"Una at Huling Tula Para Sayo"

24 1 0
                                    


Mahal gusto ko sanang isigaw sa mundo

Mga hinanakit ng aking puso noong iniwan mo
ako
Iniwan mo akong wasak at luhaan
Iniwan mo akong walang sapat na dahilan
Kaya ngayon sa aking pag iisa
Nakagawa ako ng una at huling tula para sayo
Na panigurado maraming makakabasa
At makakaalam sa storya nating dalawa
Storyang may katapusan
Dahil sa ako lang ang lumalaban
At ako? Matagal mo nang binitawan

Sa totoo lang di ko alam
Kung tugkol saan ang sa tula'y nilalaman
Kung tungkol ba sa nawasak na puso na nabuo
nang makita ka
O tungkol sa nawasak na puso na nawasak pa
ulit dahil di mo makita ang aking halaga
Mahal? Kailan ba tayo nagsimula?
Paano ba tayo umabot sa ganito?
Bakit bigla na lang naglaho?
Pag-ibig na sinabi mong hindi magbabago?

Para tayong naglalaro ng habulan
Ako yung taya, hinahabol ang kawalan
At di ko namalayan sa paghabol ko sayo
May nakapwesto na pa lang ibang tao sa puso
mo
Masakit makitang may mahal kang iba
Masakit isiping di na ako ang dahilan ng iyong
saya

Ibubulong na lang yata sa hangin
Mga tanong na gumugulo kung anong mali sa
akin
Di ba ako karapat-dapat?
Hindi ba ako sapat para sayo?
O di ka langmarunong makuntento?

Pero naisip ko, magiging malungkot ba ako para
sa taong mahal ko?
Kung nakikita ko naman syang masaya sa
kaniyang bago
Kahit masakit na di na ako ang dahilan ng mga
ngiti mo
Pangako,mananatili ka pa rin sa puso ko

Tanga na kung tanga
Inaamin ko umaasa pa rin akong sana maibalik
pa
Mga alaalang iginuhit ko pa
Pero ngayon ako na lang mag isa
Habang ang aking mata'y di matigil ang pagpatak
ng luha

Nilulunod ako ng sakit
Hindi ko alam kung magmamahal pa ba ulit
Pero sana kung magmahal man ako
Hindi katulad mo GAGO!

Bakit ba ako nagpadala sa mga salita mo
At naniwala sa mga pangakong napako
Di ko man lang inisip na ang mga lalaki pareho-
pareho
Sa simula lang magaling
Sa simula ka lang bibigyan ng aliw

Masaya naman talaga tayong dalawa dati pa
Kaya lang dumating SIYA
SIYA na iba
SIYA na iba kung sa akin ikukumpara

Hindi na lang ako hihiling na sana maging tayo
ulit
Ang gusto ko lang makalaya sa sakit
At tuluyang ako'y maging masaya
Saya na matagal ko ng di nalalasap
Dahil sa di na ako kasama ng iyong mga
pangarap

Ako nga pala ito
Ang dating mahal mo
Nagmahal, Binalewala
Gumawa ng tula

Pero wag kang aasang may kasunod pa
Dahil sabi ko nga ito ang una at huling tula ko
para sayo
Dahil ang susunod na tulang gagawin ko
Ay para na sa lalaking karapat-dapat maging
parte ng buhay ko

TulalaNiMadamdaminWhere stories live. Discover now