Tulala

9 0 0
                                    

Nahirapan kang nanligaw, pero ang dali mong bumitaw

Nahirapan kang sya ay paibigin
Pero ang dali mong sya ay palitan

Nahirapan kang angkinin
Pero ang dali mong sya ay saktan

Sana kung gaano ka katapang sa pagbitaw ng mga matalinghagang salita
Ay ganon ka rin katapang na ipaglaban sya

Sana kung gaano ka ka'determinadong sya ay makuha
Ay ganon ka rin ka responsableng panindigan
Panindigan ang pusong pinaibig
Panindigan ang pusong inangkin

Sana marunong kang mag ingat na masugatan at masaktan ang pusong naghahangad lang ng tapat na pagmamahalan

TulalaNiMadamdaminWhere stories live. Discover now