Wattpad Original
Mayroong 15 pang mga libreng parte

Chapter Eight

31K 487 62
                                    

HINDI GUSTO NI MAXIMILLIAN na nakakasalamuha si Renante. Pero dahil nalaman na ni Sonny ang tungkol sa arranged marriage, palagay niya ay alam na rin iyon ni Renante. It could be from his own father or from Sonny herself. Baka nga kinumbinsi na ni Sonny si Renante na huwag pumayag. Pwede ring mag-usap ang mga ito at makumbinsi ni Renante ang babae na makisakay na lang sa arrangement.

He had no fucking clue.

So, to be sure, Maximillian arranged to meet Renante on his lunch break. Alas-onse pa lang ng umaga nasa biyahe na siya papunta sa napagkasunduang restaurant. Maaga siyang umupo. Kinontento ni Maximillian ang sarili sa pag-inom ng kape habang nagba-browse ng mga news article sa cellphone. Hinihintay pa rin niya ang kakatagpuin.

Dumaan siya kanina sa tinitirahang unit, kaya heto at suot ang grey na pantalon. Sinamahan niya iyon ng grey na short-sleeved button-down patterned shirt. Maayos na nakahawi sa kanan ang kanyang dark blond na buhok habang seryoso na nagbabasa. Nag-angat siya ng tingin nang may mapansing bagong customer na pumasok. It was not Renante, pero ang sumunod sa customer na iyon ay ang kanyang hinihintay.

In-off ni Maximillian ang cellphone at sumimsim ng kaunting kape bago tumayo para kamayan si Renante na nakalapit na sa mesa nila.

It was a cold, short handshake. Nagpapaunahan pa sila sa pagbitaw sa kamay ng isa't isa bago umupo. Renante gave him a nod.

"For the first time, you invited me for a chat or so," pormal nitong ngiti sa kanya, taliwas sa pagdududang nasa mga mata ng binata. "Should we talk first or order first?"

"Order then talk while waiting," ani Maximillian. They would rather place their orders first, para hindi agad-agad na makaalis si Renante kapag naisipan nito.

Mabilis silang nakapag-pasya ng o-order-in na pagkain. Pagka-alis ng waiter, hindi na nagpaligoy-ligoy pa si Maximillian.

"I just want a talk to you to know if you already have an idea about what Sam and your father agreed upon?"

Renante threw him a knowing look. Tumaas ang sulok ng labi nito habang relaxed na napapasandal na lamang sa kinauupuan.

"I knew you'd want to see me because of that," sagot ng lalaki. Hindi maipaliwanag ni Maximillian kung bakit naiinis siya sa tuwing nahihimigan ang confidence sa pananalita ng lalaki.

Renante always displayed this mild, gentlemanly appeal. 'Yung tipo ng lalaki na madaling karagin dahil hindi ito makikitaan ng tapang o aggression. Pero para sa kanya, that made Renante more wicked. He was good at making himself appear to be some sort of saint-like type of guy.

"You already knew then," he nodded upon receiving the confirmation. Pinigilan ni Maximillian ang mapainom ng kape. Dapat na magmukha siyang mas kampante kaysa rito. "And what are your thoughts about it?"

"Too impatient to get me married with Sondra already?" mahina nitong tawa. "Aren't you sort of traditional? Masamang ikasal ng sabay ang magkapatid. Sukob daw iyon."

He mockingly grinned. Magaling talaga si Renante sa pang-iinis sa kanya.

"Hindi kami magkapatid," angat niya sa tasa ng kape. Sa huli, hindi niya napigilan ang impulse na mapainom.

"Oh, yeah, right, sorry," may halong tawa roon na hindi niya alam kung may intensyon na asarin siya o masayahin lang ba talaga si Renante. But newsflash, hindi palatawa ang lalaki. So, he already knew he was mocking him. "So, you are like... envisioning a double wedding, hmm? You and Yrina, me and Sonny... You really want to make an explosive headline in the news, huh?"

Naningkit ang mga mata niya rito. "I don't need you and Sonny to gain good publicity, Renante."

"Cut to the chase and tell me that what you really want to know."

RoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon