Blaire's POV:
I'm Blaire Jasmine Tan-Roosevelt, yes I'm already married. Married with convenience sa isang multi-billionaire na si Chairman Roosevelt.
I really do love him pero he doesn't love me back.
Pero ayos lang yun sa akin as long as he is mine. Pero minsan nasasaktan na ako sa pakikitungo nya sa akin, nasa isang bubong nga kami pero parang display lang ako sa mansion namin. Ni pag tingin sa akin ay di nya kayang gawin na para bang makasalan ang tignan ako, sobrang nasasaktan na ako pero di ako susuko makukuha ko din sya at darating ang araw na matutunan nya din akong mahalin.
Nasa kusena ako ngayon nag hahanda para sa almusal namin, ewan ko lang kung sasabay sya sa akin dahil palagi nya naman akong tinatanggihan.
Nilapag ko na ang mga luto ko.
"Pupunta ka na ba sa kompanya? Kain ka muna, handa na din ang coffee mo" sabi ko sa kanya pagkapasok nya sa kusena pero di sya nakatingin sa akin.
"I can't. Sa office na ako mag cocoffee" tanggi nya na naman sa akin. Uminom lang sya ng isang basong tubig at lumabas na sya sa kusena.
"Okay, sige ingat ka" sigaw ko sa kanya para marinig nya ko pero wala akong nakuhang response mula sa kanya.
Ganito lage ang routine namin. Nakakainis minsan pero pinipigilan ko lang ang sarili ko dahil ayokong bigyan sya ng dahilan para iwan ako at makipag-divorce sa akin. Kaya nag titiis nalang ako sa pakikitungo nya sa akin kahit sobrang nahihirapan na ako.
"Ma'am ayos ka lang ba?" nag-alalang tanong ni inday, kasambahay namin.
"Oo" sabi ko nalang sa kanya.
"Hindi halata ma'am, kita mo oh puno na nga ang baso mo di mo parin tinitigilan" sabi nya sa akin kaya napatingin ako sa baso ko.
Parang ang dating sa akin nung sinabi nya ay parang double meaning.
"Gosh! Hindi ko namalayan" tarantang sabi ko.
Umapaw na kasi ang tubig sa baso.
"Ako na po ma'am" sabi ni inday sa akin at tumango lang ako sa kanya.
Naiiyak na ako pero pinipigilan ko lang.
"Sige inday pupunta muna ako sa kwarto ko, ikaw na ang bahala sa mga yan" sabi ko sa kanya.
"Itatapon ko ba ma'am? Sayang yung grasya" tanong nya sa akin.
"Kainin nyo nalang" sabi ko sa kanya at iniwan ko sya sa kusena.
Umalis na agad ako at tumungo sa kwarto ko, yes may sarili akong kwarto. Mag kaiba ang kwarto namin, habang papalapit na ako sa kwarto ko napatulo ang luha ko, di ko na kasi napigilan.
Ang sakit, sobra!
Yung feeling na mahal na mahal mo sya, yung binigay mo na ang lahat sa kanya at yung ginawa mo na ang lahat para mapansin ka nya pero wala paring amor yun sa kanya. Baliwala lang ang lahat, para ka lang hangin sa kanya. Sobrang sakit iyon sa pakiramdam, ang hirap mag mahal sa taong di ka mahal at di ka kayang mahalin na kahit tignan ka lang nya ay di nya magawa.
Di ko na talaga alam ang gagawin ko pero di ako susuko, nakuha ko na sya-----ang pangalan nga lang nya. Pero kakayanin kong kunin ang katawan at puso nya, mapapasaakin sya kahit anong mangyari.
Hindi ako susuko!
Tumunog ang cellphone ko kaya natigil ang pagdadrama ko. Kinuha ko ang cellphone ko at tinignan ko kung sino ang caller ko.
Ysa Calling.....
"Hello Jasmine, where are you?" bungad nya agad sa akin pagkasagot ko sa tawag nya.
"Nasa bahay lang ako, as always. Bakit?" tanong ko sa kanya.
"Let's go out, bored na bored na din ako dito sa bahay" aya nya sa akin.
"Saan naman?" tanong ko sa kanya.
"Mall? Bar? Anywhere basta wag lang sa bahay. Kotang kota na ako sa pagmumukha nila dito" sabi nya sa akin.
Baliw talaga ang isang to!
