MSM - 18

7.2K 114 124
                                        

Keira's POV:

"Congratulations, you're 2 months pregnant"

What?!

Buntis ako?!

"Seryoso?" hindi ako makapaniwalang tanong sa kausap ko.

"Yes, you're pregnant" sagot nya sa akin.

"Doc naman! Hinawakan mo lang ang pulsuhan ko then sasabihin mo sa akin na buntis ako? Imposible!" bulyaw ko sa kanya.

"Relax! bawal sa buntis ang stress, Ms. Alvarez" sita ni Dra. Calamba.

-[a/n: Totoo pong may OB na Calamba ang last name, nakita ko lang sa isang hospital hekhek. Hihiramin ko po muna ang pangalan mo, Dra. Calamba]-

"Stress talaga! Kaloka, sakit mo sa bangs ha, Dra. Calamba" hindi ko na natiis na pagtaasan sya ng kilay. Naloloka na ako sa kausap ko.

"Okay!" sabi nya at bumuntong hininga muna sya bago nya binuksan ang isang drawer nya sa gilid ng mesa nya.

"Take this, gamitin mo nalang ang banyo ko rito sa loob ng room na 'to" sabi nya sa akin bago nya binigay ang isang PT.

Yes!

Pregnancy Test!

"I'm sure na hindi ako buntis" lakas loob kong sabi sa kanya.

"Talaga? So? Bakit nasa harapan kita ngayon, Ms. Alvarez?" tanong ni Dra. Calamba sa akin habang naka ngiting aso.

Hinahamon nya yata talaga ako!

"Kasi ano, kasi-----"

"Kasi, buntis ka. Kasi may nararamdaman kang kakaiba sa sarili at katawan mo kaya nandito ka sa harapan ko ngayon dahil baka buntis ka. Tama?" bwelta nya sa akin, kita mo ang isang 'to hindi ako pinatapos sa sasabihin ko.

"Don't worry! I understand. Go, gamitin mo na para maniwala kanang buntis ka talaga and if ever hindi ka parin maniniwala pwede ka mag ultrasound" pagtataboy nya sa akin.

"Fine" sukong sabi ko nalang sa kanya.
Tama naman sya eh!
Pero huwag muna sana, ano nalang ang gagawin ko. Hindi naman sa ayaw ko pero talagang kinakabahan lang ako dahil baka pag nalaman 'to ni Chairman paniguradong iiwan nya ako....kami ng anak namin.

******

POSITIVE!

Buntis nga ako!

Lumilipad ang isip ko habang palabas na ako ng hospital.

God!

Buntis nga ako, limang PT ang nagamit ko galing kay Dra. Calamba dahil baka may sira lang yung unang PT na nagamit ko pero yun parin positive.

Limang PT, limang positive!

Bahala na!

Sumakay na ako ng taxi papunta sa kompanya ni Chairman.

Hindi nag tagal nakarating ako na kinakabahan na para bang sasabog ang puso ko sa kaba.

Panindigan mo 'to Keira, pinasok mo 'to kaya kayanin mo kahit ano man ang mangyari at kailangan to malaman ni Chairman kahit anong mangyari, panindigan ka man o hindi.
Paninindigan ka nya, diba? Mahal na mahal ka nya? Sana nga.

Hindi nag tagal nakarating na ako sa kompanya ni Chairman at bumaba na ako sa taxi.

"Good morning, Ma'am" bati ng mga guard sa akin at tumango lang ako.

Habang papasok ako sobrang kabado na ako na para bang sasabog na ang puso ko.

Nakapasok na ako sa loob at patungo na ako sa loob ng opisina ni Chairman.

"You came, akala ko hindi ka makakapasok" seryosong bungad ni Chairman sa akin.

"I'm sorry, may pinuntahan lang" sabi ko sa kanya.

Sasabihin ko na ba? O mamaya nalang muna?

"Saan naman?" takang tanong nya sa akin.

"Somewhere down the road, do you want coffee?" tanong ko sa kanya.

"No" simpleng sagot nya sa akin at binalikan na nya ang laptop nya.

Sobrang busy naman ni baby love ko.

Umupo muna ako sa couch at bumuntong hininga.

"May sasabihin ka ba?" tanong nya sa akin pero nasa ginagawa nya parin ang atensyon nya.

"Wala" maikling sagot ko sa kanya at hindi na nya ako inimikan pa.

Parang hindi ko yata kaya.

"Chairman, paano kung tama ka nga?" kinakabahan kong tanong sa kanya.

"Tama ako? Tama sa ano?" takang tanong nya pabalik sa akin.

"Na naka 3pts ka" paligoy-ligoy kong sagot sa kanya.

"Hindi ako naglalaro ng basketball" sabi nya sa akin at tinignan ako na para bang alien ako.

"I mean na binigyan mo ako ng souvenir" sabi ko sa kanya at nag iwas ako ng tingin sa malalagkit nyang titig sa akin.

"Straight to the point, Ms. Alvarez" seryosong sabi nya sa akin.

Fine!

Tumayo ako at naglakad papalapit sa kanya.

"What if, what if buntis nga ako?" tanong ko sa kanya at napanganga sya habang nakatitig sa akin.

Hindi sya umimik.

"Anong gagawin natin? What if nga na buntis ako?" dagdag kong tanong sa kanya pero ang gago hindi naka imik at naka nganga lang.

"Hoy! Dwight!" bulyaw ko sa kanya sabay palo sa mesa nya para matauhan ang gago.

"What? No, I mean what the fuck!" shock nyang sambit sa akin at ginulo nya ang buhok nya.

See? Keira, parang hindi nya gusto ang idea na 'yan kaya huwag mo nalang muna sabihin.

"Nevermind, napaisip lang ako. Don't stress yourself. Lalabas muna ako" sabi ko nalang at naglakad na patalikod sa kanya.

"Wait. Saan ka na naman pupunta?" tanong nya sa akin.

"Gutom ako, kakain muna ako sa labas" sagot ko sa kanya at tumayo sya bigla.

"Sasamahan kita" sabi nya sa akin.

"Huwag na, madali lang naman at babalik agad ako rito. Gawin at unahin mo muna ang ginagawa mo" pigil ko sa kanyang balak.

Sa ngayon, kailangan kong makapag-isa dahil kailangan kong mag isip kung ano ang gagawin ko sa buhay at sa batang dinadala ko ngayon.

"Sigurado ka?" takang tanong nya sa akin at tumango lang ako.

Sa paglabas ko sa kwartong ito ay ang syang pagpatak ng mga luha ko na kanina ko pa pinipigilan.

Sobrang sakit pala, ganitong senaryo palang pero ang sakit sakit na. Paano nalang kaya pag nalaman nyang buntis ako at aayawan nya talaga ako. Paano nalang kaya? Kakayanin ko ba?
Shit!

Sobrang sakit!

Hindi ko yata kaya!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Oct 11, 2018 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My Seductress MistressTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon