Lianne's P.O.V
"Psst! Pwede na ba akong lumabas?" tanong niya.
"Ayy, oo, sorry." Tumayo ako agad at inalayan siyang makalabas doon sa ilalim ng kama. Oo, tama nga ang nabasa ninyo. Sa ilalim ng kama ko siya itinago. Mabuti nalang nakapaglinis kami--- ay este siya dito sa loob ng kwarto ko, kaya hindi masyado maalikabok doon sa pinagtaguan niya. Ohh diba gwapo ng yaya ko noh... ayy hindi pala siya yaya, yoyo pala. XD
Habang hinihila ko siya, nagpipigil naman ako ng tawa. Ewan ko nga kung bakit ako natatawa, siguro dahil sa mukha siyang nirape? Nirape ng kama? HAHAHA XD
Nang makalabas na siya ng tuluyan sa ilalim ng kama ko, tumayo naman siya at pinagpag ang kaniyang damit. Ngayon na nakatayo ako sa harap niya, hindi ko maiwasan na tumingala para lang matitigan ko ang mukha niya. Oo na, mukha na akong duwende, nahiya naman ang height ko sa kanya. Kapre talaga siya, 'di na iyon maipagkakaila. =__=
Tumingin naman siya sa akin na akala mo'y parang binabasa ang isipan ko. Ganun din nga ako sa kanya. Hindi ko nga alam kung bakit titig na titig rin ako sa kanya, nawi-weirduhan na nga ako sa sarili ko e. Nahawaan na ata ako sa kanya. Hindi dahil sa may crush ako sa kanya ahh.. yucks! Never ko siya magugustuhan noh. Ang weird niya kaya. Para kay Dylan lang ako. XD
Pero para kasi akong hinihigop ng mga mata niya, na kahit pilit na ilag sa tingin niya e 'di ko magawa.
Natauhan nalang ako nang marinig ko ang bibig ni Shane na kanina pa dumadada.
"Ah! Dito ka muna pumasok dali!" -ako
"Huh? Bakit?" -siya. 'Di niya ba naririnig ang malaking bunganga ni Shane?
"Basta! Dali na!" Atat kong sabi. Wala na akong time para sagutin pa 'yang mga tanong niyang kailangan ng common sense.
Tinulak ko si Lewis papasok sa banyo, para doon muna magtago. Dapat pala hindi ko muna siya pinalabas sa ilalim ng kama. Sinara ko na ang pinto ng banyo.
"Sino kausap mo, ate?" Napalingon naman ako sa aking likuran. Nandoon siya nakasandal sa frame ng pinto. Nakacross arms at nakataas ang kaliwa niyang kilay. Shocks! Nagulat ako doon ahh.
"Ha? Ahh--ehh.. kausap ko lang 'yung... 'yung.. butiki! Oo tama! Hehe.." What . the . fugde? Seryoso, Lianne? Kailan mo pa kakausapin ang butiki ha? Sa tingin mo, maiintindihan ka ng butiki? Jusko!
Nakita ko namang napakunot ng noo si Shane. Napatingin naman siya sa kisame at nagpalinga-linga. Animo'y naghahanap ng butiki.
"Wow, mukhang naintindihan ka talaga ng butiki, Ate. Effective. Ni isa wala akong makita. Try mo rin kaya kumausap sa ipis, baka mawala rin sila." She said sarcastically. Naku, ang sarap balatan ng buhay 'tong bata 'to. >__<
"Kung ikaw rin kaya kakausapin ko, aalis ka na rin ba?" Ganti ko naman sa kanya. Hah! Take that! Bwahahahaha *evil laugh*
Napalingon nanaman siya sa gawi ko at inirapan ako. "Pssh.. sunget. Geh bye na." sabi niya. Umalis na siya doon sa may frame at naglakad patungo sa pinto ng mismong bahay. Paano ko nalaman? Malamang sinundan ko siya. Pshh..
Nang nakalabas na siya saka ko naman sinara ang pinto. At sana 'wag na siya bumalik dito. Bakit ba? Gusto ko wala siya dito e. Maso-solo ko ang buong baha----- hindi ko pala maso-solo kasama ko pa pala ang kapre/maligno. =__=
Bumalik na ako sa aking kwarto at binuksan na ang pinto ng banyo.
.
.
.Nakakapagtaka. Ba't wala siya dito? Nasaan nanaman ba 'yun nagsiksik at itinago ang sarili niya?
BINABASA MO ANG
Wish
Teen FictionLahat na siguro ng mga gawain ng isang taong humihiling ay nagawa na ng isang dalaga na umaasa na sana mapansin at makadate ang lalaking minamahal niya sa Prom Night. Pero, lahat ng iyon ay walang epekto sa ating bida. Nagbigay lamang ito sa kanya n...