Lianne's P.O.V
Zzzz...
Hmm.. hmm? Ba't ang bigat naman ata ng unan?
Kinapa ko ito.
Ano ito? Kamay? Ang bigat naman para maging kamay ito.
Kinapa ko pa ito
Kamay nga.. sino ba ito?
-__-
-__o
>>__>> -__- Zzzz..
O__O Eh? EH???!!!
"KYYAAAHHHHH!!!!!" S-SINO ITO???
"Hmm? Aga-aga pa, nagiingay ka na." reklamo niya. Mas hinigpitan niya pa ang yakap sa akin
"S-Sino ka ba? Alis nga!" Inalis ko ang kamay niya na nakapatong sa may bewang ko. Hindi ako unan para gawin niya akong yakapan noh.
Napaupo naman ako, parang indian sit, ganun.
"Hmmmm..." Ungol niya. Kinuha niya pa ang unan ko at ginawang pantakip ng mukha. Kapal neto. -__-
"Sino ka ba? Paano ka nakapasok dito? At.. hoy! Unan ko 'yan, 'wag mong ngang agawin!" Kinuha ko ulit ang unan. Naexpose nanaman ulit ang mukha niya. Gumulong siya pakaliwa kaya 'yung likod na niya nakaharap sa akin. Litse.
Tumayo ako saka ako lumapit doon sa may bintana na nasa tabi lang niya. Sakto naman na pagopen ko nun pumasok ang liwanag patungo sa mukha niya.
Gumulong nanaman siya pakanan kaya 'yung likod nanaman niya ang nakaharap sa akin ngayon. Aba, mukhang sinusubukan ata ako nito.
"Ano, tatayo ka o magtatawag ako ng pulis?" Pagbabanta ko.
"......" 'Di man lang ako pinansin. Letse. -__-
"Uy!" Pinalo ko 'yung paa niya. Ilang saglit lang, bigla siyang napaupo. Kinusot-kusot pa niya ang kaniyang mga mata.
Napalinga-linga naman siya sa kwarto ko habang kinakamot ang ulo niya. May kuto ba siya?
"Sino ka? Nasaan ako?" Tanong niya. Siningkitan ko naman siya ng mata.
"Ako nga dapat magtatanong niyan sa'yo e. Sino ka ba? Paano ka nakapasok dito sa kwarto ko? Paano mo nalaman ang bahay ko? Stalker ba kita?" Sunod-sunod ko na tanong sa kanya.
"Lewis," bulong niya. Hanuraw?
"Ano?"
"Lewis ang pangalan ko, ikaw?" Ahh.. Lewis daw ang pangalan niya. Ano ka ba Lianne, nabingi ka na ba? Hala, ba't hindi niya kasama si Pearl? Malay mo pala kapatid niya si Pearl. Ohhh diba? Lewis and Pearl XD
"Lianne," inilahad ko ang kamay ko sa kanya. Inabot niya naman iyon, ngumiti naman siya nang matipid.
Teka nga.. parang nakita ko na siya somewhere.
Simula sa medyo magulo niyang blondie na buhok, navy blue ang kulay ng mga mata, maputi ang balat, mapulang labi. Aakalain mong isang foreigner. Katamtaman ang laki ng katawan na halata namang walang abs. (Hehe 'yun lang habol mo, Lianne? XD)
O.O Napalaki naman ang aking mga mata nung narealize ko kung sino siya.
S-S-SIYA NGA 'YUN! 'YUNG LALAKING NAKABANGGAN KO NUNG ISANG ARAW!! ANONG GINAGAWA NIYA DITO?!
Nanatiling tulala lang ako sa kanya habang siya naman nakatingin lang sa akin na parang nagtataka.
"S-Sandali, ikaw 'yun diba? Anong ginagawa mo dito?" Sigaw ko habang nakaturo sa kanya.
BINABASA MO ANG
Wish
Teen FictionLahat na siguro ng mga gawain ng isang taong humihiling ay nagawa na ng isang dalaga na umaasa na sana mapansin at makadate ang lalaking minamahal niya sa Prom Night. Pero, lahat ng iyon ay walang epekto sa ating bida. Nagbigay lamang ito sa kanya n...