9th Wish: Double Trouble

8 2 0
                                    

Shane's P.O.V

Yow! Whazzup? Remember me? Mwahahaha!!

Well, sino nga naman ang makakalimot sa kagandahan kong ito? Wiihhh!! XD

Btw, ano na kaya ang ginagawa ni ate sa bahay? Luhh.. kailan pa ako nagaalala doon? e 'di naman siya nagpakita ng pagaalala sa akin. Wews.. de joke, ang drama ko naman. Hahaha!

"Cupcake ko." tawag sa akin ni Claud. Napalingon naman ako sa kanya. Nakita ko naman siyang may hawak na kutsara na may cake, itinapat naman niya ito sa akin habang siya nakanganga. Hahaha! Ang cute niya! ^__^

"Say 'ahhh'" napangiti naman ako sa kanya. Aba! Aba! Mukhang naglalambing ito ngayon ahh.. May kailangan siguro ito ngayon. Hahaha!

Ibinuka ko naman ang aking bibig at isinubo niya naman ito. Waaahhh! Ansarap! ^__^

 ~~

"Sige na, chupi, layas! Bye bye!" Pagpapalayas ko sa kanya saka kumaway sa kanya nang makababa na ako sa sasakyan niya. Bakit ba? Ganito ako kung maglambing. HAHAHAHAHA! XD

Dumungaw lang siya sa bintana ng sasakyan niya at kumaway rin sa akin. Pinaharurot niya na ang sasakyan niya. Hinintay ko lang naman ito na makalayo mawala na ito sa aking paningin bago ako pumasok sa bahay.

"Ate?" tawag ko kay ate. Nilibot ko naman ang aking paningin nang napagtanto ko na ang tahimik naman ng bahay. Sa katunayan, sa tuwing uuwi ako lagi niya akong sinasalubong ng isang doseng tanong. Tulad na lang ng 'san ka galing?', 'ba't ngayon ka lang umuwi?', at kung ano-ano pa. Minsan din nga sinisigawan niya rin ako. Dinaig pa niya ang nanay. =__=

"....." Nakakapagtaka. Naka-on pa ang mga ilaw pero ba't ganoon wala siya rito at sobrang tahimik naman ata ng bahay? Maka-akyat na nga lang sa kwarto niya, baka naman nandoon siya.

Nasa tapat na ako ng pinto ng kwarto niya. Pinihit ko naman ang doorknob nito. Hala, isang himala ata ang nangyari ngayong araw ahh. Usually kasi hindi niya iniiwang hindi naka-lock ang kwarto niya kahit nandito man siya o umalis siya ng bahay. Siguro, ito na ang sign na pwede na akong manggulo sa loob ng kwarto niya? XD

"Ate? Nandito ka ba sa kwarto mo?" binuksan ko naman ang pinto at..

O.O

HOLY COW! ANO ITO?

Napangisi naman ako nang wala sa oras. Sinasabi ko na nga ba, hindi butiki ang kausap niya. Utot mo, palusot mo ate. Huli ka na sa akto. Hahaha! Sa huli, ako pa rin ang nagwagi! Hohoho! ^0^

Ayy, wait! Kailangan may souvenir! Hehehe humanda ka ngayon ate alam kong hinding-hindi mo ito makakalimutan.

Kinuha ko na ang aking phone galing sa bag ko at..

*Click!*

~~

Lianne's P.O.V

Hmm.. aray ko. Mukhang naalipungatan ata ako kagabi. Teka, ano bang nangyari?

Napaupo naman ako saka nag-unat sandali at iginala ang aking paningin. Nasaan na si Lewis?

"Lewis?" tawag ko.

"....." wala talaga siya dito. Napatayo naman ako saka tumungo na sa pinto at binuksan ito. May narinig naman akong tawanan. Luhh? Anong meron?

Nang nakarating na ako sa may hagdan para bumaba na, 'di ko maiwasang mapahinto sa paglalakad dahil sa gulat.

N-Nakita ko silang nagaalmusal kasama ang isang tao na naging dahilan para gustuhin kong bumuka ang lupa at saka ako lamunin nito.

"Oh? Gising ka na pala, Lianne. Goodmoring!" bati niya sa akin na naging dahilan para napalingon sila Mommy at si Snow, ang aso naming husky. Yup, nakisali rin siya sa pagtingin, e kung 'di ba naman gaya-gaya itong aso 'toh.

Bumaba naman ako ng hagdan at dali-daling lumapit sa kanila.

