"a secret: I want to tell"

7 0 0
                                    


Paano pag nalaman mong nagtaksil ay iyong ama sa kanyang asawa?

Ipagtatapat mo ba ito sa iyong ina
Kahit na alam mong baka ito na ang katapusan ng samahan ng iyong pamilya?
Paano na lang ang aking mga kapatid na maliit pa
Lumaking hindi buo ang pamilya

Mananahimik na lang ako
Kahit na nasasaktan sa nilihim na siketo
Pero paano pag kusang malaman ni mama
Dahil wala namang sikretong di mabubunyag diba?

Paano pag malaman nyang di lang sya pinagtaksilan ni Papa
Kundi pati na rin ang anak na pinagkatiwalaan nya

Ma, patawarin mo ako
Si Ama ang may kasalanan
Nadawit lang ako
Naging kasalanan ko lang dahil nalaman ko
Kung maibabalik ko lang ang panahon
Sana di ko na lang inalam
Dahil mas masakit malaman ang katotohanan
Ang lalaking hinahangaan ko ay isa palang manloloko

Darating ang panahon
Mawawasak ang pamilyang binuo
Kasalanan ko
Kasalanan ko kasi nilihim ko din ito
Wala akong pinagkaiba kay Ama
Naging makasalanan akong anak dahil sa kanya

TulalaNiMadamdaminWhere stories live. Discover now