Nang makarating kami ay nag martsa ako papasok sa bahay dahil sa sobrang pikon.
Pano ba naman? Nahihiya na ako kay kalil, lagi akong binabara ni Kuya Julio kaya panay irap nalang ako. Tapos nakikidagdag pa si Kalil. Tawa lang sya ng tawa.
"Hey lil sis, where are you going? We're not done yet." Mapang asar na tanong ni kuya. Hindi ko sya nilingun at dumeretso na ako sa kwarto ko at padabog na sinara ang pinto.
"Bwesit! Bwesit talaga! Kala mo sinong astig, hindi naman! Haler! Matanda na kaya sya! Napaka isip bata parin! Gago!" Maktol lang ako nang maktol. Nabigla ako nang may biglang kumalabog sa pintuan.
"HOY! SINONG KAAWAY MO DYAN?!" Balak nya ba talaga akong ipahiya kay Kalil?!
Lumapit ako sa pintuan at sinipa iyon dahilan ng pagkalabog nito.
"Wala! Wag kang chismoso! Nakakainis ka!" Sigaw ko pabalik sa kanya.
Narinig ko ang Malakas na halakhak ni kuya Julio mula sa labas ng pintuan at ang yabag ng kaniyang paa na palayo nang palyo. Napairap nalang ako at umupo sa kama.
Kinabukasan, maaga ako nagising upang maligo at makapaghanda sa unang klase.
Nang pumunta ako sa kusina ay naabutan ko si Kalil na nagkakape with his Macbook on the bar table.
Bumilis ang tibok ng puso ko nang maabutan ko sya doon. Parang ayaw ko nalang bigla sa kanya kasi kinakabahan ako tuwing makikita siya.
Nang mapadaan ako sa likuran niya ay hindi ko na mapigilang mapasilip sa ginagawa nya.
He's working for a power point. For a proposal, I guess?
Kumuha ako ng gatas sa fridge at baso Saka uminom. Inilapag ko ang baso sa lababo at humarap sakanya.
"K-kumain ka na ba ng Almusal?" Pinilit ko'ng hindi mautal ngunit bigo ako. Tumikhim ako upang maibsan ang kaba na nararamdaman.
Uminom muna siya ng kape bago bumaling saakin.
"Not yet, are you hungry?" Tanong nya.
He's wearing a white V-neck-shirt and pajama. Bakat sa kanyang shirt ang kanyang hubog ng katawan.
He's Collarbone is also Visible because of his V-neck shirt.
Napalunok ako habang pinasadahan ng tingin ang kaniyang katawan.
Napakurap ako nang bigla syang nagsalita bago tumango.
"U-uh tatawagin ko lang si Manang Senet" tukoy ko sa Mayordoma ng Bahay.
Uminom muna sya ng kape bago tumayo.
"No need to call her. Ill just cook for you" ani nito at nag handa na para sa agahan.
Wala akong ibang magawa kundi umupo at titigan sya.
Habang nag luluto ay sinulyapan nya ako ng tingin bago ulit bumaling sa ginagawa.
"You sure, youre gonna wear that?" He said in a Low tone.
Napatingin ako sa sout ko na off shoulder at Fadded tatterd jeans.
"U-uh, yeah. Why?" Takang tanong ko.
"Are you really going to school or to date some baby boys somewhere in the park?" Bigla akong nabilaukan sa sarili ko'ng laway dahil sa sinabi nya.
Napakurap ako ng ilang beses bago tumikhim.
"No'ng sinasabi mo? Syempre, sa school. Tsaka wala naman akong date no. Kahit isa, wala" i defended.