DIRE-DIRETSO ANG PAGPASOK NI MAXIMILLIAN sa pribadong opisina nang matapos ang meeting sa conference room. He was itching for a puff of cigarette, kaya naman ganoon na lang ang pagmamadali niyang mapag-isa.
Lumapag ang pinto pasara. Umupo siya sa gilid ng desk, bahagyang nakaharap ang katawan sa glass wall na nasa likuran ng swivel chair. He pulled out a cigarette stick from the chest pocket of his coffee-colored suit, followed by a silver Zippo lighter that he flipped the lid open. Then he let the flame touch the end of his stick. Pagkapatay ng lighter, sinimulan na niya ang paghithit.
Smoking had become his habit since he turned eighteen. Hindi na siya noon masyadong mino-monitor ni Samuel Hawthorne, ang kumpadre ng kanyang namayapang ama, kaya naman malaya niyang na-explore ang mga bagay-bagay tulad ng kanyang bisyo.
Sa ngayon, mas nagiging in-control na si Maximillian sa paninigarilyo. He stopped taking it out of whim. Kaya lang, hindi mapigilan ang nakasanayan na humithit pagkatapos kumain. Saglit lang kasi siya nakapag-lunch at dumiretso na agad sa meeting. Heto tuloy siya at nanigarilyo agad nang matapos.
The sunlight illuminated against the white building across theirs, bouncing the light back to the glass wall and to his features. Nagmistulang ginto ang dark blonde nitong buhok. Humaplos ang liwanag ng araw sa kanyang tanned complexion at suot na suit. His eyes seemed bored but greyish-blue and clear with relief now that he can finally smoke. Naramdaman niya ang pag-vibrate ng cellphone sa bulsa ng blazer na suot. Binaba niya ang kamay na may nakaipit sa mga daliri na sigarilyo, ang isa naman ay mabilis na sinagot ang tawag.
Mabilis dahil nasulyapan niya na si Samuel mismo ang caller.
"Hi, Sam," balik niya ng tingin sa labas ng glass wall. His eyes squinted at such blinding illumination.
Max, bungad nito sa kabilang linya, You have to pick-up Sondra today at the airport.
Kumunot ang noo niya, kaunti lamang ang pagguhit ng gulat sa kanyang hitsura at tono.
"Today? I thought she's arriving on Friday?"
I don't know with that girl. She suddenly decided to book an earlier flight back here. Just get your ass up and be there.
Oh, yes. Typical Sondra. Malamang, hindi na nito natiis ang magtagal pa sa Paris. Masyadong madaling mabagot ang babaeng iyon. At sa isipin na ilang beses na ito noon nagpabalik-balik sa France, malamang, hindi na nito naisipan pang mamasyal. Kahit na iyon pa ang dahilan nito noon kaya balak mag-extend ng ilang araw ng stay sa bansang iyon. Sondra was actually there for a photo shoot.
"I'm on it. She'll have to wait for quite a while," he murmured, lowering his gaze at the cigarette between his fingers. "I might catch a traffic since I just found out about this just now."
Thanks, Max.
Pagkatapos ng phone call na iyon, nagsisigarilyo pa rin na nilisan ni Maximillian ang opisina. Inabisuhan niya ang sekretarya na hindi na siya babalik pa ng opisina at i-record na lang anuman ang kailangan ng mga maghahanap sa kanya. Mahigpit niya ring ibinilin dito na ayaw niyang makatanggap ng anumang tawag sa cellphone.
Sumandal siya sa gilid ng nakaparadang kotse sa basement parking lot para upusin ang kanyang sigarilyo. Nang matapos, binagsak lang niya ang upos niyon sa sahig at tinapakan. Binuksan niya ang pinto at may hinalughog sa glove compartment. Sinara ulit ni Maximillian ang pinto at nag-spray ng pabango. He sniffed and made sure the scent would dominate the smell of his cigarette's smoke. Pagkatapos, sumakay na siya ng kotse at nagtungo sa airport.
Pinarada ni Maximillian ang sasakyan sa parking lot at nagmamadaling tinungo ang arrival area ng airport. He did not make much effort to look at the faces of the newcomers one by one. Alam niyang mangingibabaw sa mga iyon si Sondra.
BINABASA MO ANG
Rough
General FictionSondra Hawthorne grew up hating Maximillian Gold, the man who broke her heart years ago. When the two find themselves working closely as Maximillian gears up for a business merger, Sondra realizes the motivations behind his actions were more complic...
Wattpad Original
Mayroong 22 pang mga libreng parte