Prologue

48 3 0
                                    

"Ok. Here I go," kinakabahan ako sa 'di malamang kadahilanan. Siguro, dahil ito sa matinding pagkadesperada ko sa isang tao. Na kahit na alam kong ang hirap niyang abutin ay heto pa rin ako umaasa na sana maging akin ka na.

"Sana makadate ko siya sa Prom Night," hiling ko sa fountain na nasa harap ko. Ngayon, umaasa na talaga ako na may mangyayaring 'di inaasahan.

May kung anong tunog ang nanggagaling sa damuhan kaya napalingon ako.

O.O T-teka, s-s-s-si..

"A-anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko. Lumapit siya sa akin saka hinawakan ang kamay ko. Kyaahhh!! >.<

"I'm here to ask you to be my date on Prom Night," nakangiti niyang sabi. Sa mga oras na iyon bigla ata akong nabingi. HA? Tama ba ang naririnig ko? As in?

At nung nakita kita
Sa tagpuan ni bathala
May kinang sa mata
Na 'di maintindihan

At nung sasagot na sana ako ng "I do," de charot lang, ng "Yes,"... "Sige," na nga lang, e may kung anong tumama naman sa ulo ko na sanga na galing sa itaas ng puno. At dahil dun bigla akong nakabalik sa realidad. Hayyy.. -_-

Napabuntong-hininga na lamang ako saka umalis sa lugar na iyon. Ba't ganoon? Akala ko ba magical ang fountain na 'yun? Aish.. bahala na nga lan-! >_<

"Ano ba!! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" reklamo ko sa nakabanggaan ko. Kung minamalas nga naman, nilubos-lubos pa! -_-

"Sorry PO. Sadyang maliit ka lang PO." panunukso niya with matching grin pa. Aba! 'Di naman siguro ako ganun ka liit noh? Grabe 'to makapangasar ah. Tsaka sino ba 'tong kapreng nasa harap ko?

"Aba! Nangiinsulto ka ba? Tsaka, sino ka ba? Paano ka nakapunta dito?" Ngitngit kong tanong sa kapreng nasa harap ko. Akala ko ba "secret place" 'to? Ay, hindi na pala siya "secret", napuntahan ko na pala ay este naming dalawa. -_-

Pero imbis na sagutin niya ang tanong ko, ngumiti na lamang siya. Tsaka biglang yumuko at may binulong sa tenga ko na ikinagulat ko.

" Just wait and see, Lianne."
            
To be continued..

~~¤~~

Wish

All rights reserved 2017

WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon