Lianne's P.O.V*o*
Ang ganda!! Super! 'Di ko akalain na sa kabila ng pagiging madilim at nakakatakot sa labas e maganda naman sa kaloob-looban.(A/N: Preffering on something else.. Hohoho ^0^)
Napatulala naman ako dahil sa kagandahan ng lugar na ito. E kasi naman, sa bukana ng hardin na ito, may arch na may disenyo na parang waves na ewan 'di ko mai-explain, basta maganda siya. Nakapatong ito sa pagitan ng makabilaang pader. Natatakpan naman ito ng mga baging na mistulang pinto ng hardin na ito. Parang sa mga fantasy movies? Oo, parang ganun. Ganun din ang mga pader nito, ni isa wala kang makikitang hollow block, lahat natatakpan din ng baging. Sa loob naman ay makikita mo ang isang napakagandang hardin. Sa gitna naman, may makikitang kang isang fountain na kasing taas ko lang ata. At may mga puno at bulaklak na lalong nagpapaganda sa hardin. Para nga akong nasa panaginip e.
"Uyy tulala ka dyan?" Sita ni Erica. Nakita ko silang nakaupo doon sa may bench malapit sa may fountain.
Lumapit naman kaming dalawa ni Megan sa kanila. Napatayo naman silang dalawa ni Janine upang sa gayon, magkapantay na kami ng taas.
"You're late," sabi ni Janine sa amin.
"Nag-iinarte pa kasi 'tong kasama ko e, papasok rin naman pala. Nagsisigaw pa siya doon sa gubat kanina, na akala mo nirape ng isang kapre." Naiiritang sagot ni Megan sa katanungan ni Janine. Nag-roll eyes pa siya at 'di lang 'yun tinignan niya rin ako. Amp!
"Sorry. O happy? Aishh.." -ako.
Napabuntong-hininga naman silang dalawa ni Erica at Janine. "Ahh.. nga pala, ano bang gagawin natin dito? Eto na 'yun? 'Yung ipapakita niyo na magugustuhan ko?" Ewan ko ba sa kanilang tatlo. Ba't pa nila ako dinala dito, e wala naman dito si Dylan. Siya kasi ang magugustuhan kong makita hehe. ^-^v
Pero haayy.. akala ko nga talaga nandito siya, pero hanggang akala lang pala. Isang fountain at magandang hardin lang pala ang makikita ko dito. Nagbuwis buhay pa ako kanina. Pesteng buhay 'to. -__-
"'Wag kang atat. Sasabihin na namin sa'yo. Sige na Janine, explain." -__- aish! Sarap hagisan ng kwitis 'tong babaeng ito. Sabi niya sila ang masasabi tapos si Janine ang ipapaexplain niya? Nice, bigyan na ng reward 'yan.
Ganun din ang expression ng dalawa pang bruha dahil sa inasal ni Erica. Now, we united. -__-
"Okay. So base sa mga nakalap naming impormasyon, maraming mga dating estudyante ang bumibisita dito para humiling. Hindi namin alam kung sino ang nagpasimuno ng ideyang ito, but I think na isa rin siya sa mga taong DESPERADONG maabot ang ninanais niya. Just like YOU." Explain niya sabay tingin sa akin nung nasa huling linya na siya. Awts. Ang sakit naman ng salitang desperado. :(
At in-emphasize niya pa ang salitang DESPERADONG at YOU ha? Langya.
-__-"But then after the wish was granted, this students forget about what happened. That's why, this place is still private and secluded. Even though there are so many decades passed by and there are some of the students came here everyday to wish, there are still no evidence to collect. And that's make it 'magical' ". Dagdag pa nito. Woohh! Nosebleed ako dun ah..
(A/N: And so I am >_<)
"So you're telling me na hihiling ako... dyan?" Tanong ko habang nakaturo doon sa fountain na nasa gitna ng hardin.
"Ayaw mo? Buti nga tinutulungan ka pa namin. Ikaw nalang kasi ang wala pang lovelife sa ating apat." Mataray na sabi ni Megan sa akin. Ako nalang? Sure ka ba sa sinasabi mo?
"Hoy, Erica. Kailan ka pa nagkaboypren ha?" Tanong ko sa kaniya. Kaming dalawa kasi ang single sa squad. Napangiti naman siya sabay sabing "Kanina lang hehe"
Aba! Iniwan ako ng bruha. Naglablayp narin pala ng pasekreto. Traydor! Iniwan mo akong nagiisa na poreber single! Huhuhu!
"Traydor ka! Sabi mo sabay tayong magkalablayp. Pero ano itong ginawa mo? Iniwan mo ako!" Sigaw ko sa kanya. Nagpeace sign lang ang bruha. -__-
"That's what we call 'diskarte' hahaha!" Mapang-insultong singit ni Megan. May pawhat we call - what we call ka ngayon dyan ahh. Kanina ka pa. Sarap mong ihagis, alam mo 'yun? Malamang hindi mo alam, hindi ko sinabi sa'yo e. Pshh..
