Keira's POV:
Pumasok kami sa isang mala palasyong restaurant kasi sobrang laki nito at sobrang ganda. Simple but with the touch of elegance, ang ganda talaga.
"Wait" awat ko kay Dwight kaya napahinto sya.
Hawak nya kasi ang kamay ko.
"What?" tanong nya sa akin.
"Wait muna" sabi ko nalang at kinuha ko agad ang iphone6+ ko.
"Selfie muna ako" sabi ko sa kanya at nag selfie agad.
"Give me your cellphone. Ako ang kukuha" sabi nya sa akin kaya binigay ko naman ang cellphone ko.
Panay pose ako at panay click naman sya.
"Tayo naman" aya ko sa kanya.
"What? No way" sagot nya sa akin.
Ang OA naman nito, wala yata sa bundok nya ang salitang selfie kaya hindi uso ang selfie sa kanya tss.
"Dali na, isang pic lang" pangungulit ko sa kanya.
"Tsss! Fine" sabi nya.
Tinawag nya ang guard at pinakiusapan nya itong kunan kami ng litrato at pumayag naman sya. Tumabi agad si Chairman sa akin pag ka bigay nya sa cellphone ko kay Manong Guard.
Hinawakan nya ang baywang ko. Nag click agad si Manong at tinignan ko agad ang kuha nya.
"Ay ano ba yan! Sa akin ka tumingin. Dapat sa camera Chairman" inis na sabi ko.
"Ulit Manong" sabi ko kay Manong Guard at tumango ito.
Pero hindi ko binura ang unang picture na kinuha ni Manong at bumalik ako sa tabi ni Dwight tsaka ko sya binantaan pag hindi sya titingin sa camera hindi ko na sya papansin ng isang buwan. Inakbayan nya ako at tumingin ako sa camera na nakangiti. Hindi ko alam kung sumunod si Chairman hanggang sa nag click na si Manong Guard.
Binigay ni Manong Guard sa akin ang cellphone at nagpasalamat ako sa kanya. Hindi parin kami umaalis tatlo parang naghihintay din si Manong sa magiging reaksyon ko dahil baka uulitin na naman. Namalayan ko nalang na gumalaw si Chairman na para bang may kinukuha sya.
"Here. Your tip" rinig kong sabi ni Dwight kaya napatingin ako sa kanya.
Inabot nya ang tatlong libo kay Manong Guard pero hindi ito tinanggap ng huli.
"Ah? Nako Sir. Wag na po. Maliit na bagay lang ho iyon" sabi ni Manong Guard kay Dwight at napapailing pa ito.
Naks.
Ang bait naman ni Manong Guard.
"Just take it" inis na sabi ni Dwight sa kanya.
Tumitingin lang ako sa kanilang dalawa.
Manong naman, kunin mo na. Matatagalan na naman kami, gutom pa naman ako ughhhh!
"Hindi po talaga Sir, ayos lang ho talaga" sabi ulit ni Manong Guard.
"Kukunin mo o mawawalan ka ng trabaho?" inis na tanong ni Dwight.
"Ho?" hindi makapaniwalang tanong ni Manong kaya siniko ko si Chairman.
"Choose" seryosong sabi ni Dwight.
Hindi parin nya binababa ang kamay nya na may hawak na pera.
"Kukunin ko po" napipilitang sagot ni Manong Guard.
Kinuha nya ang pera kay Dwight na nanginginig ang kamay nito. Kinakabahan na yata si Manong dahil sa inasta ni Dwight.
"Salamat po Sir" papasalamat ni Manong at tumango lang si Dwight.
BINABASA MO ANG
My Seductress Mistress
General FictionKeira, stunningly gorgeous, voluptuous and hot as fvcking hell. Ganyan ang inilalarawan ng mga kalalakihan na nagkakandarapa sa kanya. Dwight, really know how to please a lover. He's good in bed, he love to fuck and hot as fuck. Dwight is a fucker...