"Present"

8 0 0
                                    


---
"Present!" Tawag sa akin ni Joseph ang nag iisa kong bestfriend

"Present, oy bagay!"

Masayang masaya kami dahil naka graduate na kami ng college.

"Di na present itatawag ko sayo kundi ENGINEER Joseph Carpitaños" biro ko sa kanya

: "Di na din present itatawag ko sayo kundi Mrs. Carpitaños"

Nawala ang ngiti ko sa sinabi nya.

:"Present, pag uusapan na naman ba natin yan? Wag ngayon please"

Matagal na syang umamin sa akin na matagal na nyang nararamdaman na higit pa sa kaibigan ang turing nya sa akin

Natahimik sya.

"Wag kang mag alala present, ikaw lang ang nag iisa kong present" tumulo na din ang aking luha

Ayaw kong nakikitang nasasaktan sya dahil sa akin.

Namumula na ang kanyang mga mata at parang isang pagkakamali na naman na sasabihin ko tutulo na ito.

"Papasok ako ng simbahan, gusto kong tuparin ang gusto ko. Present bago ka pa dumating sa buhay ko naging buo na ang desisyon ko. Wag mong isipin na ikaw ang mali ha, kase walang may mali. Mahahanap mo rin ang babaeng para sayo"

Naguunahan ng tumulo ang aming mga luha.

"Nag aral ka pa, magmadre din naman. Edi sana di na lang kita nakilala" pilit syang ngumiti sa sinabi nya.

Tumingin sya sa aking mga mata at sinabing

"Mahal kita at kaya kitang bitawan dahil sa pagmamahal na iyon"

Yinakap ko na lang sya para maibsan na din ang sakit na nadarama nya.

Alam na nyang mangyayari ito pero pinagpatuloy nya pa ring mahalin ako.

To my present,
Mananatili ka sa aking puso. Sana makita mo na 'future' mo at ako pa rin ang 'present' mo. You'll never be replaced in my heart but I decided to serve God for the rest of my life.

TulalaNiMadamdaminWhere stories live. Discover now