"Oy! Mukhang napasarap ata ang tulog ng PRINSESA ni kuya Lewis ahh.. natanghalian ng gising. Hahaha! Ano reaksyon namang 'yan? Mukha kang nakakita ng multo." tukso ni Shane sa akin habang nakangisi sa aking nang nakakaloko. Sinasabi ko na nga ba kagagawan niya ito. Naku! Sa tingin ko, mamatay ako ng maaga neto sa sobrang stress. >__<

"Goodmorning, sweetie. Mukhang nagkakatuwaan ata kayo ng boyfie mo kagabi kaya ka natanghalian ng gising." Ugh! Pati ba naman si Mommy?! At.. hanuraw??? BOYFIE??? Seryosoo???

"HALA, HINDI PO 'YAN TOTOO! 'YAN! MAGIGING BOYFRIEND KO?! SHOCKS! EWWSSS" depensa ko naman. Totoo naman ah.. alam naman siguro nila na para lang ako kay Dylan. Napangiti naman si Daddy.

May masama na akong kutob sa ngiting 'yan..

"Talaga lang ha? E ano ito?" nilapit ni Daddy ang... phone ni Shane 'yan 'diba?

Tinitigan ko nang mabuti ang screen. Napagtanto ko naman na picture pala iyo--.

O__O A-A-Ako ba y-yan? B-Bakit ako n-n-nakayakap kay Lewis habang si Lewis n-nakayakap 'din siya sa akin. K-Kailan lang ito kinuha? Ba't wala akong matandaan?

"Hahaha 'yan pa ba 'yung sinasabi mong hindi mo boyprend?" nakangising tukso ni Daddy sa akin. Napakurap naman ako ng ilang beses. Ako nga ito.. pero ba't wala akong matandaan na humiga sa kama habang siya tumabi sa akin? WHAT HAPPENED TO THE EARTH?

Dahan-dahan naman akong napalingon kay Shane na nakangisi doon sa isang sulok. Kilala ko na ang may pakana nito.

"Maganda ba ang pagkakuha?" tanong niya sa akin. Umusok naman ang ilong ko na animo'y isa akong dragon. 'Di na ako nakapagtiis at..

"SHANNNEEE!!!!" sigaw ko sa kanya. Napatayo naman siya sa upuan niya at saka tumakbo papalayo sa akin.

"Kapag nahabol kitang bata ka! Mananagot ka sa akin!" Banta ko sa kanya. Humarap naman siya sa akin sabay belat at tumawa pa nang pagkalakas-lakas. Mas lalong umusok ang ilong ko dahil sa sinabi niyang iyon.

"Sige na tama na iyang kasiyahan ninyo--" -Mommy

"Sa tingin mo Mommy, nagkakasiyahan kami dito? Parang gusto ko na nga siyang ihagis ehh! Kung hindi lang siya mabilis tumakbo, kanina ko pa siguro ginawa iyon." Putol ko kay Mommy. Patuloy lang kami sa pagtakbo. Actually nahihilo na ako ehh. Kanina pa kami paikot-ikot dito sa mesa, tingin ko rin nga nahihilo narin sila Mommy, lalo na siguro si Lewis bigla niya kasing hinawakan ang sentido niya na para bang nananakit ito.

"Ikaw lang siguro ang hindi nasiyahan, kasi ako ang saya saya ko. HAHAHA!" -tukso ni Shane.

"Naku! Kung mahahabol lang kita, hindi ko alam kung ano ang gagawin ko sa'yo!" -bawi ko naman sa kaniya. Tumawa lang ulit siya dahil sa sinabi ko.

"Oopss.. baka masunog na iyang kulangot mo sa sobrang init ng ilong mo. Oh! Umuusok pa nga ehh.. HAHAHAHA!" -bawi niya sa akin. Okay, siya na. Siya na talaga. Ang galing niyang bumawi ahh. Peste -__-

"Tama na iyan, mga hija. Mala-late na kayo. Sasama pa sa inyo si Lewis, baka mala-late siya nang dahil sa inyo." Napatigil naman ako sandali habang pinoproseso pa ng utak ko ang sinabi ni Daddy.

Loading..

Loading..

Loading..

H-Hanuraw? Anong sabi niya? S-Sasama sa amin si L-Lewis?

Uhh ohh.. mukhang panibagong problema nanaman ito ahh..

To be continued..

~~

[A/N: Sensya na po kung now lang ako nakaUD. A lot of problems kasi ang nangyari ngayong buwan lang. Still recovering parin ako, mga kapitbahay. Btw, ano kaya ang gagawin ng ating bida? Lalo na ngayon na kasama niya na ang ating munting cupid sa pagpasok sa school at pati narin sa bahay nila. Ibabalandra niya ba ito sa kaniyang mga kaibigan? Abangan..  at kitakits mga kapitbahay!]

WishTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon