Chapter 35

1K 41 11
                                    

Shel's POV

"Okay class! Change to your PE uniform then proceed to the gymnasium!" Sabi agad ng PE teacher namin na kakapasok lang. Kahit na nalito pa kami dahil Tuesday pa lang naman ngayon at hindi pa namin PE day, nagsisunuran nalang kami.

Nagbihis na agad kami at nagpunta na ng sabay sabay sa gymnasium pagkatapos.

Pagkarating namin ron, mas naguluhan pa kami ng makitang maraming estudyante ang naroon at kanya kanyang may ginagawa.

Nagsimula na nila kaming mapansin at agad ng nagsisigawan ang mga taga-hanga nila Kuya. Hindi naman nila ito pinansin at pinalibutan ako. Tipong inilagay nila ako sa gitna nilang lahat para maprotektahan.

Nagpunta na kami sa part ng Gymnasium kung saan kami nakaassign na maupo at naghintay sa announcement.

Napalingon ako sa katabi naming section ng mapansin kong parang may nakatitig sa akin, only to find out that nandoon pala ang section nila Allysa, Name at Trexie which is ang Class 4-B.

Masama silang nakatingin sa akin at nang mapatingin ako sakanila ay agad nila akong sabay na inirapan, napatawa naman ako sa inakto nila at napailing nalang sa huli.

At dahil sa inakto ko, napatingin sa akin si Gavin na katabi ko at tiningnan ako habang nakakunot ang noo. Nagsmile lang ako sakanya at inilingan siya.

Nang mapansin kong nakatingin ulit sa gawi ko yung tatlo, pasimple akong sumandal sa braso ni Gavin at hinawakan ang kamay niya. Sinulyapan ko ulit yung tatlo at nakita ko ang inis sa kanilang mga mukha na kahit anong minuto ngayon ay sasabog na sa inggit at kokomprontahin na ako, napangisi nalang ako.

At sa pangalawang pagkakataon, tiningnan ako ni Gavin ng nagtatanong na tingin kaya nagsmile nalang ulit ako sakanya. Nanliit pa ang mga mata niya pero kalaunan ay umiling iling rin itong ngumiti at hinalikan ang buhok ko.

"Good morning students! Today, we're going to have a PE day! All class 4 are participating and all of us are going to play. No exemption!" Panimula nung head ng PE department namin, si Sir Manansala.

"We're all playing sports today! Boys, will play Basketball! On the other hand, girls will be playing Volleyball! Who ever wins, and who ever lose, kami ng bahala mga PE teachers to rate you, it's either by group or individual. Your rate will be your grade also. So let's waste no time!

First, Class 4-A boys, proceed to the court and play against the Class 4-B boys!" Anunsyo ni Sir. Nagsigawan ulit ang fanclub ng Class 4-A pero sila ay agad naman na nagkatinginan at nababahalang tumingin sa akin, napatawa nalang ako.

"HAHAHA, ano ba kayo! Okay lang ako dito, wala namang kakain sa akin ng buhay dito eh. Go na kayo! Chupi!" Pantataboy ko sakanila pero 'di nawala ang pagkabahala sa mga tingin nila.

"Pero prinsesa, maiiwan ka magisa dito," tugon ni Alex na tinanguan ni Drake. Ngumiti lang ako sakanila at umiling.

"Wag kayong mag-alala, kaya ko ang sarili ko. Tsaka yung hindi pa maglalaro sa inyo at sa bleachers pa muna mauupo, pwede namang tumingin tingin sa akin diba? Promise, di ako aalis dito. Kaya chupi na! Nagiintay na ang Class 4-B oh! Ipanalo niyo ah! Goodluck!" Pagtataboy ko pa at binigyan sila ng thumbs up. Wala naman na silang nagawa at ginulo muna nila isa isa ang buhok ko at bumaba na sa court.

Napalingon ako sa katabing section habang inaayos ang buhok kong parang binagyuhan at nakita ko ang nga girls nila na ubod ng sama ang tingin sa akin. Karamihan kasi sa kanila ay fans nung mga boys sa section ko.

Binalewala ko nalang ang mga ito at nagfocus na sa laro. Tinutoo naman nila ang sinabi ko at yung hindi pa nakapaglalaro na nasa bench muna nakaupo, palaging tumitingin tingin sa gawi ko at balik tingin sa laro. Paulit ulit lang.

Special Section: Class 4-A | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon