4th Wish: Suspicious Presence

17 2 0
                                    

Lianne's P.O.V

O.O    

WHAT THE-?! HOW DID HE KNOW MY NAME?!

Sa sobrang pagkagulat ko 'di ko na malayan na diretsahang naglakad papalayo ang lalaking 'yun. Lumingon ako sa aking likuran ngunit ni anino niya'y 'di ko na matagpuan. So weird..

~*~

"Uy, what happened na nga ba? Wala pa bang improvement?" Nababagot na tanong ni Megan. Two days na ang nagdaan simula nung araw na 'yun, hanggang ngayon 'di ko parin alam ang pangalan ng kapreng nakabanggaan ko. Ngayon, kinukulit ako ni Megan about dun at ni isang salita man lang ay wala akong maisasagot para mapatahimik siya. Hayy..

(A/N: So kung binibilang ninyo ang bawat araw sa kwento na ito, ngayong araw ay Sabado. Ginaya ko ang ibang school sa Davao na ang tanging pahingang araw nila ay Linggo. Okay 'yun lang po. Back to the story.)

"Uyy!" Napalingon ako kaagad kay Megan na halatang naiinis na. Sinuway naman siya ni Erica.

"Ano ka ba? Alam mong nagmoment yan. Baka nga hanggang ngayon naiisip niya parin yung lalaki na nakabanggaan niya" sabi ni Erica kay Megan. Napalingon naman ito sa kanya. Napalaki naman ako ng mata at napalingon din kay Erica.

Ba't mo sinabi?! Wahhhh!!! Sana pala 'di ko nalang sinabi! Ihhhhh!!! Kainis!

"AS IN?!" Biglang lumaki yung mata ni Megan sabay tumigin sa direksiyon ko. "Ba't hindi mo sinabi sa akin?! Gwapo ba?" Sinasabi ko na nga ba.
-__-

"Ah eh.." tanging sagot ko. Napasulyap naman ako kay Janine na tahimik at nagbabasa lang sa isang tabi. Napansin niya atang nakatingin ako sa kanya kaya tiningnan niya rin ako. It's time for me to use my 'special ability'.

Ako: Help-me look
Siya: Whatever look

Napatayo siya saka sinabing "Tapos na ang break. Tara na," tumayo na si Erica at si Megan naman, ayun, nakabusangot at wala naring nagawa kundi sumunod nalang kay Janine. Lumapit naman si Janine sa akin.

"Thanks.." sabi ko sa kanya. Ngumiti lang siya.

"Don't be. Let's go." Sagot naman niya. Sabay na kaming naglakad palabas ng cafeteria.

Maya-maya pa, bigla akong napatigil sa paglalakad. Napansin naman ata iyon ni Janine kaya napatigil din siya at napatingin sa akin.

A-Ano ito? Ano itong nararamdaman ko? P-Parang may nagmamasid sa akin. H-Hindi kaya isang multo? O 'di naman kaya'y isang engkanto?

"Lianne?" Napabalik naman ako sa realidad nang tinapik ni Janine ang kanan kong balikat.

"Ok ka lang? May problema ba?" Tanong niya na may halong pag aalala. Nginitian ko lang siya.

"Ahh.. wala wala. Ok lang ako. Tara na," hinila ko na siya. Baka guni-guni ko lang 'yun.

~*~

"This quantity should be.. blah blah blah" wala na akong naiintindihan sa Science subject namin ngayon. Puro nalang kasi equation, explanation, at experiment. 'Di naman siguro lahat ng estudyante gusto maging scientist noh?

Maya-maya pa, biglang tumunog ang bell. Hudyat na nagtapos na ang third subject.

"Ok. Class dismissed," nagingay ang lahat, siguro dahil narin sa pagtapos ng isang boring na lecture.

WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon