Chapter 32

1.2K 47 4
                                    

Shel's POV

"Truth," pili ko nang matapatan uli ako ng bote.

Naglalaro pa rin kami hanggang ngayon ng truth or dare sa likurang bahagi ng bahay nila Drake. Tawanan lang kami ng tawanan 'pag dare yung pinili nila tapos seryoso na may kasamang pagpipigil ng tawa naman kapag truth.

"Ano ba yan, Prinsesa! Truth naman palagi pinipili mo eh!" Pansin sa akin ni Alex tapos siniko si Drake na agad namang tumango tango, tinawanan ko lang sila.

"Eh sa gusto kong truth lang? HAHAHA!"

"Oo nga, tsaka wala namang pilitan to, eh," tugon ni Jeth tsaka ako kinindatan, tinawanan ko nalang rin siya tsaka napailing.

"Sige na nga, eto Prinsesa. Sa bilog na to, sa mga lalaki na naka paligid sayo, kahit katiting lang, may nagustohan ka ba dito?" Tanong ni Alex na may pataas baba pa kunyari ng kilay niya. Langya talaga tong lalaking to! Mapapaamin ako neto bigla bigla eh!

Anong sasabihin ko? Okay, I'm speechless.

Tiningnan ko silang lahat at napasin kong lahat sila ay titig a titig sa akin at parang mga reporter na naghihintay sa napakaeksklusibo kong sagot. Napailing nalang ako, there's no point on lying.

"Oo," sagot ko. Nanlaki naman ang mata nila at animoy hindi alam ang sasabihin.

"T-talaga? Totoo, Prinsesa?" Usisa ni Calvin, ang classmate kong ubod ng kabaitan, eto lang yata yung nakakausap ko ng maayos sa room eh, sobrang tahimik at palaging libro yung hawak! Nagsmile ako sakanya tsaka tumango. Wala naman na silang ginawa at nagpatuloy na sa paglalaro. Ilang saglit pa ng tumapat kay Drake yung bote, napalunok naman siya sa di malamang dahilan at may kabang lumingon kay Kuya Zach, siya kasi ang magtatanong dito.

"Dare! Dare ako!" Sabi agad ni Drake kahit naman na di pa siya tinatanong ni Kuya Zach, nagkatinginan kaming lahat tsaka natawa, tense na tense eh, ano kayang iniisip neto. Napatingin ako kay Kuya Zach nang biglang nagseryoso si Drake, napahinto rin kami sa pagtawa namin.

"Okay, dare. I dare you to..." Pambibitin ni Kuya Zach, nakatingin lang siya kay Drake na ngayon ay parang humihingi na ng tulong kay Alex.

"I dare you... To prepare the lunch for us already kasi gutom na gutom na ako!" Natatawang tugon ni Kuya Zach tsaka biglang tumakbo papasok sa loon ng bahay nila Drake, sumigaw naman agad si Drake tsaka hinabol siya sa loob. Nagtawanan naman sila kaya nakitawa nalang rin ako.

Nagsitayuan na agad kami at pumasok na sa loob nang tinawag na kami ni Drake. Papasok na sana ako nang bigla akong akbayan ni Kuya Twin sabay may binulong.

"Ang manhid mo, Twin," bulong niya sakin sabay takbo papasok. Okay, what was that? Umiling nalang ako at isinawalang bahala yun tsaka pumasok, nakasabay ko sila Keith at Kurt na nakipagbiruan agad sa akin. Pagkaupo namin ay agad na kaming nagsimulang kumain, di namin napansin na alas 12 na pala, ayun tuloy, gutom na gutom sila, ay, ako rin pala.

Tawa ng tawa pa rin kami kahit na nasa hapag na kami, sa pasimuno lang naman ulit ni Drake, Alex at Kurt. Wala talagang oras na hindi kami tatawa dahil sa tatlong to, langya, nabulunan na't lahat lahat nakaya paring bumanat, jusko! HAHAHAHAHA!

---

"Oh, eto! Yan na yung regalo ko sa inyo ha? Christmas gift ko na yan!" saad ko sakanila tsaka isa isa kung ibinigay sa kanila yung brownies na gawa ko, natuwa naman agad sila. Nandito kasi kami ngayon sa sala na, nagpapahinga kasi kanina pa kami naglalaro eh, tsaka 4 na rin ng hapon, kailangan na naming umuwi.

"Wow, Prinsesa! Thank you dito! Mukhang masarap, ah!"

"Oo nga! Labas pa lang nakakaakit na! Hm!"

Special Section: Class 4-A | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon