Lianne's P.O.V
Mali pala ako. Hindi pala tama ang naging desisyon ko na gawin niya ang gusto niya.
Kasi alam niyo kung ano ang itsura ng buong bahay? As in, parang dinaganan ng bagyo at tsunami sa sobrang kalat. Mukhang makakapaglinis ako buong maghapon ahh..
"Ang sarap talaga neto.. penge pa nga ako." Sabi niya sabay kuha ulit ng isang cupcake sa ref. Teka, pang ilan na ba 'yan?
Nung umalis na siya doon sabay balik ulit doon sa kwarto ko, lumapit ako doon sa ref saka binuksan ulit.
O_O WHAT?! SA 60 PIECES NA CUPCAKE, ISA NALANG ANG NATIRA?! NOOOOOO!!!!
Umusok bigla ang ilong ko. Bwiset siya, inubos niya ang favourite cupcake ko! Hindi ko siya mapapatawad! >:(
Umakyat ako sa kwarto ko.
Pagbukas ko..
O___O Tumambad sa akin gabundok na mga basura... ay mali hindi pala basura, gamit at damit lang pala. Ang mga damit ko nakalagay sa ibabaw ng T.V, kama, at desk. May iba't ibang klase ng plastic na ginawang pambalot sa pagkain ang nandoon. May chips, may biscuit, may lollipop.. teka, san galing 'yun? At... ano 'yun?
Lumapit naman ako doon sa may Lamp shade...
O__O PANTY KO 'TO AH! PAANO NAKAABOT ITO DITO?!
Kinuha ko naman iyon kaagad baka isipin pa nila mommy na nagiging burara na ako sa mga gamit... ay wala pala sila dito. Pinasok ko naman iyon sa drawer.
R.I.P ROOM. T__T
Kung sa sala at sa kusina ay nasa 78% lang ang kalat, dito naman sa kwarto ko ay aabot na ata sa 101% ang kalat.
-__- Kailangan ko na talaga siya palayasin.
Meron pa talagang cupcake na nakagatan na sa desk ko. Buti't walang langgam dito kundi naku, siya ang ipapakagat ko sa mga langgam kung meron man.
Bahala siya dyan. Siya ang maglilinis nito.
Nasaan na ba siya? Lumabas naman ako ng kwarto saka bumaba para hanapin siya.
Kusina? Wala.
Sala? Wala.
Garden? Wala.
Guest room? Wala.
Impossible ding lumabas 'yun. Kasi kung lalabas siya edi sana nakita ko na siya kung nasaan man siya. Atsaka impossible ding nadoon siya sa kwarto nila mommy, nakalock 'yun e.
Bumalik naman ako sa kwarto ko.
Nasaan na kaya siya? Sa C.R. kaya?
Lumapit ako doon sa may pinto ng C.R. saka dahan-dahang binuksan.
"Lewis, tingin ko kailangan mo nan-----" Napatigil ako sa sasabihin ko nang inangat ko ang tingin ko.
O.O
"AAHHHHHHH!!!" Sigaw ko. THE HECK! Napatingin naman siya sa akin. Lumaki din ang mga mata niya.
"SHOO! CHUPE! LABAS!" Sigaw niya rin.
Sinarado ko kaagad ang pinto.
ANAK NG PITUMPUT PITONG PUTING PATING! WAAHHHH!!! MY VIRGIN EYES! HUHUHU.. WALA NA FINISH NAAAAA!! Huhuhu...
Narinig ko naman na bumukas na ang pinto, kaya napaharap ako doon. Tumambad naman sa akin ang mala-adoni--- ang kapre at maligno na unang nakapasok sa kwarto ko. Basa pa ang buhok nito ganun din ang katawan. Nakakalawa-! Uy! Gising! Tandaan mo, maligno 'yan! 'Wag ka magpapaapekto dyan!
BINABASA MO ANG
Wish
Novela JuvenilLahat na siguro ng mga gawain ng isang taong humihiling ay nagawa na ng isang dalaga na umaasa na sana mapansin at makadate ang lalaking minamahal niya sa Prom Night. Pero, lahat ng iyon ay walang epekto sa ating bida. Nagbigay lamang ito sa kanya n...