Keira's POV:
Tapos na kaming kumain, nandito parin kami sa Heaven's Restaurant pero papunta na kami sa Garden nila rito. Yes, may malaking Garden dito at may iba't ibang klase ng bulaklak at makukulay ang mga ito, iyon ang sabi ni Chairman sa akin.
"Ano bang gagawin natin doon?" takang tanong ko sa kanya.
Hawak nya ang kamay ko habang naglalakad kaming dalawa papunta sa Heaven's Garden.
"Sssshhhh! Wag na maraming tanong. Makikita mo parin naman tss" sagot nya sa akin.
Nasa may pinto na kami.
"Ikaw na ang mag bukas" utos ni Chairman sa akin.
Bweset!
Hindi talaga sya gentleman.
Sumunod nalang ako sa utos nya, busog pa ako kaya wala pa ako sa mood sa bangayan session namin.
Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at bumungad agad sa akin ang isang magandang view.
Tama nga si Dwight, may iba't ibang bulaklak at makukulay ang mga ito. Pero nagulat ako dahil may rose petals sa may pinto papunta sa isang mesa, nag iisang mesa lang ang naroroon sa gitna ng magandang garden. Napalibutan din ito ng rose petals na mukhang hugis puso.
"Ano to?" tamang tanong ko sa kanya.
"Valentine's Date" sagot nya sa akin at ngumiti.
Hindi mo nga pala makikita ang view sa labas dahil hindi glass ang ginamit nila, yung pinto rin hindi glass. Ano kayang trip ng may-ari nito? Dapat yung glass ang pinagawa nila para makita ang magandang view sa labas kahit nasa loob ka rito.
"Seryoso?" tanong ko sa kanya.
Pinitik nya ang noo ko.
"Ouch!" angal ko sa ginawa nya.
"Let's go" sabi nya sa akin at hinawakan nya ang kamay ko.
Naglakad kaming dalawa, sinusundan namin ang rose petals papunta sa mesa sa gitna ng garden.
"Ang sweet mo pala hahaha" natatawang sabi ko sa kanya.
"Only for you" simpleng sabi nya sa akin.
Inalalayan nya akong upo sa upuan tas pumunta sya sa pwesto nya. May kinuha sya sa upuan nya, isang bouquet of roses.
"Wow, blue roses?" manghang tanong ko sa kanya.
Favorite color ko kasi ang blue.
"Yeah. You like it?" tanong nya sa akin.
"No! I love it" masayang sabi ko sa kanya.Kinuha ko ang cellphone ko, nag selfie ako habang hawak ko ang bulaklak na bigay ni Dwight.
"Beautiful" komento ni Chairman habang nakatingin sa akin.
"Thank you" masayang sabi ko sa kanya.
"Always welcome" sabi nya sa akin.
Umupo na sya sa pwesto nya.
"Teka, kakain ulit tayo?" takang tanong ko sa kanya.
"Yeah, if you want to eat again" sagot nya sa akin.
"I'm full" ngiwing sabi ko sa kanya.
"Ang takaw mo kasi, oh sige mag dessert nalang tayo. You want wine again?" tanong nya sa akin.
"Hoy! Hindi ako matakaw, sadyang gutom lang ako" inis na sabi ko sa kanya at tumawa lang ang gago.
"Okay wine nalang with dessert" dagdag na sabi ko sa kanya.

BINABASA MO ANG
My Seductress Mistress
Algemene fictieKeira, stunningly gorgeous, voluptuous and hot as fvcking hell. Ganyan ang inilalarawan ng mga kalalakihan na nagkakandarapa sa kanya. Dwight, really know how to please a lover. He's good in bed, he love to fuck and hot as fuck. Dwight is a fucker...