"Sadness"

14 0 0
                                    

Nilalamon ng kalungkutan
Niyayakap ng takot
Nilulunod sa daloy ng mga luha
Naghihinagpis sa mga problema
Ninanais makalaya
Sa lubid na iginapos
Kasiyahan sana'y maabot
Bitawan ang sakit
Pusong namimilipit sa sakit
Pinipilit makaahon
Sa sariling kalungkutan
Walang may gustong dumamay
Mabuti pang ako ay mamatay

TulalaNiMadamdaminWhere stories live. Discover now