Pagkatapos ng pagbisita namin sa Mansyon ng mga Amante, ilang taon rin na hindi ako nakabalik noon. Kahit na gumawa ng Resort sina Mama sa Initao, hindi nila ako naisama dahil pinaaral na nila ako sa Cagayan De Oro.Nung nag 11 years old ako, Grade 6 ako noon. Maraming nan ligaw saakin ngunit wala akong sinagot kahit na isa sa kanila. Pina natili ko ang pagiging top student ko.
Grumaduate ako na Valedictorian habang ang Bestfrend ko namang si Hannah ay with Honors lang.
Nang summer ay napagpasyahan nina mommy na mag bakasyon kami sa Initao kasama si Hannah ngunit hindi naraw kami sa Casa makikitira, kesyo may resort naman kami doon.
"Hays, Ang Ganda talaga ng Resort nyo Jelly! Nakaka relax!" Ani ni Hannah ng maka rating kami roon. She spread her arms as if the wind is embracing her. Pumikit pa sya habang nilalanghap ang sariwang hangin.
Grade 4 ako nung natapos ang resort. Agad naman itong naging patok sa Masa kaya maraming mga turista ang pumupunta rito. Kahit na may ka-mahalan, sulit naman sa mga tanawin.
"Oo nga, haynako, i wonder if Kalil hates me?" I asked, Out of the blue moon.
"Oh?! Kalil nanaman! Naku! Matanda na yun! Elang taong nga sya nung nag 8 ka? 18? 19?" Tanong nya.
"He's 16 that time Hannah" pagtatama ko. " hindi naman sya masyadong matanda.
"Eww. Kahit na! Kadiri kaya pag pumatol sa matanda duhh! Atsaka 8 years yung gap nyo. So it means, 19 na sya ngayon. Crush mo pa ba sya?" Tanong nya.
"Ewan, hindi ko rin naman sya nakikita eh" ani ko. We sounded like adult women whose talking about their lovelife. Ew.
"Diba, taga rito yun?" Tanong nya.
Huminga ako ng malalim at nag simulang mag lakad at namulot ng mga maliliit na kabibi.
"Oo pero nasa maynila daw sya sabi ni mama" sabi ko.
"Oh? Baka may girlfriend na yun?" Ani nya at tinulungan narin akong mamulot ng sea shells.
I am very amzed because of the beauty of initao. Hindi ako magsasawang magpunta rito. Sana naman ay mas madiskubre pa ang ganda nito.
"Ewan" yan nalang ang nasabi ko.
Kung may girlfriend man sya, siguro ay masasaktan ako. Pero crush ko lang naman sya eh.
Umupo ako sa buhangin at tumingin sa mga nag je-jetskieng mag jowa. Ang swerte naman nila e.
"Jelianne!" Napatingin ako sa tumawag sa likod ko.
Nanlaki ang mata ko at napatayo agad, nagulat si Hannah kay napatayo rin sya dahil sa ginawa ko.
"Nicolas!" Sabi ko sabay kaway sa kanya. May kasama syang babae. Makinis, Maputi at singkit. Ngumiti rin ang babae saakin.
Papunta sila sa deriksyon ko.
"Kamusta ka na? Tagal nating d nagkita ah! Dalaga ka na!" Ani ni Nicolas. Napangiti naman ako ng sinabi nyang 'Dalaga' feel ko, malaki ang pinagbago ko.
"Oo e, hehe" sabi ko at nahihiyang ngumiti. Tumingin ako sa likuran nila at nag babakasakaling naroon si kalil ngunit wala akong nakita.
"Girlfriend ko pala, si Alison" pakilala nya.
"Hi! Nice to meet you!" Ani ni Alison at nag kahad ng kamay. Tinangap ko ito at ngumiti sa kanya at binati sya pabalik.
"Sino yung kasama mo?" Nguso nya sa likuran ko. Napakunot naman ang noo ko at nilingon ko ang likuran ko.
Oo nga pala! Lumayo tuloy si Hannah.
"Hannah! " tawag ko. Lumingon naman sya at lumapit.
