"Pinagod lang kita"

4 0 0
                                    

Patawad dahil pinagod lang kita mahal
Patawad kung hindi pa handa ang pusong sumugal

Patawad kung pinaghintay lang kita sa wala
Wag mong isiping ikaw ang mali at may deperensya
Wag mong isiping may mali ka ring nagawa
Dahil sa totoo lang puso ko ay hindi pa rin handa

Ako ang may mali
Kaya pakiusap h'wag sisihin ang sarili

Patawad mahal at pinaghintay lang kita
Akala ko kasi sugat sa puso ay naghilom na
Patawad kung pinagod lang kita
Hinayaang mahalin pa ako kahit hindi pa ako tapos magmahal ng iba

TulalaNiMadamdaminWhere stories live. Discover now