Chapter 36

935 45 3
                                    

Baste's POV

"Yeah, at please, siguraduhin niyong mahihirapan silang maghanap ng bagong mapapasukan--"

"--Good."

"--Okay, bye."

Naglalakad ako ngayon papunta sa room ni Shelanie dito sa hospital upang tingnan kung ano na ang kalagayan niya at mabantayan na rin siya.

Kahapon ng maisugod agad namin siya dito sa hospital at malamang ayos ang kalagayan niya, I immediately called Mom and Dad, kaya kahit nasa office pa sila, nagleave na agad sila for the day and sila ang nag-alaga kay Twin kagabi, letting us all have a rest and a good night sleep.

And now, it's already 2 in the afternoon. Supposedly, ako ang magbabantay kay Twin kanina pang umaga ng umuwi na sila Mom para magready na sa trabaho but, instead, I called Gavin and the rest para sila muna ang pabantayin kasi may lakad ako, at pumayag naman agad sila dahil mas gugustuhin raw nilang bantayan ang kanilang prinsesa kesa pumasok sa klase.

Nagmadali na ako sa paglalakad para makapunta na ako sa room 707 which is Shelanie's room nga.

Pagdating ko mismo sa labas, hindi na ako nagaksaya ng panahon at pumasok na agad.

Pagkapasok ko, nakita ko naman silang lahat na nakapalibot sa hospital bed at sumisigaw ng kung ano-ano. Inatake agad ako ng kaba tsaka patakbong lumapit sa kanila at agad na hinawi ang kumpol nila, only to found out that naglalaro pala si Shels ng PSP at busy ang iba kakacheer sa kanya.

Napahinto sila lahat sa biglaang pagdating ko kaya pati si Shels ay napa-angat ng tingin sa akin.

"Oy, kuya, you're there na pala," sabi niya tsaka binalik sa PSP ang atensyon at nagpatuloy sa paglalaro.

Nakahinga ako ng maluwag at agad siyang niyakap ng napakahigpit.

"Hey, kuya, 'di na ako makahinga!" Reklamo ni Twin habang mahina akong tinutulak kaya bumitaw na agad ako at hinarap sila Jiro.

"Kailang lang siya nagkamalay?" Tanong ko sa kanila.

"Kanina lang mga 11, nanonood lang kami ng Jumanji The Next Level nang bigla nalang siyang bumangon at nakinood. And don't you worry, sabi ng doktor, Shelanie's fine already, kailang ng kaunting pahinga and pwede ng lumabas," sagot naman ni Jiro habang may gestures pa.

"Sila Mom at Dad?"

"Uh-huh. Alam na rin nila Tito na gising na siya, pagkatapos naming makipagusap sa doktor, agad namin silang tinawagan para sa magandang balita," si Zach naman ang sumagot nun.

Napatango tango naman ako at sinulyapan ulit si Twin na busy na ulit kakalaro habang katabi si Gavin sa kama, tsh, nagtabi pa talaga sila at ang mokong, nakaakbay pa sa kambal ko.

Napatingin naman sa 'kin bigla si Kurt na nasa kabilang gilid ko lang nang mapansin ang kakaibang titig ko kela Gavin, kaya ang mokong, binigyan ako ng mapanuksong tinginn sabay akbay pa sa akin.

"Hayaan mo na ang loko, dumadamoves yan. Alam mo na, mga galawang Buenaventura HAHAHA!" Pahina niyang tugon sa akin sabay tawa ng malakas kaya napatingin lahat sa amin.

Tumatawa pa rin si Kurt habang winawagayway ang mga kamay niya sa harap niya na parang nagsasabing 'wag niyo nalang kami pansinin.

Napangisi nalang ako sa paraan ng pagtawa niya tsaka napailing at umupo na sa pang-isahang sofa.

Nagpatuloy sa paglalaro sila Twin habang ako naman ay nagpakabusy sa pangsta-stalk kay Steph sa IG account niya at sa Twitter.

"Kuya twin."

Special Section: Class 4-A | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon