"Rein"

11 0 0
                                    


"May shooting star blang, humiling ka!" Sabi ni Rein

Dito kami lagi tumatambay sa isang bato malapit sa dagat pagka gabi na sabay pinagmamasdan ang mga tala

Natuwa ako sa aking nakita

Isang bulalakaw bumagsak sa dagat. Sobrang bilis ng pangyayari, nakatulala lang ako dahil di ako makapaniwala sa aking nasaksihan

"Anong hiniling mo?" Tanong sa akin ni Rein

"Wala eh"

"Bakit wala?!" Dismayang sabi ni Rein "sayang! First time kaya natin yun nakita"

Naisip ko, bakit tayo humihiling sa isang batong nahulog lang galing sa taas.

Kung hihiling ako matutupad kaya?

"Ano bang hiniling mo?" Tanong ko sa kanya

"Hiniling ko na sana makita mo na ang lalaking para sayo para sabay tayong magpakasal sa simbahan" ngiti mong sabi sa akin

Paano kung ang hiling ko ay mapakasalan ka Rein?

Kung humiling din ako sa pagbagsak ng bulalakaw baka posibleng walang wish na matutupad sa ating dalawa

Ang hiling mo ang makita ko na ang lalaking mamahalin ko at mahal ako

Ang hiling ko na ikaw ang lalaking mapapakasalan ko.

Ikakasal ka na Rein. Ayaw kong masira ang kasiyahan mo.

Mas gusto ko pang matupad ang hiling mo at makita kang masaya

Kesa sa matutupad ang hiling ko pero sa iba ka naman magiging masaya.

"Tara na nga, uwi na tayo" sabi ko sayo

"Bakit di ka humiling? Wala rin namang mawawala kung susubukan"

"Rein, nawala na ang matagal ko ng hinihiling. Nakuha na sya ng iba"

"Di ko gets, abnomal ka talagang babae ka"

"Ang slow mo!"

Pinisil mo na naman pisngi ko sabay takbo

Di na kita hahabulin
Nakaramdam na ako ng pagod

TulalaNiMadamdaminWhere stories live. Discover now