Chapter 27

1.6K 70 12
                                    

Gavin's POV

Napabuntong hininga nalang ako habang iniisip si Loi.

Kumusta na kaya yong babaeng yon?

Tss, alam kong nagpapakahirap sa pagstusudy yung babaeng yon. Edi bahala siya! Magpakahirap siya!

Langya naman kasi! Nagalok na sana ako ng tulong eh! Bat ba kasi ako tinanggihan! Ansakit naman sa egooo!

Napasabunot nalang ako at agad na tumayo at nagshoot ulit ng bola.

Nandito kasi ako ngayon sa covered court ng Village namin, katabi ng playground. Nagbabasketball muna pampawala ng boredom.

Umikot ako at mabilis na drinible ang bola sabay shoot neto anddd, baskeeeettttt.

Nagtilian naman agad yung mga babaeng nasa tabi at kanina pa ako pinapanuod, kahit nga nakaupo ako ay nagkukuha pa sila ng picture, eh.

I'm so sorry girls, but I'm taken.

Hindi ko nalang sila pinansin at nagpatuloy nalang sa paglalaro nang mapahinto ako dahil may bigla akong naalala..

Nung oras na nakita ko si Loi kasama si Stephanie sa school activity nila. Nung inimbitahan ako ni Baste na manuod ng play nila Loi, tapos yung role ni Loi ay book worm habang si Steph naman ay happy go lucky. Nakita ko pa nga ang mukha ni Steph non eh. Parang labag na labag sa kalooban niya yung role niya.

HAHAHA, eh, kasi naman! Parang pinagpalit lang ng personality sila Loi at Steph!

Hays, asan na kaya si Steph ngayon? Ilang weeks na rin, di lang ata weeks eh. Ewan ko ba, wala naman akong pake sa oras eh..

Nakakamiss rin pala yung babaeng yon kahit papaano.

Kahit na hindi naman kami masyadong close, naninibago ako na hindi siya nakikita sa paningin ko.

Nakakapanibago na hindi makitang kasama siya ni Shelanie.

Hays, well, ano pa nga bang magagawa ko..

Naglaro pa ako dun ng ilang minuto bago ko napagpasyahang umuwi nalang.

Naligo ulit ako at nagtambay nalang ulit sa kwarto ko.

Maglaro na lang kaya ako ng Xbox? Mabuti pa nga.

Sa kalagitnaan ng paglalaro ko hindi lo na namalayan ang oras na magte-twelve na pala nang bigla nalang may kumatok sa pinto.

"Gavin, iho? Nagluto na ako ng pananghalian mo. Bumaba ka na rito at kumain muna," sabi ng nasa labas ng pintuan, si nana siguro.

"Opo nana, bababa na po ako maya maya," sagot ko naman kaya natigil na ang pagkatok at narinig ko nalang ang mga yabag papaalis.

Tinapos ko na yung last game ko tapos agad na bumaba dahil kumakalam na rin yung tiyan ko, eh.

Nagmadali akong kumain para makabalik na agad sa kwarto ko upang matulog nalang.

Langhiya naman kasi. Ganto nalang lagi routine ko pag Sabado, amboring kasi. Kung di ako matutulog, maglalaro lang ako buong maghapon tas kakain.

Pagbalik ko sa kwarto ko, agad akong pasalampak na humiga at nagpaikot ikot.

Boring talaga, amputaaa.

At di ko alam na sa kakaikot ko sa higaan, nakatulog na pala ako..

Nagising ako ng may marinig akong kakaibang ingay.

Gumulong ako sa higaan at nagtalukbong nga kumot at naglagay ng unan sa tenga ko pero wala paring epekto. Ang lakas ng sound!

Sinong ba tong walangyang basta basta nalang papasok sa kwarto ko ha?! Tangnang yan, kitang natutulog yung tao,eh.

Special Section: Class 4-A | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon