Wattpad Original
Mayroong 10 pang mga libreng parte

Chapter Thirteen

28.2K 400 49
                                    

TAPOS NA ANG FORMAL PROGRAM, kaya naman nagdi-dinner na ang lahat sa ballroom na iyon ng mansyon ng mga Hawthorne. Habang kumakain, masayang nag-angat ng tingin si Sondra na kasama nina Maximillian at Jessica sa iisang lamesa.

Seryoso lang si Maximillian na kumakain, kalkulado ang mga galaw dahil sa mga sinabi kanina ng nanay ng dalaga na kasama pa rin nila. Pero hindi niya matiis na ignorahin lang ang titig na pinupukol sa kanya ng dalaga. Kailan ba niya kinayang tiisin ito? He lifted his eyes and met her gaze.

"Thank you, Millian," she said softly to him.

Pigil niya ang pagtaas ng sulok ng labi. He felt so proud to make her smile at him like that, to feel the heartwarming gratitude from her voice. Sondra usually sounded bratty when she talks, but now, she sounded so different. She sounded like a young woman, composed and sweet.

"I really love this party," patuloy pa nito. "The fairy enchanted forest theme... this gown..." sulyap nito saglit sa suot. "It's... It's so pretty, Millian. Where on earth did you find this kind of gown? Is this even from this world or from out of space? Because this is so out of this world!"

Pinigilan niya ang matawa sa bahid ng kainosentehan sa boses nito. Aware naman siguro si Sondra na mayaman sila, kaya ibig sabihin kahit ano ay magagawan niya ng paraan basta may sapat na pera para roon. Pero pinasya na lang niyang hindi na sabihin pa iyon sa dalaga. He would not want to ruin how magical this evening is for her.

"Mom," lingon naman nito kay Jessica na tahimik man, dama niyang mataman na nago-obserba sa kanila, "you're so quiet."

Tumingin lang ito sa anak at ngumiti. "How I wish your Dad was here."

Pareho lang silang nakaramdam ng pagkadismaya nang maalala si Sam. He was disappointed because Jessica shouldn't have said that. Won't she allow her daughter to enjoy her moment instead of bothering about her father's whereabouts? Nung itutok ni Maximillian ang mga mata sa dalaga, nakahuma rin ito mula sa unang reaksyon at tumawa.

"Come on, Mom, hindi pa ba tayo sanay kay Dad? For sure, ihahabol na lang niya ang gift ko bukas. Or some days later..." binalik na nito ang atensyon sa pagkain.

Pagkatapos kumain, nagsimula na ang party proper. Malaya na ang lahat na uminom, sumayaw o kumain ng mga snacks na nakahain sa buffet. Maagang nagpaalam si Jessica sa kanya at binilin na bantayan niya si Sondra. Now, Maximillian was left alone on their table to keep an eye on Sonny who was already at the wide center stage, dancing with her female friends. Medyo napapangiti siya dahil kahit pormal ang suot ng mga ito ay sige pa rin sa pagsayaw ng modernong dance steps sa mga tugtog.

An Avril Lavigne song played and he heard their excited screams.

"This is my song! My song!" pang-aangkin ni Stacey kaya nagtawanan ang mga ito habang sumasayaw sa The Best Damn Thing.

Tumiim lang ang pagkakatitig niya kay Sondra. Sa suot nitong gown na pinagawa niya, may nakakaakit sa paggalaw ng katawan nito. Her movements were limited by the heaviness and tightness of the dress, but that only helped her find the dance moves that would make her look womanlier. More prim and proper. More graceful.

She surely dances so well... his eyes darkened as Maximillian lifted his glass and took another drink. Ayaw niyang alisin ang mainit na mga mata sa dalaga. Dinama niya ang pait ng alak, binaba ang baso at huminga nang malalim.

Annoyance suddenly crept all over him. Naikuyom niya ang kamao habang sinasaway ang sarili sa direksyong patatakbuhan ng kanyang mga iniisip.

"Maxi," narinig niyang tawag ni Pepper na umupo sa kanyang tabi.

Sinulyapan niya lang ito saglit. "Hi." Then he resumed watching Sondra.

Sinundan nito ang paningin niya kaya napadpad na rin ang mga mata ni Pepper sa sumasayaw na birthday celebrant. Naramdaman niya ang pagpatong ng isa nitong kamay sa kanyang balikat, ang isa naman ay humagod sa kanyang braso.

RoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon