"OY, pare! Congrats! Bilib na bilib na talaga ako sayo! Aylabyu! NYAHAHAHA!" Mapangasar na tugon ni Drake kay Ian tsaka pa niya ginulo ang buhok neto."Ano ba?! Yung buhok ko!" Naasar naman na asik ni Ian sabay lingon sa tagiliran kung nasaan ang iba pa niyang kaklase.
Saktong pagkaharap na pagkaharap niya ay bigla siyang sinalubong ng yakap ng mga ito. Napa-aray tuloy siya dahil sa bigat ng mga ito at nahirapan agad siyang huminga.
"Aray! Puta naman! Bigat niyo!" Asik ni Ian habang pinipilit ang mga ito na kumalas.
"BROOOO! CONGRAAATTTSSS!"
"IDOLL! AYLABYU!"
"PRE, WALANG KUPAS YANG UTAK MO!"
"OO NGA! PAHIRAM NAMAN NIYAN MINSAN O!"
Pilit na tinatakpan ni Ian ang tenga niya dahil sa makabasag eardrums na sigawan neto.
"Ano ba! Oo na, oo na! 'Di na ako makahinga!" Nanggigigil na sigaw ni Ian, nagtitimpi.
"NYAHAHAHAHHAHAHA! OY, MGA GAGO! TAMA NA 'YAN! KUMALAS NA KAYO! GALIT NA SI IDOL, O!" Tumatawang sigaw ni Jiro tsaka tinapik ang kaklase niyang pinakamalapit sa kanya.
Nagtawanan naman ang mga yumakap kay Ian at agad na kumalas ng mas nilakasan pa ni Ian ang pagtulak sa kanila.
Tuwang tuwa ang buong Class 4-A dahil sa pagkapanalo ng kaklase nilang si Ian sa National Competition tungkol sa Science, ang pinakamahirap na kompetisyong sinalihan at napanalunan neto. Kaya naman, hindi talaga nila maitago ang tuwa dahil dito.
Nang tuluyan ng kumalas lahat ng nakayakap kay Ian, inis nitong pinagpag ang polo shirt niya sabay ayos pa ng kaniyang buhok na ginulo gulo kanina.
"Hay nako! Ang arte ng lalaking 'to! Oh, siya! Humayo na tayo at magpakarami! Este, humayo na tayo at magpakabusog! HAHAHA!" Pilyo at patawa-tawang sabi ni Alex, agad naman siyang sinuntok ng kaibigang si Kurt sa braso.
"Ang ingay mong gago ka! 'Di ka na nahiya! May makarinig sayo!" Pangangaral pa neto kunyari pero napahagalpak rin ng tawa pagkatapos. Napailing nalang ang iba.
"Tss, mga baliw. Pero maiba, tara na nga kasi! Kumain na muna tayo! Nagcre-crave ako ng pizza! Tara!" Bibong pangaaya ni Gavin at nagsimula ng maglakad, agad naman nagsisunuran ang iba.
Nang marating na nila ang nasabing restaurant na sikat dahil sa masasarap nilang pizza, agad na silang nag-order tsaka nagsimulang magkwentuhan.
Sa pangunguna ng lokong magkaibigan na sina Alex at Drake, pagkaupo na pagkaupo pa lang ni Ian ay agad na silang nagpakwento tungkol sa kaganapan sa nangyaring kompetisyon kanina. At dahil nga sa kanilang nakakalokong ugali, wala ng nagawa pa si Ian at sinimulan na nga niya ang pagkwekwento.
Nang dumating ang kanilang inorder ay masaya na silang nagkainan habang hindi matapos tapos ang tawanan at kwentuhan.
MEANWHILE...
"Oy, Steph! Mall tayo bukas? So, ano? Game?" Pangaaya ni Shelanie sa kaniyang bestfriend.
Kakalabas lang nila sa room nila dahil sa wakas ay tapos na rin ang super hirap nilang exam.
"Mall? Tomorrow? FYI, Shels, may projects pa kaya tayo!" Tugon naman ni Steph habang mahinhin silang naglalakad sa corridor.
"Mygod! I know, right! I just need pahinga, Steph! Kapagod rin kaya!" Nakapout nitong anya. Tinawanan lang siya ng bestfriend at kunyari ay sandaling nagisip, nakahawak pa sa baba at bahagyang nakatingala.
"Hmm.." pambibitin pa nito, nasa gilid naman niya si Shels na todo puppy eyes sa kanya, nagpapacute.
"Fine." Pagsuko nito, napasigaw naman agad si Shelanie sa tuwa pero agad ring nagsmile sa mga estudyanteng nasa paligid nila at nginitian ang mga ito.
"Ohgosh! Thank youu, Steephh! Iloveyou! Hihi! Tomorrow, let's go to a spa! And, uh, let's go to the parlor also, I should do my manicure, o'rayt? Gosh! I'm excited na! Sa wakas, I can relax naaa!" Masaya at excited na excited nitong litanya, with matching actions pa, natawa nalang tuloy ang bestfriend nitong si Steph at inakbayan siya at inaya na pauwi.
"Shels? Wait, may naisip ka na bang school na papasukan natin next school year? I'm excited to feel a new atmosphere na!" Tanong ni Steph kay Shelanie habang nakasakay na sila sa sasakyan na pagmamay-ari nila Shelanie, na minamaneho ng driver rin nila.
"Hm, yes! Let's go to Harvard Univ. nalang! That's where my brother goes kasi! Para na rin sabay na kami pumasok always and no hassle." Sagot naman ni Shelanie habang nagphophone.
Napa-'oh' nalang si Stephanie at sinearch agad sa google ang school na 'yon.
Bumungad naman sa kanya ang isang imahe ng malaking paaralan. Napapalibutan ito ng naggagandahang tanim at mababatid ang kalinisan sa paligid. Matapos niya suriin ang imahe ay binasa pa niya ang mga articles ukol dito, namangha naman agad siya sa dami non.
Pero sa lahat ng nabasa niya may nagiisang artikulo ang nakapukaw ng kaniyang atensyon, eto ay ang ipinagmamalaki ng paaralan, ang kanilang tinatawag na, "Special Section."
---------
Plagiarism is Crime!
BINABASA MO ANG
Special Section: Class 4-A | ✔
Teen FictionMagbest friends na sila Shelanie at Stephanie simula pa noong first year high school sila. They were happy and contented kahit dalawa lang sila. Not until magtransfer sila sa isang school at mapunta sa isang section na puno ng kalalakihan. Betrayal...