Chapter 3

2 1 0
                                    

Kinagabihan, lumabas kami ni hannah dahil ang sabi ni Mommy ay nandito na daw yung mommy ni Hannah kaya sabay na kaming mag dinner.

Buti nalang at wala sina kalil dahil may Family dinner daw sila sa bahay nila.

Ang engot no? Mag che check in dito tapos may family dinner pala sakanila? Tsk.

"Anong plano nyong gawin bukas?" Tanong ni tita Jasmin.

"Mag lilibot lang po kami ni Jelly bukas mommy" sabi ni hannah.

Tumango ang ina nito at bumaling kay mommy at daddy.

"Kelan pa to mababayaran Julio?" Napakunot ang noo ko sa tanong ni tita Jasmin.

Mababayaran? May utang ba kami?

"Hindi ngayon babayaran. Sabi ni Juaquin. He said that we should pay After 10 years. Kesyo may pag gagamitan daw sya sa mga taong iyan" tugon ni Daddy. Tinignan ko sila na ngayuy parehong seryoso ang expresyon.

"Jelly, inaantok na ako, samahan moko sa kwarto ko" sabi ni Hannah kaya napabalimg ako sa kanya. Tinanguna ko sya.

"Matutulog na po kami" sabi ko. Bago pa man kami umalis ay tinignan ko silang tatlo ni mommy na napaka seryoso ng mukha.

I just smell something. May utang ba kami? Anong babayaran? Sino si Juaquin?

Nang nakarating kami ni hannah sa kwarto nya ay agad naman siyang nakatulog. Habang ako, nandito sa viranda sa kwarto nya.

Mula rito, kitang kita ko ang maliwanag at bilog na buwan. Napayakap ako sa sarili ko ng maramdaman ang lamig ng simoy ng hangin.

Napaka ganda ng pinagpwestuhan ni Papa dito. Hindi ko nga alam na may ganito palang lugar. Na may ganito pala ka gandang lugar dito sa mindanao.

Ilang sandali pa nang napagpasyahan ko'ng pumunta sa tabing dagat.

Alas Onse na ng Gabi kaya konti nalang ang naliligo. Nag na-night swimming.

Napalingon ako sa likod ko ng may biglang tumikhim. His peircing eyes met mine,his Dark Features become smooth.

"Hi! May i join you?" Tanong niya.

"U-uh sure!" Alinlangang sagot ko.

Naupo naman sya sa gilid ko.

"Why are you still awake?" Mahinang tanong nya.

Nabigla ako ng bigla nya akong kina usap. I mean, he's Ignoring me most of the time.

"U-uh I c-cant sleep" sabi ko sabay iwas ng tingin. Naiintimidate ako sa tingin nya. D ko yata sya kayang titigan ng matagal.

"Uhuh, Did you know that it is dangerous for you to come out this late? You're just 11 and you cant protect yourself from a rapist or a kidnapper" nanguso ako sa sinabi nya.

It was a big slap for me. Parang nabuhusan ako ng tubig ng sinabi nyang 11 lang ako. Parang ngayon palang, nag lalagay na sya ng gap sa pagitan namin.

Yes! He's my Crush. And hes 19 while i am just 11. Poor little jelianne.

"Yeah, but i can at least shout for a help, right?" I chuckled to lighten up tha atmosphere.

"Yeah" napatingin ako sa kanya ng bila syang tumawa ng mahina. "Youre so cute, and adorable" dagdag pa nya. Nginitian ko lang sya ng malumanay.

" akala ko may family dinner kayo?" Bigla kong tanong.

" Yeah. Cause my grandmother came from new york so, we prepared a little gathering for her" napatango ako sakanya.

So, his Grandmother is here huh? I wonder what she looks like? I never seen his Grandparents.

"Ahh" napatango nalang ako.

"Youve grown a lot, you're much prettier  now than last time. " ani nya. Napatingin ako sa kanya, ngumiti lang sya sakin. "I gotta go, you should also, good night!" Sabi nya at tumalikod na.

Napatunganga pa ako doon ilang minuto ng hindi pa naproseso ang mga sinabi nya saakin.

"Youve grown a lot, you're much prettier now than last time. "

Nang natauhan ako ay pumunta na ako sa kwarto ko.

Humiga lang ako doon. Pa palipalit ng posisyon. Hindi ako makatulog dahil sa mga sinabi niya.

Hindi ma proseso ng utak ko.

Ilang sandali pa ay nakatulog na rin ako.

Kinabukasan, inabala namin ni hannah ang aming atensyon sa pag libot libot at pag subok sa nga rides.

"Jelly! Habulin mo ko!" Ani nya at pina harurot ang jetski hinabol ko naman sya.

"Hannah! Balik na tayo!" Sabi ko pero binelatan nya lang ako.

Lumiko sya pabalik sa seashore ngunit mabilis ang takbo nya. lumiko rin ako at hinabol siya nang nahagip sa paningin ko si Kalil kasama ang isang pamilyar na babae.

"Jelly! Watch ou-" hindi ko na narinig yung sinigaw nya nang sumalpok yung jetski ko sa kanya at nabagok yung ulo ko sa gilid ng jetski.

Parehas kaming tumilapon sa dagat. Hindi ko maramdaman ang sakit ng ulo ko. Dilat pa yung mata ko habang lumulubog sa tubig.

Sinubukan ko'ng lumangoy papunta kay Hannah. Nang nakita ko sya ay lumalangoy na sya patungo sakin.

"Jelly! Jelly! Okey ka lang?!" Natarantang tanong nya. Hinila nya ako pabalik sa baybay. Nang hanggang bewang na namin ang tubig ay tinulungan nya akong makatayo ngunit na hilo ako bigla. Muntik na akong matumba kaya tinulungan nya akong makabalanse.

Naramdaman ko ang pag hapdi ng ulo ko kaya hinimas ko ito.

"May masakit ba sayo? Anong na--" napasinghap si Hannah at nanlaki ang mata habang nakatingin sa ulo ko.

Namutla sya bigla na para bang naka kita ng multo.

"J-jelly, b-bat may dugo?! D-dugo! Dumudugo yung ulo mo!" Napasigaw sya sa pagka taranta.

Inalis ko ang kamay ko sa pagkakahawak sa ulo ko at tinignan ito. Nanginig ang kamay ko nang nakita ko'ng may dugo ito.

Nanghina ako, wala ako masyadong marinig. Napasandal ako kay Hannah dahil sa panghihina. Inalalayan nya ako. Pumikit ako at pinakiramdaman ang sarili.

Ilang sandali pa ay naramdaman kong may mainit na bisig na bumuhat saakin kaya napamulat ako ng mata.

Si Kalil.

Galit sya. Galit na galit ang Mukha nya. Seryoso syang nakatingin sa daan at binilisan ang lakad pabalik sa resort.

Ilang saglit pa ay unti unti ko nang narinig ang paligid.

"Oh my gosh!" What happened to our daughter?" Rinig kong ni mommy sa kanya.

"Oh my gosh! Oh my gosh! Call the doctors!"sigaw ni hannah na halatang nag papanic.

Habang nagpapanic sila mommy. May mga naki usyoso naman pero pinaalis ito no hannah dahil baka himatayin ako lalo pag maraming nag react.

Nakatitig lang ako kay kalil na hindi ma intindihan ang expresyon.

Napatingin sya saakin at matalim akong tinignan.

"What do you think are you doing! Fuck!" He hissed. Nabigla ako nang bigla syang nag mura.

"S-sorry" yan lang ang nasabi ko bago kami makarating sa clinic.

Madly Inlove with youTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon