"OH, MY, GOD!" taas ni Stacey sa kopya ng magazine. Lalabas pa lang ito sa susunod na buwan kung saan si Sondra ang cover. Pero dahil sa complimentary copies ni Sondra, sila pa lang ang makakakita niyon. "You're a freaking goddess in this one, girl!"
She smiled widely. "Told ya, I can do that Paris photo shoot."
Kasalukuyan silang nasa pool area ng mansyon na tinitirahan ni Stacey. Doon nila napagkasunduang magkita-kita para sa araw na iyon ng Huwebes. Nakaupo sila sa benches malapit sa pool, nakasuot ng kanya-kanyang mga swimsuit. Hindi pa sila lumulublob sa tubig dahil hinihintay pa nila si Cynthia na nagbibihis pa.
"Huwag mong bibigyan si Renante nito, ha?" paniningkit ng kaibigan ng mga mata sa kanya. "You're really a goddess in this one. Baka tuluyan na siyang magkagusto sa iyo."
"Siyempre hindi ko siya bibigyan, no" tawa niya. Pero kahit hindi naman niya bigyan ng kopya ang lalaki, makikita pa rin nito ang magazine kapag na-distribute na sa bookstores at news stands.
Nanlalaki pa rin ang mga matang napapatutop ng bibig si Kylie habang nakatitig sa kopya nito ng magazine. Fritzie smiled in satisfaction. Modelo ito kaya naman kapag maganda ang isang photography ganoon ito katahimik at ka-appreciative ang reaksyon.
Humiga na si Sondra sa likuran ni Stacey at sinuot ang sunglasses. Dinama niya ang init ng araw habang nakapikit ang mga mata.
"So, Sonny, next week wala ka rito?"
Panibagong buwan na naman sa susunod na Linggo at mukhang magiging mas busy siya kaysa sa buwan na ito.
"Yeah, I am going to Zambales for a photo shoot with Moderno."
"Oh, sweet," nakangiting binaba nito sa mesita ang magazine at tinabihan siya ng higa. Nakasuot na rin ito ng sunglasses. "Sunod-sunod na talaga ang photo shoots mo, girl. I hope pwede ka ring magmodel sa jewelries ko."
"Oo naman no," ngiti niya rito. "I'll gladly do that even for free!"
"I'll still pay you," anito. "I can afford it, no."
"Whatever, just let me know," siksik niya rito.
Their skin basked underneath the warm glow of the morning sun. Nakasuot si Sondra ng pulang monokini, si Stacey naman ay sexy na puting two-piece bikini.
"Stacey," aniya, "alam mo, kagabi, pinuntahan ako ni Yrina."
"Mm," panenermon ang nasa tono nito. "Iyan na naman, ini-involve mo na naman ang sarili mo sa love life ni Maximillian."
"Umiiwas naman ako, okay?" depensa niya. "But this Yrina came to me, and she's asking me to build her up for Millian."
"For what? Eh ikakasal na nga sila, 'di ba? Nagwagi na ang bitch na iyon, ano pa ang gusto niyang mangyari?"
"She mentioned this Hannah. She thinks Millian likes that girl."
Stacey let out a groan. "My God, ganoon ba talaga kagwapo iyang si Maximillian?"
Nanunuksong siniko niya ito.
"Aw!" daing agad ni Stacey.
"Palibhasa si Renante lang ang gwapo sa paningin mo, eh."
"Bitch," kurot nito sa tagiliran niya, natatawa tuloy si Sondra habang napapadaing din sa ginawa nito. "You know I don't like him! Siya ang sumisira lagi sa mga GNO natin noon, girl! So pakialamero and KJ! Nakakainis, 'di ba?"
"Hey bitches!" pakikisali sa kanila ni Cynthia. "Ang sarap ng kwentuhan ng mga girls ko, ah!" at pinagsiksikan nito ang sarili sa kanila.
"Use the other bench, Cynthia!" Sondra whined. "You're a big girl to fit in here!"
BINABASA MO ANG
Rough
General FictionSondra Hawthorne grew up hating Maximillian Gold, the man who broke her heart years ago. When the two find themselves working closely as Maximillian gears up for a business merger, Sondra realizes the motivations behind his actions were more complic...
Wattpad Original
Mayroong 6 pang mga libreng parte
