Blangko 6

12 1 0
                                    


× × × ×

Kung iiwan mo sya
Wag ka ng bumalik

Kung iiwan mo sya
At nakita mo na syang masaya
Wag ka ng bumalik
Wag mo ng balikan

Hindi mo lang alam kung paano at anong naranasan nyang hirap para kalimutan ka

Hindi mo alam kung ilang balde ng luha ang nasayang sa iyong pagkawala

Kaya ngayon, okay na sya
Ngumiti na sya
Wala ng halong lungkot ang mga mata nya sa twing tatawa sya

Wag mo ng balikan
Dahil baka pag bumalik ka
Panigurado iiwan mo na naman sya
At mahihirapan na naman syang ibalik ang sarili nya
Mahihirapan na naman syang mabuo ang winasak mong puso

Kaya please. Wag mo na akong balikan, Okay na ako.

NASANAY NA AKO NA WALA KA

TulalaNiMadamdaminWhere stories live. Discover now