Chapter 28

1.1K 54 3
                                    

Shel's POV

Ugh! Sinong walang hiyang nagbukas ng mga kurtina sa kwarto ko? Nasisilaw ako sa sinag ng araw!

"Ano ba yan?! Bat niyo binuksan?!" Naiinis kong sigaw tsaka nagtalukbong ng kumot, wala akong nakuhang sagot pero narinig ko ang yabag ng paa na papunta sa paahan ko.

Hindi ko na sana yon, papansinin ng bigla nalang akong napabalikwas dahil may kumuha nalang bigla bigla ng kumot ko.

Ah! It's so maaga pa kaya! Kainis eh! Ansakit pa ng mata ko!

Ginulo ko yung buhok ko at inis na tiningnan ang walang hiyang kumuha ng kumot ko at ang tukmol, may gana pa talagang ngumisi.

"Ano ba Gavin?! Ang aga aga mo nangiinis! Peste ka ah!" Bulyaw ko sakanya na ikinalaki ng mata niya.

"Aba Shelanie! Nagmumura ka na ngayon ah?! Tsaka bumangon ka na nga diyan! Maligo ka na! Ambaho baho mo na! Lagi ka nalang raw nagkukulong dito sa kwarto mo!"

"Teka nga, ano bang pake mo?!" Sigaw ko nanaman sakanya sabay tapon ng unan sa kanya.

"Anong pake ko?! Kung hindi kita dinalaw dito hindi mo siguro mapapansin na Chrsitmas break na no? At next year pa tayo babalik ng school!"

"Alam mo! Hindi mo ko mauuto kaya kung ako sayo, lumayas ka na!"

"Ano? Palalayasin moko? Gaya ng ginagawa mo sa kambal mo at mga katulong niyo for the past few days?" Sabi niya sa akin habang tinititigan ako ng mabuti.

Bigla naman akong natameme sa sinabi niya kaya napayuko nalang ako.

Kinuha ko nalang ang kumot ko na nahulog sa sahig at nagtalukbong ulit.

Ipinikit ko ang mata ko at pinakiramdaman si Gavin.

Narinig ko siyang napabuntong hininga tsaka naglakad papunta na sa pinto ng kwarto ko.

"Shels, hindi pwedeng palagi mo nalang ipagtatabuyan ang mga taong gusto kang pasayahin. Wag kang magmukmok palagi, isipin mo, maraming kaming nag-aalala sayo. Tss, mas malala ka pa sa kuya mong heart broken ah" mahinahon niyang sabi tsaka ko narinig ang pagsara ng pinto.

Hays, hindi naman na bago sa akin yung tungkol kay kuya. Alam ko naman kasi na may gusto siya kay Steph, eh.

Talaga bang pinagtatabuyan ko na sila? Pinagaalala ko na nga ba sila?

Napabuntong hininga ako at napagpasyahang matulog nalang ulit.

Sorry at wag kayong magalala, hindi aabot ng pasko, magiging okay rin ako..

---

Baste's POV

Ano ba yan! Ang O.A naman ni Shelanie!

Ilang araw ng walang ayos na pagkain tong babaeng to! Kinabog pa ako, eh!

Well, hindi naman sa nakamove on na ako, sadyang tinanggap ko nalang talaga na umalis na sya, pero, may pinagiisipan pa ako eh, pero secret nalang yun.

Bogsh!

Napatalon ako sa gulat dahil sa lakas ng pagsarada sa pinto ko, at agad kong nakita si Gavin na hindi maipinta ang mukha.

"Aba, hoy! May plano ka bang sirain tong pinto ko?! Walangya ka talaga lalaki ka!" Singhal ko sakanya pero bigla nalang siyang humiga sa kama ko sabay tapon sa akin ng unan.

Aba, feel at home talaga tong gonggong nato.

"Tss, pagsabihan mo nga yang kapatid mo Baste, hindi nakikinig sa akin, eh," reklamo niya sabay dapa at laro sa unan.

"Hah! Sinabi ko naman sayo, wag mo munang pansinin, hayaan mo na muna siya," tugon ko at bumangon sabay on ng laptop, makapanuod na nga lang muna ng movie sa Netflix.

"Ah, so hindi mo na papakainin yung kambal mo? Hahayaan mo na lang na magkaganyan yon?" Inis nyang sabi na hindi man lang ako tinitingnan.

