Chapter 12

2 0 0
                                    

Maaga ako'ng nagising umaga ng lunes. Hindi ko alam pero ginanahan ako'ng pumasok lalo na't Nagawa ko'ng mag isa ang assignement ko na walang tulong ni Kalil!

Hindi naman sa ayaw ko'ng tulungan ako ni kalil pero nakakaproud lang isipin na pinaghirapan ko'ng gawin lahat ng kaylangang gawin.

Naglalakad ako sa Corridor ng school habang ngiting ngiti na chinecheck ang assignment na nagawa.

Napailing nalang ako sa sarili  at bumaling sa Dinadaanan.

"Alam mo ba amanda, Nakita ko nanaman si Kalil na may kahalikan? Ang sabi pa nga'y Girlfriend nya raw iyon!" Saktong napadaan ako sa Locker  room ay napahinto ako dahil sa narinig.

Nanaman?

"Talaga? Kelan? Saan? Sino nanaman yang babaeng yan?" Si Amanda.

"Oo! Kahapon lang! Sa isang Resto Malapit sa Condo'ng Tinutuluyan ng ate ko! Charis daw--" umiling nalang ako at nagpatuloy sa pag lalakad.Napanguso ako at yumukong nag lakad.

Kung papakinggan ko pa sila, masasaktan lang ako. Tama na yung narinig ko. Ayaw ko'ng tanungin si Kalil dito dahil alam ko'ng masasaktan lang ako. Kantento na ako kung ano ang meron kami.

Kahit na nakababatang kapatid lang yung tingin nya saakin, Kontento na ako.

Napahawak ako sa noo ko nang may biglang nabangga. Buti at hindi ko nabitawan ang assignments ko! Kung hindi.. nakuuu!

"Sorry miss" ani ng baritong boses. Napatingin ako sa lalakingnabunggo.

Akward ako'ng ngumiti.

"Ayos lang, pasensya na rin" sabi ko at nilagpasan sya. Ngunit napahinto ako nang bigla syang nagsalita ngunit hindi ko siya nilingon.

"It's Okay, Miss. Bacalso" ani ng lalake. Narinig ko ang mga yabag ng kanyang paa na paalis.

Umikot ako para matanaw sya.

Hindi sya Pamilyar sakin. Hindi sya naka suot ng uniform at hindi ko pa siya nakikita noon.

Bakit nya ako kilala?

Naka tanaw lang ako sa kanyang likod habang siyay paalis at tuluyan nang nawala sa pangingin ko. Kahit wala na sya roon ay nakatitig lang ako sa dinaanan ng lalake.

Napailing ako at bumuntong hininga.

Tumulak na ako papuntang Classroom.

 
"Before we start the lesson, do you guys familiar with king arthur?" Tanung ng teacher namin.

Tumango naman ang mga kaklase ko.

"Yes ma'am! According to the movies, king Arthur is A great, Legendary King!" Napatingin ako kay jeter ng magsalita sya. Hindi ko mapigilang humagikhik at ngumiti.

Adik.

"Ahh, Yes Mr. Ruiz, King Arthur is A Legendary King." Our Prof chuckled. " King Arthur was a legendary Britishleader who, according to medieval histories and romances, led the defence of Britain against Saxon invaders in the late 5th and early 6th centuries." Patuloy nya.

"Psst!" Napalingon ako kay Jeter na nakakunot ang noo.

"Bilib ka na saakin?" Ani nya sabay taas baba ng kilay.

"Adik! Lahat naman ng tao, alam na legendary si King Arthur. " iling ko.

Napasimangot naman sya at napamguso.

"Edi hindi ka Bumilib sakin?" Si Jeter.

Inirapan ko lang sya ng pabiro. Tumawa naman sya.

Bumaling ako sa English prof namin at nakinig nalang. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jun 03, 2019 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Madly Inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon