger, Sondra realizes the motivations behind his actions were more complic...
Wattpad Original
Mayroong 14 pang mga libreng parte