"Oh?" Bungad nya.
"Eto si Nico, at si Alison, girlfriend nya" naglahad naman sila ng kamay.
"Uh, Hi! Im Hannah!" Masiglang bati nya.
Oh? Kala ko napano. May pa layo layo pang nalalaman!
Natuwa naman sila sa confidence ni Hannah.
"Nasan yung Crush mo jelly?" Tanong ni Hannah. Nanlaki naman ang mata ko.
"Crush? May Crush ka na Jelianne?" Gulat na tanong ni Nico. Napakamot naman ako sa ulo ko at inirapan si Hannah. Tumingin naman sya saakin ng paenosente.
Che!
"Uh-hehe uy! Tawag na kami ni mommy. Hehe cge bye!" Sabi ko at hinila si Hannah at kumaripas ng takbo papasok sa hotel.
"Ano ka ba! Kapatid nya yung crush ko kaya wag kang magkamaling magtanong sa harap nya!" Nag peace sign naman sya saakin.
Pinahid ko ang pawis na nasa noo ko.
Whoah! Muntik na ako dun ah!
Tumalikod ako. Nanlaki ang mata ko nang makita si Kalil kasama si Papa.
"Uyy! Napano ka?" Hannah snapped me.
Maraming nag bago sa kanya.Mas nag mature yung features nya kumpara noon. He's body is now Bulky. Hes so hot! Gosh!
Nagtawanan sila ni Daddy. Nanlaki ang mga mata ko nang napagtanto ko'ng dadaan sila saamin. Tumalikod ako. Tatakbo na sana ako ng biglang mapatingin si Dad saakin.
"Jelianne! Baby! There you are! " napapikit ako ng mariin at pumihit pa harap sa kanila. Pumunta sila sa amin.
"D-dad!" Ani ko.
"Do you remember kalil? Yung anak ng tita Camille mo?" Tanong nya. Ngumiti naman ako at tumango.
"Of course dad! Who would forget a Kaizer Eliot?" Sabi ko sabay tango. Nilingon ko si Hannah na ngayuy titig na titig kay Kalil. Umirap ako sakanya at bumaling kay kalil.
Napalunok ako ng laway ng nakitang nakatitig ito saakin.
His dark eyes, red lips and strong features made my knees tremble.
Nakaka intimidate. Na contious tuluy ako sa mukha ko. I saw him smirk when he realized that i was staring at him.
Napalunok ako at napaiwas ng tingin.
"Oh great! Did you saw Nico?" Tanong ni daddy.
"Y-yeah. They are in the seashore." Sabi ko.
"Wait! They?" Tanong nya.
"Yeah, together with his Girl Alison" tumango naman si daddy at umalis na sila.
Saka ko lang napag tanto na kanina pa pala ako nagpipigil huminga. Bumalimg ako kay Hannah.
"Jelly! Di mo naman sinabing Bata pa! Ang gwapo!" Tili nya kaya nabatukan ko. Napanguso naman sya.
"Sinabi ko sayo, iniisip mo lang talaga na gurang sya! Gaga!" Sabi ko sabay irap. Nag peace sign naman sya.
Sabi ni daddy na dito daw mag che-check in sina kalil kaya simula nun ay nag kulong nalang ako sa kwarto ko. Nahihiya ako'ng lumabas. Feeling ko, alam nyang crush ko sya. Although, he's Scary, he's still gorgeous at all.
"Ano bayan! Ang boring naman kung mag kukulong lang tayo dito buong tatlong araw! Duhh! Bakasyon yung pinunta natin dito! Hindi sila!" Reklamo ni Hannah.
"Bakit? Kasalanan ko bang ayaw mong gumala mag isa? Duh! First of all, pinag surf kita pero ayaw mo. Oh edi ngayon, naka tunganga ka na!" Sabi ko. Inirapan nya lang ako. Aba! Ako pa talaga yung inirapan nya ha?
Pero napaisip ako, bakit sya nandito? Sabi ni mama, nasa maynila sya diba? May Girlfriend na kaya sya? Baka sila pa nung kasama nya sa Casa nila?