Blaire's POV:
Dahil sa nangyari sa amin kanina ni Dwight. Na isipan kong mag Bar ngayon, habang nag bibihis ako nag lalaro sa isipan ko ang nangyari kanina at higit sa lahat ang mga salitang binitiwan nya kanina. Sobrang sakit, ano bang kulang sa akin? Bakit hindi nya ako kayang mahalin?
Hinawakan ko ang vase na nasa harapan ko at tinapon ko ito!
"Aaaahhhh!! Ang sakit sakit na!" malakas na sigaw ko.
Hindi ko na alam kung ano pa ang gagawin ko para lang mahalin ako ni Dwight!
Binaba ko na ang sarili ko para lang mapansin nya ako, nag hubad na nga ako sa harapan nya pero tinanggihan nya parin ang pag ka babae ko.
Nag red sexy dress ako, backless ito at above the knee. Nag lipstick na rin ako, kulay pula para tuloy nag ce-celebrate ako ng Valentine's Day ah shit Valentine's Day nga pala ngayon akala ko Burol's Day.
Ibuburol ang puso kong sawi!
First time kung pupunta sa Bar. Kakayanin ko kaya? Hindi rin ako mahilig uminom kaya medyo nag da-dalawang isip akong lumabas ngayon pero uggghhh kailangan kong maibsan tong nararamdaman ko kahit ngayon lang dahil sobrang sakit na talaga nitong nararamdaman ko ngayon.
******
Pumasok na ako sa Sawi's Club. Pati ba naman tong club na 'to pinaalala sa akin na isa ako sa mga sawi.
Naglakad ako papunta sa bar station nila. Malakas ang music nila, buhay na buhay ang mga tao rito sa loob hindi kagaya ko na buhay nga pero patay na patay naman ang puso ko.
"Bourbon on the rocks" rinig kong sabi ng isang lalaki na nasa tabi ko lang sa bartender.
Tinignan ko sya. Hindi ko makita mukha nya dahil side view ang peg nya tsaka medyo madilim din.
"Uhmm. Margarita" sabi ko rin sa isang bartender din.
Margarita lang kasi ang alam ko.
Hindi nag tagal binigyan na nya ang order ko pero hindi ko pa iniinom dahil nag iisip pa ako kung ano ang gagawin ko kay Dwight.
Bahala na.
Sa ngayon susubukan ko muna ang mga ganito.
Wala rin naman syang pakialam sa akin kaya hindi sya mag-alala pag wala pa ako sa bahay namin.
Habang gulong gulo ang isip ko hindi ko namamalayan na umiinom na pala ako hanggang sa naparami na ang inom ko at nag he-head bang na rin ako. Sumasabay ako sa tugtog, ganito pala ka sarap ang buhay dito sa loob ng bar.
Bakit hindi ko 'to sinubukan noon. Noong malaya pa ako.
Malaya ka naman talaga ah. Hindi ka nga pinapansin ni Dwight, para ka lang bulaklak sa bahay nyo, isang decor lang ang isang Blaire Jasmine sa bahay ni Dwight William.
"Tumahimik ka!" inis na sita ko sa konsensya ko.
"Miss? Ako ba ang pinapatahimik mo?" biglang singit ng isang lalaking boses sa pananahimik ko kaya napatingin ako at yung lalaki na katabi ko pala ang nag salita.
"Ah? Hindi, I'm sorry. Ano kasi...ano ah, nevermind" tangang sabi ko sa kanya.
Hahahaha! Iisipin nyang baliw ka Bj.
"Okay. Are you alone?" tanong nya sa akin.
"Yes. Bakit? May nakikita ka bang kasama ko na hindi ko nakikita?" tanong ko sa kanya at tumawa sya.
"Wala naman. Silly" sabi nya sa akin at napatingin sya sa inumin ko.
"Ubos na pala yung sayo. Order pa tayo?" tanong nya sa akin at tinaas nya ang hawak nya kaya napatingin ako.
BINABASA MO ANG
My Seductress Mistress
General FictionKeira, stunningly gorgeous, voluptuous and hot as fvcking hell. Ganyan ang inilalarawan ng mga kalalakihan na nagkakandarapa sa kanya. Dwight, really know how to please a lover. He's good in bed, he love to fuck and hot as fuck. Dwight is a fucker...