"Che!" Sigaw ko. Napatingin naman si Janine sa akin kaya tiningan ko sin siya.
"So you have to decide. You're gonna make a wish on this 'magical fountain' or you're gonna leave this opportunity.
~*~
"So you have to decide. You're gonna make a wish on this 'magical fountain' or you're gonna leave this opportunity. Your choice.""So you have to decide. You're gonna make a wish on this 'magical fountain' or you're gonna leave this opportunity. Your choice."
"So you have to decide. You're gonna make a wish on this 'magical fountain' or you're gonna leave this opportunity. Your choice."
'Yan ang paulit-ulit na huling salita niya ang bumabagabag sa akin ngayon. Isang mahiwagang mensahe. Ayy de charot lang hahaha. Hindi ko alam kung bakit pero sa tingin ko mahalaga talaga ang isang ito. Oo, para sa karamihan, isa lang itong pambata na kaisipan pero sa akin parang may kung anong engkanto na nagsasabi na humiling ako doon. Hala! Baka sinapian na ako! Huhu masamang espiritu lumabas ka!
Praning ka na, Lianne. Stop it, get some help. XDSiguro kulang lang ako sa tulog. Ilang gabi ayy char.. kagabi lang pala, kakaantay kay crush magonline. Siguro, may kalandian na 'yun. Naku, pagnakita ko lang ang babaeng 'yan, magpapa-annul na ako sa'yo, Dylan. Charot! Hahahaha XD
Nakapagdesisyon na ako... Agad-agad? Hahaha. Bibisitahin ko 'yun ulit. At sa araw na 'yun, magbabago na ang takbo ng buhay ko. Magiging 'Mrs. Contemplation' na ako ayyiieehh!! ♡.♡
I can't wait! Hihihi.
~*~
"Ok. Here I go," kinakabahan ako sa 'di malamang kadahilanan. Siguro, dahil ito sa matinding pagkadesperada ko sa isang tao. Na kahit na alam kong ang hirap niyang abutin ay heto pa rin ako umaasa na sana maging akin ka na.
"Sana makadate ko siya sa Prom Night," hiling ko sa fountain na nasa harap ko. Ngayon, umaasa na talaga ako na may mangyayaring 'di inaasahan.
May kung anong tunog ang nanggagaling sa damuhan kaya napalingon ako.
O.O T-teka, s-s-s-si..
"A-anong ginagawa mo dito?" Gulat na tanong ko. Lumapit siya sa akin saka hinawakan ang kamay ko. Kyaahhh!! >.<
"I'm here to ask you to be my date on Prom Night," nakangiti niyang sabi. Sa mga oras na iyon bigla ata akong nabingi. HA? Tama ba ang naririnig ko? As in?
At nung nakita kita
Sa tagpuan ni bathala
May kinang sa mata
Na 'di maintindihanAt nung sasagot na sana ako ng "I do," de charot lang, ng "Yes," ... "Sige," na nga lang, e may kung anong tumama naman sa ulo ko na sanga na galing sa itaas ng puno. At dahil dun bigla akong nakabalik sa realidad. Hayyy.. -__-
Napabuntong-hininga na lamang ako saka umalis sa lugar na iyon. Ba't ganoon? Akala ko ba magical ang fountain na 'yun? Aish.. bahala na nga lan-! >_<
"Ano ba!! Tumingin ka nga sa dinadaanan mo!" reklamo ko sa nakabanggaan ko. Kung minamalas nga naman, nilubos-lubos pa! -_-
"Sorry PO. Sadyang maliit ka lang PO." panunukso niya with matching grin pa. Aba! 'Di naman siguro ako ganun ka liit noh? Grabe 'to makapangasar ah. Tsaka sino ba 'tong kapreng nasa harap ko?
"Aba! Nangiinsulto ka ba? Tsaka, sino ka ba? Paano ka nakapunta dito?" Ngitngit kong tanong sa kapreng nasa harap ko. Akala ko ba 'secret place' 'to? Ay, hindi na pala siya 'secret', napuntahan ko na pala ay este naming dalawa. -__-
Pero imbis na sagutin niya ang tanong ko, ngumiti na lamang siya. Tsaka biglang yumuko at may binulong sa tenga ko na ikinagulat ko.
" Just wait and see, Lianne."
To be continued..
BINABASA MO ANG
Wish
Teen FictionLahat na siguro ng mga gawain ng isang taong humihiling ay nagawa na ng isang dalaga na umaasa na sana mapansin at makadate ang lalaking minamahal niya sa Prom Night. Pero, lahat ng iyon ay walang epekto sa ating bida. Nagbigay lamang ito sa kanya n...