Shel's POV
*Knock *knock *knock
"Oy may tao! Buksan niyo!" Sigaw ni Alex habang busy kakalaro ng ML.
Tiningnan ko isa-isa ang mga kasama ko sa kwarto na busy sa kani-kanilang nga ginagawa habang ako ay nakaupong kumakain lang ng grapes sa hospital bed.
SILENCE..
"Hoy, ano ba!" Inis pa ulit na sigaw ni Alex.
SILENCE..
*Knock *knock *knock
"Hoy ano ba! Wala bang magbubukas ng pinto?!" Sigaw naman ni kuya Jiro na nasa loob ata ng CR.
Muntanga ko lang silang tinignan ulit habang inaabangan kung may gagalaw ba sakanila para pagbuksan yung pinto.
"Oyy! Mga kingina niyo! Buksan niyo na nga yung pinto ang ingay ingay eh! May natutulog!" Inis na sigaw ni Kuya Baste habang umayos ng higa sa mahabang sofa at katabi si Gavin. Parehong tulog, eh.
Kumuha ako ulit ng grapes at mabagal itong nilunok, muntanga paring nakatingin sa kanila.
Wala naman 'atang may balak na magbukas ng pinto. Tingnan natin ngayon.
"Ano ba naman kayo?! Wala ba tala--" naputol sa pagsigaw si Kuya Ryan at napatingin sa gawi ko nang marinig ang ingay na ginawa ng kama dahil sa pagbaba ko.
"Ako na, busy kayong lahat, eh." Tugon ko na kunyaring nanghihina at akmang tuluyan ng tatayo at maglalakad nang gumalaw silang lahat at halos magkandadulas-dulas na nagtakbuhan sa pinto para lang mabuksan, pati si Kuya Jiro na nasa CR ay napalabas agad at nilapitan ako.
"Ano ba, prinsesa?! Magpahinga ka nga. Baka mapano ka pa!" Reklamo niya sa akin habang naglalagay ng alcohol tsaka ako inalalayan ulit paupo ng maayos sa kama.
Ang o-O.A! Sobrang ayos ko na nga eh! Ikaw ba naman kain-tulog lang ginawa ng tatlong araw? Haynaku!
"Eh, kasi naman, wala yatang maybalak na magbukas ng pinto eh. Lahat kayo ay may ginagawa! Pagbukas na lang sana ng pinto, magtuturuan pa at magsisigawan," mahinahon kong tugon tapos tinapunan sila ng maaangas na tingin.
Nagsiiwas nalang sila at nagsilapitan sa hospital bed ko kasama ang doktor na siguro ay ang kanina pa kumakatok.
"Good afternoon, Miss Buenaventura." Nakangiting bati ni Doc Max.
"Good after rin po. Uhm doc, call me Shelanie nalang po, ang pormal niyo po masyado, eh," nakangiti ko ring pagbati sa kanya at umayos ng upo sa kama.
"Hm, okay, if that's what you want. Anyways, I came here to say that, pwede ka ng madischarge. You can go home later." Sabi niya tsaka lumapit at chineck ang laman ng dextrose at kung ano ano pa doon.
"Talaga po, Doc? I can go home na?" Nakangiti kong tanong.
Yesss! Makakauwi na akoooo!
"Yes, Shelanie. Then after that, you can just rest at your house. Pahinga ka lang." Sabi niya sa akin at ngumiti ulit showing his perfect white teeth and dimples.
"Thank you, Doc!" Sabi ko tsaka nginitian lang rin siya at nagbow as a sign of respect.
Nagtinginan lang kami ni Doc Max habang nakangiti sa isa't isa ng may tumikhim.
"Ehem! Uhm, is that all you wanna say, Doc?" Walang emosyong tanong ni Gavin kay Doc Max. Napailing nalang ako at nagpigil ng tawa.
Nagseselos na naman ang mokong, pfft.
BINABASA MO ANG
Special Section: Class 4-A | ✔
Teen FictionMagbest friends na sila Shelanie at Stephanie simula pa noong first year high school sila. They were happy and contented kahit dalawa lang sila. Not until magtransfer sila sa isang school at mapunta sa isang section na puno ng kalalakihan. Betrayal...