"Hindi naman sa hindi ko na siya pakakainin, gago ka ba? Kailan ko ba pinabayaan ang kambal ko?" Gago tong lalaking to ah, naiinis na ako.

"Aba, so nagmumura na talaga kayong dalawa ngayon? Tsk," sabi niya at itinapon sa sahig yung mga maliliit na unan.

Hah! So minura siya ng kambal ko? Nice one twin!

"Ay kawawa ka naman, minura ka ng kambal ko? Wawa ka naman, uwi ka na," pangiinis ko pa.

"Tss," sikmal niya sakin.

"Eh teka nga, bakit ka ba talaga naiinis diyan? Dahil ba minura ka ng kambal ko o dahil hindi ka niya pinansin?" Tanong ko habang naghahanap ng magandang panonoorin, ano bang maganda? Series o hindi?

Sandali siyang natahimik kaya nilingon ko siya, at ang tukmol, natulala na sa bintana.

Kinuha ko yung mga jolen ko na nasa isang bowl na lagi kong pinaglalaruan tsaka sya binato.

"Aray! Anong problema mo Baste?! Sakit non, ah!"

"Eh, kasi naman! Natulala ka diyan?!"

"Eh kasi, iniisip ko ang rason kung bakit nga ba ako naiinis sa kanya" sabi niya ng pahina ng pahina.

Tamo tong gagong to, napakaemo talaga. Di naman pala alam kung bakit sya naiinis, tss.

Kumuha nalang ulit ako ng jolen tsaka ibinato sakanya, tiningnan naman niya ako ng masama tapos agad niya akong tinaasan ng middle finger.

Tss, pikon ang nakngputa.

Gavin's POV

L*tse naman oh! Naguguluhan ako! Kainis!

Ano ba naman kasi to eh! Naiinis ako pero di ko alam ang dahilan!

Eh kasi naman, bat di mo nalang aminin na naiinis ka kasi di ka pinansin ng taong mahal mo.

Psh, tangna nga naman, oh!

Oo, aaminin kooo! Mahal ko yung babaeng yun!

At aaminin ko ulit, mahal na mahal ko si Shelanie Eloise Zeline Alcantara.

Mahal ko siya at natotorpe akoooo! Natotorpe ako kasi natatakot akong mabusted. Natatakot ako na baka hindi niya ako gusto.

Paano ba naman kasi. Alam ko naman sa sarili kong wala akong pagasa sa kanya.

Pero iisipin ko pa lang na baka sa pagiging torpe ko ay maunahan ako ng iba, parang gusto ko yatang manakit ng tao eh. Yung tipong bubugbugin ko talaga hanggang sa mamatay na siya.

Ugh! Nag-aalala na talaga ako kay Shels eh. Pero alam ko namang kakayanin nita to, siya pa, eh ang tapang ng babaeng yun, eh.

Hm, eh kung umamin nalang kaya ako sakanya?

Edi umamin ka, nang sa ganon. Di ka na mangambang maagaw siya ng iba.

Maagaw agad? Aamin lang naman ako, eh.

Kasi naman, kung aamin ka may posibi-

"ARAAYYY! Masakeettt!" Peste talaga tong Basteng to! Kung di ko lang to magiging brother in law eh, nabugbog ko na to!

"HAHAHAHAHA ang seryoso mo! Di bagay sayo woy! HAHAHAH!" tawang tawang ang gago

"Ulol ka!"

"Alam ko iniisip mooo HAHAHA ayiie iniisip mo kambal ko no? HAHA!"

"Gago! Bat ko naman iisipin kambal mo? Pake ko dun?"

"Aysus pake pake, ulol ka, kunyari ka pa!"

Tss, baliw tong mokong na to.

Eh diba siya naman talaga iniisip mo?

Oo nga! Pero, ugh! Kainis naman eh!

Peste tooooooo! Nanggigigil akooo!

Baste's POV

Wala na nabaliw na si Gavin, pinagsasambunot na niya buhok niya.

Tatawag na ba ako ng psychologist? Tatawag na ba ako ng mental hospital?

Psh, ako nalang yata natitirang maayos ang pagiisip sa bahay nato. Hayss.

-------------

Special Section: Class 4-A | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon