Chapter 6

3.1K 123 0
                                    

Shel's POV

"Kailan tayo nag-elect ng class officers?" Tanong ko kay Kuya Jiro, napapunta kasi agad ako sakanya pagkarinig ko sa mga pinagsasabi ng mga classmates namin este pinagsasabi nila. Oo nila, kasi kasali si Kuya Jiro sa sumigaw kanina. And now, back to their kanya-kanyang business na sila.

"Wala, kasi hindi at wala naman tayo nag-elect ng class officers. Nakasanayan nalang namin since grade 7 na si Gavin lagi ang president. Kaya kahit hindi na mag elect ng class officers, nandiyan naman si Gavin automatic. Well, okay lang rin naman sakanya na siya, eh," sabi ni kuya Jiro at tumingin sa bintana sa labas at nagcell phone habang nangiti ngiti pa.

Aba! di ko napansin yung phone niya kanina ah! Akala ko tumitingin tingin lang siya sa labas. At ano daw? Automatic na si Gavin? Well, okay rin kaya na presidente to? Baka naman sa lahat ng class officers dito sa Harvard. Tsk dito pa nga lang sa classroom mapang asar na, pano pa kaya sa labas na ng classroom diba? I think Gavin is the pinaka makulit na officer.

"Kuya? Si Gavin ba? Is he a mabuting officer?" Tanong ko sakanya napatingin naman agad sakin si Kuya Jiro ng nakangiti.

"Ha? Ah, si Gavin ba? Oo naman! Baby Gavin namin yan eh! Mabuting officer kaya yan! Kaya nga siya yung napilian namin na maging president namin eh. Tsaka hindi kaya namin siya pipiliin kung hindi siya mabuting pinuno. Aba! Gusto rin namin ng mabuting pinuno no! Hindi porke puro kami lalaki dito eh kung sino sino nalang samin kukunin namin!" Sabi ni kuya Jiro sabay tingin uli sa cell phone niya, sabay type at ngiti nanamn sabay tingin sa labas ng bintana at mas lumawak pa ang ngiti. Okay? Ang weird ni Kuya Jiro, ah.

Hala! Hindi kaya may nililigawan si Kuya Jiro kaya ngiti ng ngiti to? Lumapit ako kay Kuya ng hindi niya ako napapansin at marahang sumilip sa cellphone niya habang siya naman eh nakatingin sa labas. Hindi niya ako napapansin kasi nasa bandang likod niya ako eh, at nakaupo kasi siya sa bintana, di naman as in sa bintana talaga may glass naman, ah basta hihi, I can't explain it!

Nang malapit na malapit na ako kay kuya, eh, sinilip ko yung phone niya na naka-on at nasa messenger.

Soon to be mine

: Nasa labas ako ng room namin..

Jiro: Yup, nakatingin ako sayo ngayon.

: Yiieee nakikita kita!

Jiro: Ang ganda mo talaga.

"'Nong ginagawa mo?"

"Waahhh!" Napasigaw ako ng biglang may magsalita sa likod ko, napalingon agad ako dun at sa di inaasahan eh nagulat si Kuya Jiro kaya nahulog siya sa bintana at natulak niya ako kaya napa-forward ako sa kung sinong tao ang biglang nagsalita kanina at na out of balance ako kaya napakapit ako dun sa tao at napasigaw ulit ako ng mas malakas ng na out of balance rin yung nakapitan ko at di ko na alam ang sumunod dahil napapikit na ako.

Bogsh!

Booogssshhhh!

"Araayyyy," may narinig akong biglang dumaing kaya napamulat ako ng mata ko, at pagmulat ko eh isang pares ng itim na itim na mata ang bumungad sa akin, itim na matang parang hinihigop ka at sinasabihang wag na wag kang iiwas na tingin. Matang nang iimbita.

Loading...

"SHELANIE ELOISE ZELINE ALCANTARA!"

Special Section: Class 4-A | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon