"Paano ba maglaba?"

4 0 0
                                    

Paano ba maglaba?

Una. Syempre ihiwalay mo ang puti sa de kolor

Ihiwalay mo na din ang sakit at saya para matapon mo ang mga negatibo at panatilihin ang mga positibong bagay. Tingnan mo na rin ang mga bulsa bulsa ng damit mo baka may naiwan pang alaala tapos alalahanin mo lang wag mo ng balikan.

Ikalawa. Kumuha ka ng planggana, tubig at powder. Kahit anong sabon pwede basta pwedeng panglinis sa nadumihan mong puso malinis pero iniwan niyang nagdurugo.

Pangatlo. Ihalo mo na ang sabon sa katamtamang tubig.

Tandaan: di dapat sumobra ang tubig, di rin dapat kulang. Dapat katamtaman lamang.

Pag sumobra mawalang saysay ang paglagay ng sabon dahil mawawalan na ito ng bula at bango. Parang sa pag ibig mo din sa kaniya, sumobra kaya ngayon ikaw ang kawawa. Di ka kasi marunong magbalanse, bigay bigay lahat.

Syempre hahaluin mo ng hahaluin ang powder sa tubig.

Haluin mo pa hanggang sa lumabas ang bula nito

Paikot ikotin mo ang iyong kamay sa planggana gaya ng ginawa niya sayo gaga. Pinaikot ka hanggang sa mawalang ng enerhiya at mapagod sa pagmamahalan nyong dalawa. Pagmamahalan na ikaw lang ang nakakapit at lumalaban.

Pang apat. Unahin mo ang mga puting labhan para ikaw ay mahimasman sa sakit na iyong naranasan. Sunod ang mga de kolor, ialis ang mga dumi, mga mantsa ng sakit. Kung di mawawala sa kusot gumamit ka ng zonrox, ibuhos mo na lahat ganyan ka naman bigay bigay lahat tapos ngayon umiiyak.

Pang lima. Pagkatapos ay banlawan mo na lahat hanggang sa mapagtanto na wala ng bula. Parang sya di mo namamalayang naglaho na parang bula.

Pagpanghuli ng banlaw at pwede ng isampay.

Pigain mong maigi, siguraduhing wala ng sakit at poot na nanatili. Siguraduhing nalinis na ang iyong puso at tinanggap mo na ang nagyari. Wala na siya di na sya babalik.

Isampay mo na ito.

"Gabi na hihintayin ko nalang na mag umaga"

Walang saysay. Ibig sabihin lang niyan di mo pa rin sya kayang kalimutan!



TulalaNiMadamdaminWhere stories live. Discover now