"Pag iisipan ko" sabi ko sa kanya.
"Aba! Pag iisipan? Bakit? Anong gagawin mo dyan sa inyo? Tutunganga, para ka ngang di nag eexist dyan sa inyo. Kung yang si Chairman ang inaalala mo, wag mo na syang aalahanin pa kasi wala naman syang pakialam sayo" prangkang sabi nya sa akin.
Ouch! Bull's eye.
"Grabe ka naman Ysa, ang sakit mong mag salita" sabi ko sa kanya.
"Masakit talaga ang katotohanan Jas, ewan ko ba sayo sobra kang tanga kasi alam mo namang wala talaga pinpilit mo parin yang sarili mo sa lalaking yan! Matagal na kitang sinabihan na walang magandang mangyayari yang kabaliwan mo sa kanya!" sermon nya sa akin.
Ito na naman sya!
"Mahal ko sya Ysa, mahal na mahal ko sya. Alam mo naman yun, diba?" naiiyak na sabi ko sa kanya.
"Nandoon na nga ako na mahal mo sya pero ang tanong mahal ka ba nya? Kaya ka ba nyang mahalin? Hindi diba? Pinakasalan ka lang nya dahil sa lecheng business proposal na yan at yung proposal na yun ay idea mo! Sobra mong gaga sarap mong batukan, alam mo ba yun ah!" gigil na sermon nya sa akin.
Ysabella Dy is my best friend pero kahit best friend ko sya sobrang tutol nya sa kabaliwan ko kay Chairman.
"Basta mahal mo ang isang tao handa kang gawin ang lahat, handa kang mag pakabaliw alang-alang sa iyong nararamdaman. Mahal ko sya Ysa, alam na alam mo yan" sabi ko sa kanya.
"Hindi pagmamahal yan Jas, katangahan yan at obsession. Obsessed ka sa kanya, nachachallenge ka sa kanya dahil sya lang ang gustong-gusto mo na hindi mo nakuha!" inis nyang sabi sa akin.
Tama sya, kung ano gugustohin ko nakukuha ko maliban nga lang sa kanya-------kay Chairman. Yes, nakuha ko nga sya pero hindi ang puso nya kundi ang pangalan nya lang at kasal lang kami sa papel.
"Wala eh, nagawa ko na kaya paninindigan ko tong pinasokan ko. Kaya ko pa, matitiis ko pa Ysa. Handa akong mag hintay mahalin nya lang ako" naiyak kong sabi sa kanya.
"Ewan ko sayo kung katabi lang kita ngayon, kinurot na kita sa singit mo. Wag na nga tayong mag drama, nakakainis lang. Sige na, pupuntahan kita dyan. Lalabas tayo sa ayaw at sa gusto mo" sabi nya sa akin.
"Fine, you win" sukong sabi sa kanya.
"Yeah right. Wag kang umiyak dyan, sayang lang luha mo. Kahit isang baldeng luha pa ang ilabas mo di ka nya mamahalin Jas" paalala nya sa akin.
"Ang sakit mo talagang mag salita! Alam ko naman eh, di mo na kailangan isampal sa akin ang katotohanan dahil alam ko na yan! Puntahan mo na lang ako dito, bye" sabi ko sa kanya sabay patay sa tawag namin.
Nakakainis lang kasi!
Alam ko naman eh, di na nya kailangan pang-ipaalala sa akin.
Pero kahit anong mangyari, hindi ako susuko. Mamahalin nya din ako, mag hihintay ako kahit ilang taon pa yan basta't para sa kanya gagawin ko ang lahat wag lang ang iwan sya dahil di ko kayang gawin yun, ikamamatay ko!
"Mahal na mahal kita, sana'y dumating ang araw na mamahalin mo din ako" bulong ko sa sarili ko sabay pahid sa mga luha ko.
_____________________________________
Sa wakas lumabas na sa lungga ang asawa ni Chairman.
Drop your opinion sa chapter nato para mabasa ko naman ang nasa isip nyo.

BINABASA MO ANG
My Seductress Mistress
Ficción GeneralKeira, stunningly gorgeous, voluptuous and hot as fvcking hell. Ganyan ang inilalarawan ng mga kalalakihan na nagkakandarapa sa kanya. Dwight, really know how to please a lover. He's good in bed, he love to fuck and hot as fuck. Dwight is a fucker...