Chapter 26

1.5K 58 14
                                    

3rd Person's POV

Ilang linggo na ang nakalipas simula nong magising si Shelanie ay naging abala na siya sa kakastudy ng ibang lessons nila na wala siyang masyadong naintindihan.

"Ano ba naman to! Pano ba tooo?!" Sigaw ni Shelanie sabay sabunot sa buhok niya at yuko sa table.

Steepphhhh! I badly need you! Ugh!

Sabado ngayon at nagkukulong si Shelanie sa kwarto niya habang kaharap lahat ng mga librong kailangan pa niyang basahin.

Napabuntong hininga si Shels sabay waksi ng naisip niya at seryosong bumalik sa pagbasa ulit, nang ilang saglit lang ay biglang may kumatok sa pinto.

"Miss?" Tawag ng kung sino man ang nasa labas mg pinto.

"Yes po?" Napapakamot ulo na sabi ni Shels sabay pasulyap sulyap sa librong binabasa.

"May mail po na pinadala sa inyo."

"Ah talaga po? Pasok po kayo," pagkasabi niya ay unti unti namang bumukas ang pinto at pumasok ang isa sa mga kasambahay nila

"Eto na po," saad neto habang binibigay ang isang kulay cream na sobre na may nakalagay na 'To: Shelanie Alcantara'

Kanino kaya to galing? Isip isip ni Shelanie.

Nagpasalamat naman ang dalaga sa katulong at agad na nahiga sa kama para basahin ang liham.

Pagkabuklat na pagkabuklat pa lang neto, bumungad ang pagkataas taas na liham para sakanya.

Ano ba to, ang taas naman! Pero teka, bakit ba ako kinakabahan? Ano ba naman to? Wew.

Bumuntong hininga muna siya ng napakalalim tsaka nagsimulang magbasa..

-------

Dear Shelanie,

Hi Shels! Kumusta ka na? (Kapal ko no? Nangungumusta ako kahit alam kong ako ang dahilan kung bakit nagkaganyan ka :×) I miss you! I miss you so much na! We've been best friends for over 4 years, I guess? And sad to say that I think hanggang dito nalang to.. Because of my wrong doings, 'cause of my insecurities...

Shels, sorry sa lahat ng ginawa ko. I'm so sorry. I know that hindi mo alam ang lahat ng ginawa kong katarantaduhan sayo. So lemme say it to you through this letter (Even though I honestly don't know where to start)..

Remember nung nagka-issue ka sa school? Yung about sa tarpaulin na may picture niyo ni Gavin? (Chap. 9) Galit na galit si Gavin non right, kesyo sino daw ang naglagay non don? Tapos ikaw naman, agad kang nanghina non, akala ko nga mahihinatay ka na eh, because that was MY plan (But I'm stupidly wrong :>) Nakayanan mo. Antatag mo for that. And you read it right. It was MY doing. Wondering san ko nakuha yun?

Hm, kasi naman nung gabing yun may itatanong kasi sana ako sayo tungkol sa lesson natin na medyo naguluhan ako. So ayun, nagpunta ako sa bahay niyo and your yaya told me that you're in your room. And pagdating ko don, naging hobby ko ng hindi kumatok sa door mo, so, I opened it immediately and I was shock to see you and Gavin on the same bed, and hugging each other under the same sheet! And automatically, I didn't know why I did it, but, I hurriedly took a picture and leave without you knowing that I visited. So yeah, it was my doing, my fault. And I'm sorry. Really.

Maybe now your thinking why in the hell did I do that? Because to tell you a secret. Na love at first sight ako kay Gavin. Yeah, I loved him. And I hated it how close the two of you are!

Mababaw na rason? Well, hindi lang naman yan eh. As days passed by, tumataas ang insecurities ko sayo.

I'm asking myself, bakit? Bakit masclose si Shelanie sa mga classmates ko kesa sakin? Bakit siya lagi una nakakakuha ng attention ng ibang tao? Bakit siya lagi ang apple of the eye ng iba? At bakit siya ang unang nakaagaw ng pansin ni Gavin, why not me, diba?

Special Section: Class 4-A | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon